Max Collins bests TV5 artists for a movie role to be filmed in Qatar

“One month ako sa Qatar, Remembering Ada yung title ng movie. Para siyang The Notebook. Yung guy, taga-Qatar rin po,” balita ni Max Collins tungkol sa gagawin niyang pelikula.


Noong hindi pa ipinapalabas ang Innamorata, aminado ang bida ritong si Max Collins na kinakabahan siya kung ano ang magiging pagtanggap ng mga manonood.

Una niya kasing serye ito na siya talaga ang bida.

Masaya si Max dahil isa sa may matataas na rating sa mga panghapong programa ng Kapuso network ang kanyang serye.

Sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa Alpadi Estate sa Antipolo City, noong April 29, “Sobrang happy, sobrang happy ako.

“Kinabahan ako noon dahil first time. So, medyo na-stress ako noon.

“But, I gave it to God na lang. Sabi ko, kung anuman ang reaction ng mga tao, I’ve no control na. But I’m happy na nagustuhan ng mga tao.”

Pagiging bida naman sa primetime series ang gusto ba niyang gawin pagkatapos na magbida sa pang-hapon?

“Kahit saan, basta may trabaho,” nakangiting sabi niya.

Sa kuwento ng Innamorata, nailagay na siya sa painting. Ano na ang mangyayari sa kanya?

“Nakakulong ako ro’n, hindi maganda ang portrait ko. Sobrang distressed ang itsura ko ro’n. Yun din ang pakiramdam ni Esper [pangalan ng character niya] sa loob ng painting at doon din niya malalaman kung sino ang kakampi niya.

“Kung paano siya makakalabas, kung sino ang tutulong sa kanya para makalabas siya ng painting.”

Ayaw namang sabihin ni Max kung sino sa dalawang leading men niya—sina Luis Allandy at Dion Ignacio—ang maaaring makatulong sa kanya.

FILMING IN QATAR. Kay Max na rin namin nalaman na pagkatapos niyang gawin ang Innamorata ay may gagawin siyang pelikula na sa Qatar kukuhanan.

Ayon kay Max, “One month ako sa Qatar, Remembering Ada yung title ng movie. Para siyang The Notebook. Yung guy, taga-Qatar rin po.”

Isang taga-Qatar at isang taga-Manila raw ang producers ng pelikula. Ang producer daw na taga-Qatar ang nakipag-usap sa kanila para gumanap siya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba siya nakuha para rito?

“Si Sir Leo Martinez, parang nag-email siya ng casting call. Someone from [GMA] Artists Center sent me an audition piece.

“Wala akong ginagawa nun. Binasa ko ang script, ang ganda. Pumunta ‘ko sa audition.

“Parang karamihan ng mga taong nag-audition, taga-TV5.

“Siguro kasi, parang doon si Tito Leo, so, mostly TV5. Ako lang ang GMA.

“After a month, kinontak nila ‘ko.”

DION AND PANCHO. Hiningan naman namin si Max ng reaksyon sa naging pahayag ni Dion na matagal na raw siyang gustong makapareha at inamin ngang crush siya.

Natatawa naman si Max na sumagot na, “So, hindi pala—kasi, sabi ko, binobola mo na naman ako. So, yun pala, hindi naman pala.”

Inamin talaga sa kanya ni Dion?

“Si Dion ba? Ah, [yung] makeup artist namin. Parang kinuwento niya yata kung sino ang crush niya [Dion]. Parang ako, si Kylie [Padilla], may iba pa.”

Kaso sa amin, siya lang ang binanggit ni Dion.

“Siyempre, love your own, kasi Innamorata,” natatawang sabi naman niya.

Pero, sinabi rin ni Dion na parang kinalimutan na nito ang pagka-crush sa kanya dahil daw kay Pancho Magno.

“E, alam ko, bestfriends sila, e,” nakangiting sabi ni Max.

Sila na nga ba ni Pancho?

“No,” sagot niya.

At siya na rin ang nagdugtong habang nakangiti na, “Dating kami… dating lang.”

Tingin ba niya’y maaaring makahadlang sa career niya ang pagkakaroon ng seryosong relationship kaya dating stage lang muna siya with Pancho?

“No naman. Kasi, I think you work better kapag happy ka. So, happy ako.”

Inspired ba siya ngayon?

“Palagi namang inspired, lalo na ngayon na lahat, okey. Especially sa career.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN