PEP SPECIAL REPORT: Highlights of US President Barack Obama’s state visit in the Philippines

"On behalf of the American people, we are honored and proud to call you an ally and a friend. Through our treaty alliance, the United States has an ironclad commitment to defend you, your security and your independence," says President Barack Obama during a state dinner held at Malacañang’s Rizal Hall on April 28.

Seen in photo: U.S. President Barack Obama (left) shook hands with Philippine President Benigno Aquino III (right) durin


Sentro ng kauna-unahang pagbisita ni U.S. President Barack Obama ang defense agreement sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas—ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong April 28, isa sa mga nakapaloob sa kasunduan ang pagbigay ng access sa mga sundalong Amerikano sa mga kampo ng Armed Forces of The Philippines.

Layunin nitong mas palakasin ang hukbong sandatahan ng Pilipinas sa loob ng sampung taon.

Nilagdaan ito ni Philippine Defense Secretary Voltaire Gazmin at U.S. ambassador Philip Goldberg ilang oras bago dumating sa Manila si Obama.

Sa isinagawang state dinner para sa visiting U.S. President noong April 28, nagbigay si Obama ng ilan pang impormasyon tungkol sa naturang kasunduan.

“The goal for this agreement is to build the Philippine capacity to engage in training, to engage in coordination, not simply to deal with issues of maritime security, but also to enhance our capabilities, so that if there’s a natural disaster that takes place, we are able to respond more quickly,” pahayag ng pinuno ng U.S.

Para sa kaalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) readers, narito ang ilan pang highlights sa pamamalagi ni U.S. President Barack Obama sa Pilipinas, mula pasado ala-una ng tanghali ng April 28 hanggang sa pasado alas-onse ng umaga ng April 29:


ARRIVAL IN MANILA. Dumating si U.S. President Barack Obama sa NAIA, sakay ng Air Force One, bandang 1:30 p.m. ng April 28.


WELCOMING CEREMONY. Ayon sa Official Gazette, bandang 2:10 p.m. nang dumating si U.S. President Barack Obama sa Malacañang Palace grounds, kung saan sinalubong siya ni President Benigno "Noynoy" Aquino III.

Pagkatapos ng flag ceremony ay nagpakitang-gilas ang isang Filipino bamboo orchestra na masayang pinanood ni Obama.


OFFICIAL PALACE GUESTBOOK. Sa isinulat niyang mensahe sa Palace Guest Book, ipinabatid ni Obama ang patuloy na magandang samahan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I thank President Aquino and the people of the Philippines [for] welcoming me. May America’s oldest alliance in Asia always be renewed by our friendship and mutual respect.”


EXPANDED BILATERAL MEETING Kinunan ng official welcome photo sina Obama at PNoy sa Palace Music Room bandang 2:30 p.m. Dito ay bahagyang nag-usap ang dalawang pinuno bago nagtungo sa isang pagpupulong kasama ng ibang opisyales. Tumagal ito ng isang oras.


JOINT PRESS CONFERENCE. Ginanap ang isang press conference sa President’s Hall bandang 3:45 p.m.

Ayon sa ulat ni Joseph Morong sa Saksi noong April 28, dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang local media na tanungin si Obama kung tutulong ang Amerika sa Pilipinas kung sakaling magka-giyera sa pagitan ng Pilipinas at China, sanhi ng territorial dispute.

Pahayag ni Obama ukol dito, “Our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China. Our goal is to make sure that international rules and norms are respected. Our primary interest is peaceful resolution of conflict, freedom of navigation.

“We don’t even make a specific position on the dispute between nations. But as a matter of international law and norms, we don’t think that coercion and intimidation is the way to manage these disputes.”

Sa puntong ito, nilinaw ni PNoy na ginarantiya ng bansang China na sila ay sumusunod sa international law. Sa ngayon, inaasahan ng Pilipinas na tutuparin ito ng China, hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa.

Dagdag na pahayag ni PNoy, "I think no country should begrudge us our rights to be able to attend to our concerns and our needs."

STATE DINNER. Ginawaran ni PNoy si Obama ng Order of Sikatuna—with the rank of raja—sa ginanap na state dinner para sa U.S. President.

Ang Order of Sikatuna ay Order of Diplomatic Merit na iginagawad sa foreign officials, ’tulad ni Obama, na malaki ang naiambag sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni PNoy nang igawad niya ang prestihiyosong award kay Obama: “For your leadership and policies that assisted the Philippines in times of national disaster, for helping uphold stability and peace by means of the rule of law in Southeast Asia and for working with us to fundamentally raise the defense capacity of our men.

Sa kabilang banda, nagbigay-pugay rin si Obama sa katatagan ng sambayanang Pilipino, lalo na sa gitna ng mga sakuna ’tulad ng bagyong Yolanda.

Nagsilbi umano itong inspirasyon sa mga mamamayan ng bansang Amerika, na kamakailan ay nasalanta ng matinding bagyo at buhawi.

Patuloy na pahayag ni Obama sa kanyang talumpati, base sa live coverage ng 24 Oras noong April 28: “On behalf of the American people, we are honored and proud to call you an ally and a friend.

"Through our treaty alliance, the United States has an ironclad commitment to defend you, your security, and your independence.

“And finally we feel our spirit, our kalooban, in the friendship between our peoples that expresses itself in so many ways.”

Ilan sa mga nabanggit ni Obama na manipestasyon ng pagkakapareho ng U.S. at ng Pilipinas ay ang “mutual obsession” ng mga Amerikano at Pilipino sa larong basketball at ang “mutual admiration” para sa Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.

Kinilala rin ni Obama ang kontribusyon ng Filipino-Americans sa work force ng U.S., partikular na ang Manila-born executive chef ng White House, mula pa noong 2005, na si Cris Comerford.

Dahil daw kay Cris ay pamilyar si Obama sa ilang Pinoy dishes ’tulad ng lumpia at adobo.


MEETING WITH FILIPINO-AMERICAN SOLDIERS. Nagtalumpati si Obama sa harap ng ilang Filipino-American veterans, at pati na rin mga sundalong Pilipino at Amerikano, sa Fort Bonifacio Wellness Center sa Taguig City, bandang 10 a.m. ng April 29.

Dito ay binigyang-pugay ni Obama ang Filipino-American war veterans na nagpamalas ng kanilang tapang noong panahon ng World War II.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalala ng U.S. President ang kalupitang dinanas ng mga ito sa tinaguriang Death March sa Bataan at war camps sa Corregidor.

“In those years of occupation, Filipino resistance fighters kept up a struggle and hundreds of thousands of Filipinos fought under the American flag.

“Sadly, the proud service of many of these Filipino veterans was never fully recognized by U.S. Many were denied the compensation they were promised. There was an injustice,” pag-amin ni Obama.

Kaugnay nito, inihayag ng U.S. President na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay itinama niya ang pagkakamaling nagawa ng kanyang bansa, kaugnay ng ‘di pagbigay ng kompensasyon sa Filipino war veterans.

“We passed a law, reviewed the records, processed claims. And nearly 20,000 Filipino veterans from World War II and their families finally received a compensation they have earned, and it was the right thing to do,” saad ni Obama.


MEMORIAL VISIT. Isang wreath-laying ceremony ang isinagawa sa Manila American cemetery sa pangunguna ni Obama. Ito ay sa kadahilanang sa naturang memorial park sa Taguig matatagpuan ang mga libingan ng libu-libong American soldiers na lumaban noong World War II.


DEPARTURE FROM MANILA. Bandang 11:30 a.m. ng April 29 nakaalis ng Ninoy Aquino International Airport si Obama, sakay ng Air Force 1.

Ilan sa mga opisyal na nanguna sa send-off para sa U.S. President ay sina Vice President Jejomar Binay, DILG Secretary Mar Roxas, at Defense Secretary Voltaire Gazmin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN