Tony Calvento reveals assassination plot against Vhong Navarro; slams Kat Alano

Nagpasaring si Tony Calvento (kanan) kay Kat Alano (gitna) na "fading star" na nakikisawsaw sa isyu ni Vhong Navarro (kaliwa) para sumikat.


Nagpasaring laban sa isa’t isa ang veteran broadcast journalist na si Tony Calvento at ang radio-TV personality na si Kat Alano, sa pamamagitan ng social media, kaugnay ng mga espekulasyon kung sino ang lalaking nanggahasa kay Kat.

Matapos lumantad ni Kat at sinabing pinagsamantalahan siya ng isang kilalang personalidad, siyam na taon na ang nakalilipas, marami ngayon ang nag-uusisa kung sino ang tinutukoy niyang humalay sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa pinapangalanan ni Kat kung sino ang sinasabi niyang nagsamantala sa kanya, subalit kamakailan ay nagbigay siya ng "hint" sa pagkatao nito.

Sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo, kung saan ginawa ni Kat ang pag-amin, ginamit ni Mo ang hashtag na #RhymesWithWrong.

Dahil dito, maraming netizens ang naghinala na ang tinutukoy ni Kat na nagsamantala sa kanya ay ang actor-TV host na si Vhong Navarro, dahil ang "Vhong" ay katunog ng "Wrong."

Read: Kat Alano posts intriguing tweets about her unidentified rapist

Kasalukuyang nahaharap si Vhong sa kontrobersiya kaugnay ng rape.

Inakusahan siya ng panggagahasa ng tatlong kababaihan—ang modelong si Deniece Cornejo, ang beauty pageant contestant na si Roxanne Cabañero, at ang stunt double na si Margarita Fajardo.

Ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong rape na inihain ni Deniece laban kay Vhong, habang hinihintay pa ang desisyon sa hiwalay na mga reklamo nina Roxanne at Margarita.

SPECULATIONS. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, sumagot si Calvento patukoy sa mga espekulasyong si Vhong ang rapist diumano ni Kat.

Ang beteranong mamamahayag ay isa sa mga aktibong sumusuporta kay Vhong simula nang pumutok ang kontrobersiyang kinasangkutan ng actor-TV host.

Kahapon, May 1, ay ni-repost ni Calvento ang pahayag ng isang Malena Bautista kaugnay sa isyung ito:

"There’s a lot of speculations about Kat Alano’s rapist... All one has to do is google what show she co-hosted 2005-2006. There you’ll find and think who the person she was referring to. Maybe I was wrong, but that was the only show that was mentioned."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Wikipedia, lumalabas na ang trabahong ginawa ni Kat mula 2005 hanggang 2006 ay bilang VJ sa Studio 23, co-host ng lifestyle show na E-Club sa Studo 23 din, at co-host sa defunct ABS-CBN noontime show na Wowowee.

Sinagot ni Calvento ang mensaheng ito ni Malena.

Aniya, "You said the right word ’speculation.’ In the bar of justice, speculation is given no credence or little weight. Let her name names. Don’t read her posts then. It’s as simple as that!"

Sa kanyang sumunod na post, pinasaringan ni Calvento si Kat na isa diumanong "fading star" na gusto lang mapag-usapan.

Sinabi rin ng broadcast journalist na ang pangunahing kunsiderasyon nila ngayon ay ang posibleng panganib sa buhay ni Vhong.

Pahayag ni Calvento, "A person arguing with a fool? Who’s the bigger fool?

"Alam niyo ba kung ano ang ’ambulance chaser’? These are the people riding on with the fast moving ambulance which has a siren para ma ride on and get ahead of the others.

"A fading star who has lost his/her credibility will try to get into the picture para mapag-usapan.

"Why not? Survival for subsistence? Fame? To be in the lime light once more? Huwag na lang.

"I’m not concerned with that kasi the real issue is the intel report that have reached us na may kinuhang ’hired gunmen’ para assassinate si Vhong.

"Sinong kumuha? Kayo na bahala mag-isip. Ito ang mas importanteng pagtuunan ng pansin at ma neutralize ng mga authorities. More security measures have been taken to ensure the safety of Vhong Navarro.

"Mag-ingat tayo at maging vigilant for any info na makuha ninyo, which you think makakatulong kay Vhong."



KAT REACTS. Kahapon, sa kanyang Twitter account (@katalano), ay nag-post din ng mensahe si Kat na tila sagot sa pahayag ni Calvento.

Sabi niya: "When someone starts to build a wall to defend themselves, and they haven’t even been accused yet.. you have to wonder. #iseeyou"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod din ang posts ni Kat tungkol sa kanyang kampanya laban sa rape.


Nagre-react din si Kat sa bashers na sinisisi siya sa nangyari sa kanya.


Sa mga naghahamon naman na pangalanan ang salarin sa panghahalay sa kanya noon, ibinabalik ni Kat ang tanong sa naghahamon sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN