Yeng Constantino unaffected by rumored issue with relatives from Malabon

Hindi raw apektado si Yeng Constantino sa napabalitang isyu sa kanya ng mga kamag-anak niya na mga taga-Malabon. Aniya, “Wala, it doesn’t affect me. Kasi ‘pag alam mo sa sarili mo na wala ka namang ginagawang masama, wala kang dapat ipag-alala.”


Kamakailan ay nasulat na masama raw ang loob ng mga kamag-anak ni Yeng Constantino sa singer, dahil mula raw nang makilala at sumikat ito ay ni hindi na raw ito maimbitahan sa kahit na anong espesyal na okasyon ng kanilang pamilya sa Malabon.

Nadawit pa ang ama ni Yeng na hindi na raw makontak sa ngayon. Napagsasabihan tuloy na lumaki na raw ang ulo ng singer at mukhang nakalimot na raw ito sa lahing pinanggalingan.

Agad namang binigyang-linaw sa amin ni Yeng ang issue nang makapanayam siya ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP noong nakaraang Linggo.

“Mayroon kaming mga kamag-anak sa Malabon, pero siguro way before pa na ‘di pa ako nasa industry, di naman kami na-connect.

“’Di ko alam kung ini-invite nila ako through papa, kasi siguro ‘di nasasabi sa akin ng tatay ko kasi yung tatay ko, very protective. Gusto niya ‘di ako iistorbihin with my work or kung wala akong work, gusto niya magpahinga ako. Siguro ganun lang,” paliwanag ni Yeng.

“Siguro, lagi kasing dumadaan sa tatay ko, e. Gusto niya talaga na kung nasa bahay ako, makapagpahinga lang ako.

“Kung trabaho, trabaho. Lagi niyang pinapaalala, ‘‘Pag wala kang ginagawa magpahinga ka na lang. Kung kayang huwag lumabas, huwag ka nang lumabas.’

“Hindi mo maiiwasan yun kahit malaki ka na kasi tatay mo yun, magulang mo yun,” sabi pa ni Yeng tungkol sa pag-aalala sa kanya ng kanyang ama.

Agad naming tinanong si Yeng kung ilang beses na ba siyang nakapunta sa Malabon at na-meet nang personal ang mga kamag-anak niya roon.

“Libing ng tiyuhin ko, bata pa ako nun. Then, libing ng lola ko nung nakita ko sila, years back, twice.

“Wala, mas close ako sa mga kamag-anak ko sa Montalban [Rizal]. Tubong-Montalban ako, Rizaliana talaga ako, kaya minsan ‘pag nagsasalita ako, napapansin ng mga tao na may intonation ako ng Montalban.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Yeng ay ‘di siya natitigatig sa isyung lumabas at wala rin siyang sama ng loob, lalo’t ‘di niya talaga sigurado kung kanino ba nanggaling ang nasabing issue.

“Wala, it doesn’t affect me.

“Kasi ‘pag alam mo sa sarili mo na wala ka namang ginagawang masama, wala kang dapat ipag-alala.”

“Wala akong sama ng loob, kasi ‘di ko alam kung nanggaling talaga sa mga kamag-anak namin ‘yan sa side ng tatay ko.

“Kasi very quiet ang mga yun. Yung mga kamag-anak ko sa mama ko, rock and roll yun, e.

“Sasabihin naman sa akin ng papa ko kung may issue. Pero wala naman siguro, kasi wala namang sinabi ang papa ko.

“Kahit sila Papa at Mama ko, sobrang private ang mga yun. ‘Di mo makikitang nagge-guest ang mga ‘yan sa ASAP o sa mga talk shows kahit in-invite ang mga ‘yan. Sobrang tahimik lang ng buhay nila.”

EUROPE TOUR WITH DANIEL. Kagagaling lang sa Europe for a series of shows with Daniel Padilla, masayang binalita sa amin ng singer na naging matagumpay ang concert tour nilang ito ng batang aktor.

“Katatapos lang din ng tour namin ni Daniel Padilla sa Europe. Masaya, lahat ng shows namin sold out. Hayun nagkaroon pa kami ng libreng Holy Week vacation dun, kasi magkakasunod ang three shows naming. After nun, one week kaming walang work.

“Ang show namin after Holy Week, nagpunta kami sa Florence, Paris, Rome, si Daniel ‘tsaka mama niya, yung makeup artist niya, yung handler niya, ako, si Ate Abby ng Star Magic, ‘tsaka si Ms. Joyce.”

“Nakapunta na ako dun, 2011. Work. Nakapaggala na ako before, pero ‘di sa mga lugar na pinuntahan namin.

“Kababalik lang, medyo nadye-jet lag pa ako kanina, parang lumulutang ako. Kasi by this time, dapat tulog ka or pagising ka pa lang.”

“Sobrang saya, nakakatuwa. Sobrang saya ng bawat shows namin, sakto din yung Daniel-Yeng na tambalan sa concert kasi siguro magkapareho ng genre, pop rock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi ang mga fans niya, sobrang young girls. Nandun din yung fan base ko, nagwawala the whole night. Parang sigawan nang sigawan ang mga tao.”

DISCOVERING MORE ABOUT YAN. Magpapakasal na si Yeng sa susunod na taon sa fiancé na si Victor Asuncion. May mga pasalubong si Yeng para sa kasintahan mula sa Europe.

“Yes, mga stuff lang na binili ko para sa kanya. Mga new shirts, mga ganyan,” ani Yeng.

Ngayong mauuwi na sa kasalan ang lahat, aminado si Yeng na sa paglipas ng mga araw ay may mga bago siyang natutuklasan sa fiancé na lalong nagpapalalim sa relasyon nila

“Kasi yung relationship naman namin ng boyfriend ko from the beginning, yung goal namin, alam namin ang purpose ng relationship namin.

“I think from the beginning strong na siya, e. Mas na-develop lang yung pagkakakilala namin sa isa’t isa. Kasi until now, 11 months na kami, magwa-one year na kami sa June as boyfriend [and girlfriend], ang dami naming nadi-discover sa isa’t isa.

“Sobrang cool nun! Parang saktung-sakto lang for preparation for our wedding.”

Mag-iisang taon ang relasyon nila sa darating na June. Dapat ay sa Jerusalem magse-celebrate sina Yeng at Yan [palayaw ni Victor], pero hindi pala sila magkakasama sa anibersaryo nila.

“Di kami magkasama. Dapat nasa Jerusalem kami magkasama kami, pero yung album namin ng church namin, Every Nation Church International, gagawa kasi sila ng album, ng live album, natapat sa trip namin.

“Nandito siya sa Philippines magre-record siya ng album, ako naman nasa Jerusalem. Sasama ko na lang yung brother ko,” pagtatapos ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN