Hiro Peralta dreams of working with Magalona cousins; still in touch with co-tween stars

Kapuso tween star Hiro Peralta is happy to be making a name for himself despite his popular relatives.


Masaya raw ang Kapuso young actor na si Hiro Peralta sa magagandang proyekto niya ngayon.

Kasama siya sa Joel Lamangan film na Sitio Camcam at sa upcoming soap ng GMA Network na BFF, na pagbibidahan nina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Mona Louise Rey, at Jillian Ward.

Pero sinabi ni Hiro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gusto rin niyang makatrabaho ang kanyang mga pinsan mula sa Magalona family.

“Isa yun sa mga dreams ko, ang makatrabaho sila Elmo, Maxene, Saab, at Arkin.

"Kasi medyo matagal na rin ako sa GMA at pare-pareho kaming nasa Kapuso Network, pero wala pang chance na magkatrabaho kami."

Nagkausap raw sila ni Maxene sa dating programa nito sa QTV 11 nung contestant pa lang si Hiro sa Mr and Ms Olive C, isang national search para sa campus models.

Pinasok ni Hiro ang pag-aartista pagkatapos siyang tanghaling winner sa campus search na iyon.

Kuwento ng binata, “Ipinakilala ako ng isang staff kay Maxene na kamag-anak niya.

"Kasi nga yung mommy ko, related sa mga Magalona, pero wala kaming chance na magkasama sa mga reunion.

"Bale si Tito Francis lang at si Lolo Pancho yung nakikita ko noon sa mga reunion namin, kaya laking saya ko nung nakilala ko siya [Maxene]."

Ang tinutukoy ni Hiro ay ang pumanaw na sikat na rap artist na si Francis Magalona at ang ama nitong si Pancho Magalona, isang sikat na leading man noong 1950s.

Nagbatian naman daw sila ni Elmo nang mag-guest si Hiro noon sa Party Pilipinas at sa Sunday All Stars.

"Nakausap ko siya ng konti, pero walang chance na makapag-usap kami tungkol sa pagiging magkamag-anak namin.

“Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasama-sama sa show, kahit ilan sa kanila.

"Siguro doon makikilala namin ang isa’t isa at magiging close kahit papa’no."



LOVETEAM. Bukod sa Magalona siblings, gusto raw muling makatrabaho ni Hiro si Kim Rodriguez, ang kanyang original na ka-loveteam sa Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Hiro, “Hopefully makatrabaho ko siya ulit, lalo na tapos na rin yung show nila ni Kristoffer Martin, yung Paraiso Ko’y Ikaw.

“Nami-miss ko din yung tandem namin, siya kasi yung kauna-unahan kong ka-loveteam.

“Alam ko rin naman na gusto rin niya akong makatrabaho ulit kasi nag-uusap kami minsan at nagkakasama din sa ibang mga events.

“Pero sa ngayon, alam kong mukhang malabo pa, kasi may bago akong ka-loveteam sa BFF.

"Siguro sa next show, baka pagbigyan na kami ng GMA na magsama sa isang soap."



TWEENS REUNION. May activity raw ang GMA para sa tween stars sa Boracay simula ngayong araw, May 2.

Ayon kay Hiro, “Excited na nga ako kasi from May 2 to 6, makakasama ko yung co-tweens ko sa Boracay, bale bonding na rin namin.

“Magkikita-kita kami dun nina Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, at Teejay Marquez... ’di ko pa alam kung susunod yung iba."

Memorable daw kay Hiro ang Boracay dahil dito siya ipinakilala bilang bagong member ng Tween Hearts.

Aniya, "Excited na akong balikan yung lugar kung saan una akong nagsimulang mag-artista.

“Super flashback ako pagdating doon, sobrang totoy pa ako nun, as in di pa marunong umarte at kabado.

“Ang maganda nga sa aming mga tweens, kahit nagtapos na yung show namin, nanatili pa rin ang friendship namin.

"May mga time na nagsasama-sama pa rin kami sa mga lakaran at nagba-bonding."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN