Andre Paras talks about Diary Ng Panget, new friends, new TV show, and brother Kobe; but declines to talk about mom Jackie Forster

“I’m sorry, you guys are my friends. So… I just don’t want to talk about her. Thank you so much. A… it’s just between us na lang po. No comment,” pakiusap ni Andre Paras nang matanong ng mga kausap na press tungkol sa kanyang inang si Jackie Forster.


Namumula dahil sa namuong dugo ang kanang mata ni Andre Paras.

Ito ang agad na napuna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media nang makausap siya sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, April 27.

“We had a workshop lang po. And then pag-uwi ko, napansin ko… Pumutok pala yung veins,” paliwanag niya nang mausisa tungkol dito.

“Pero it’s nothing big. I had it checked and sabi ng doctor, it’s not life-threatening.

“Parang it will be gone for two weeks or the worst, one month. Ito, three weeks na po pero gumagaling naman siya.

“Kaya kapag nag-i-spiels ako, medyo naka-side view lang ako,” sabay ngiting sabi pa niya.

Sobrang intense ba nung acting workshop na ginawa niya kaya pumutok ang veins sa kanyang right eye?

“No. It’s just... pumutok lang.

“Hindi ko lang siguro nakontrol yung galaw ng ulo ko or something. It really happens talaga.

“Parang in basketball… you’re just injured lang.

“Kasi sa workshop, we’re just talking lang. Siguro sa init, pumutok lang siya.

“It happened to me before. Pero nothing big… nothing serious naman.”

Yung acting workshop na dinaluhan niya, para raw sa bagong serye niya sa GMA-7 na The Half Sisters. Kasama niya rito sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Derrick Monasterio.

“Yung role ko do’n is Sandy na bestfriend po ni Barbie.

“Sa story, isa akong basketball player. Which is nice because I get to be myself.

“Pero drama role siya. And then we’ll see pa in the upcoming taping when we start kung ano talaga ang kailangan kong gawin.

“That’s why I’m doing workshops po. Para I can also be ready po because that’s important talaga.”

Ibang-iba sa naging role niya sa first movie naman niyang Diary Ng Panget na medyo comedy ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From the movie na happy na kalog at pambagets, sobrang serious naman dito sa The Half Sisters.”

PANGET TO GO ABROAD. Big hit sa takilya ang Diary Ng Panget. Lahat sila sa cast ay hindi raw ito inakala.

“I’m very happy because it’s my first movie nga. And it wouldn’t be possible without the help of Boss Vic del Rosario and and also Viva Films.

“We didn’t expect it to be that big.

“Well, we expect the fans to watch it. Kasi this movie is ano… hit siya sa na book, and then ginawa siyang movie.

“But we really didn’t expect ang dami talagang nanood. They invited their family and friends.

“And ang dami ng nakakakilala na lumalapit sa amin na mga lolo at lola na… they really like the movie.

“Nakaka-relate daw sila. So sobrang nakakatuwa.”

Anong pakiramdam na ipapalabas ito sa U.S.?

“Masaya kasi hindi lang pala dito sa Philippines nag-hit. People from abroad, yung mga fellow Filipinos natin doon, they really want to watch it also.

“Hopefully we can go there sa screening. I wanna visit America,” nangiting sabi pa ni Andrei.

Kahit first movie pa lang ito ni Andrei, nagawa naman niyang maging convincing sa kanyang ginampanang karakter.

“Yung role ko kasi do’n as Chad Jimenez, bestfriend-type na kengkoy at kalog. In real life, that’s actually me.

“Kasi nga as a person kasi, makulit talaga ako.

“And in the movie, sobra talaga akong kulit. I can say na parang ako nga.

“So when people accepted it, I feel happy na parang… they accepted me as the person also.

“And yung mahirap do’n siguro is I had to… Ang mahirap lang talaga ay yung puyatan. Pero habang tumatakbo ang shooting namin, nasanay na rin ako.”

ACKNOWLEDGING FANS. May mga grupo na siya ng fans ngayon. Napi-feel na ba niyang artista at kilala na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nakakakilala na nga sa akin kapag nasa public place ako. Pero I still live a normal life.

“I still go out in malls. I still do everything normally.

“I don’t limit myself in doing anything. Kasi if it wasn’t for the fans po, it won’t happen.

“Kaya everywhere I go kapag may lumalapit, ina-acknowledge ko po.”

May book two na ang Diary Ng Panget. Magkakaroon din kaya ng part two ang movie nito?

“Sana po. We pray and we hope na may part two.

“We really wanna do it again. It’s really a fun thing to do kasi it’s a book.

“Ang saya talaga. Nakaka-relate kahit na sino.

“Hopefully magkaroon nga ng part two. Kasi we just wanna make people enjoy lang.”

ADVICE FROM DAD. Ano ang reaksiyon ng family niya lalo na ang ama niyang si Benjie Paras ngayong nagsisimula nang umarangkada ang kanyang showbiz career?

“Well, you know if it wasn’t for them, because they’re the ones supporting me. They’re the ones encouraging me na… if there’s an opportunity, grab it.

“So, iyon ang ginagawa ko po. And then I ask for advice kay Dad since siya yung experienced po.

“Sabi niya, ‘You just enjoy what you’re doing.’ And that’s what I’m doing naman po.

“I’m enjoying. No matter how tiring it is, it will be worth it naman po.”

THE HALF SISTERS CAST. Kanino sa cast ng The Half Sisters parang nai-intimidate siya?

“I guess… when I saw the cast, na-intimidate ako siguro kay Derrick po.

“Kasi noon when I met him, I thought he was a serious person dahil tahimik siya.

“No’ng kinausap ko siya, sobrang kulit pala niya. Masaya.

“I think the reason why intimidated ako… I mean lahat sila, they’re all experienced na sa acting. Ako lang ang bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not scared. I’m just, like… I wish I could talk to them more and ask for advice.

“Since you know… we’re on the same role na pambata. Na ang hirap lang i-approach kasi nga, experienced na sila.

“But we’re friends na.”

Ang co-actors na sina Barbie, Derrick, and Thea ang ibig niyang tukuyin.

“We get along. We did yung plug na, so… we talk naman.

“At nakapag-workshop na nga kami. Do’n namin nailalabas yung mga feelings namin kaya okey na.

“It’s all good.

“Kaming apat daw ang madalas na magiging magkakasama sa mga eksena. Kaya I hope we can make a good chemistry and make people feel na they can all relate sa amin.”

BROTHER AND BESTFRIEND. Sabay pumasok sina Andrei at ang brother niyang si Kobe bilang additional co-hosts ng Sunday All Stars a couple of months ago.

Ano ang sinasabi nito sa kanya ngayong nabibigyan na siya ng magagandang break?

“Happy rin po siya. How I wish he could be here na po.

“Kasi he is just focusing on his studies and basketball. But whatever happens po, sinasabi ko na ginagawa ko ito lahat para sa kanya.

“Kunyari may role na bestfriend, ini-imagine kong siya ‘yon.

“It works talaga, e. Kasi he is my only bestfriend talaga.”

Kahit daw nagiging busy siya lately sa trabaho, he sees to it na nakakapag-usap pa rin sila every day kahit nasa abroad sa ngayon si Kobe..

“Salamat sa Skype. We always do mga webcam chat.

“And kulitan lang. Kahit iba yung time zone.

“I make it a point I sacrifice. Kahit umaga na, gabi do’n… kinakausap ko siya.”

NO JACKIE FORSTER QUESTIONS. For sure, ang kanyang mom na si Jackie Forster ay very proud din sa kanya ngayon.

Nagri-reach out ba ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sorry, you guys are my friends. So… I just don’t want to talk about her.

“Thank you so much. A… it’s just between us na lang po.

“No comment,” pag-iwas na nasabi na lang ni Andre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN