Angeline Quinto defends photos of self in two-piece swimsuit; says she has no intention to disrespect Holy Week

“Ang akin lang, ‘di talaga ako nagpapa-sexy. Nung nagpunta ako ng Boracay, Holy week, so nagbakasyon ako. Trinay ko lang naman na magsuot ng two piece. ‘Di ko naman in-expect na magiging masama yun sa ibang tao. Wala akong ibang intention kundi mag-swimming sa beach na nakaganun,” depensa ni Angeline Quinto sa sarili mula sa mga pambabatikos na natanggap dahil sa kanyang two-piece swimsuit photos.


Naging issue ang mga kumalat na larawan sa social media ni Angeline Quinto, na naka-two-piece swimsuit at kasama ang isang lalake sa Boracay nung nakaraang Semana Santa.

Mula ito sa isang Instagram account. Inalis na ng may-ari ng Instagram account ang mga nasabing larawan, ngunit kumalat naman ito sa ilang blogsites at social media accounts.

Tumanggap ito ng pambabatikos mula sa ilang netizens na nagsabing hindi man lang daw iginalang ng Star Power Grand Champion ang diwa ng Semana Santa, na imbes na magtika at alalahanin ang mga pagpapakasakit ni Hesukristo ay para pa raw nagsaya pa ang singer.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angeline nung nakaraang Linggo, April 27, sa ASAP, agad namang ipinagtanggol ng singer ang kanyang sarili sa hindi magagandang komento sa kanya.

“Oo, nakita ko naman yung nanggaling na comments sa ibang tao.

“Ang tanong sa akin, sinasadya ko raw bang magpa-sexy, sa akin naman mine-maintain ko lang ang pagiging payat, kasi malaking tulong sa akin at kailangan sa trabaho ko yun.

“Ang akin lang, ‘di talaga ako nagpapa-sexy. Nung nagpunta ako ng Boracay, Holy week, so nagbakasyon ako. Trinay ko lang naman na magsuot ng two piece. ‘Di ko naman in-expect na magiging masama yun sa ibang tao.

“Wala akong ibang intention kundi mag-swimming sa beach na nakaganun.

“Nag-picture-picture, di ko naman akalain na nung time na yun ipo-post ng kasama ko.

“Marami ang nag-react, may mga nakarating sa akin na ‘di ko man lang iginalang ang Semana Santa.

“’Di naman dahil sa nag-two piece ako, ‘di ko na ginagalang ang Holy Week, ‘di ba?

“Alam naman natin ang rason kung bakit Holy Week at alam naman natin yun. Ang akin lang, nandun ako para magbakasyon at wala naman akong masamang intensyon sa pagtu-two piece ko,” patuloy pa ni Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol din ni Angeline ang kaibigang lalaki na kasama niya na siya raw nagpakalat ng mga kuha ng larawan nila.

“Hindi naman, nag-e-enjoy din siya. Siguro excited din siya na mai-post yung picture, saka nung time na yun nasa Boracay kami. Yun lang yun, wala namang ibang dahilan.”

BUSY WITH ALBUM AND A MOVIE. Sa ngayon ay abala si Angeline sa promo ng kanyang third album. Binalita rin sa amin ng singer na may pelikula pala siyang sinisimulang gawin sa ngayon.

“Sa ngayon mga mall shows pa rin para sa third album ko. May movie akong ginagawa pero ‘di ko puwedeng sabihin kung sino ang mga kasama ko, saka wala pa namang date kung kailan siya ipapalabas.

“Oo naman na-miss ko [ang paggawa ng pelikula]. Nung una nga, medyo nanibago ako. Pero magaan naman katrabaho ang mga kasama ko, lalo na yung director namin kaya hayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN