Bettina Carlos surprised by rumor linking her to Raymart Santiago

Hindi natatakot si Bettina Carlos na madawit ang pangalan niya sa isyu ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ngayong nali-link siya sa aktor. Sabi ni Bettina, “Wala naman akong ginagawang masama kaya wala naman akong dapat ikatakot. At saka, wala po talaga, e.”


Itinanggi ng Kapuso actress na si Bettina Carlos na may namumuong relasyon sa pagitan nila ni Raymart Santiago, taliwas sa lumabas na reports sa ilang tabloids.

Magkasama sina Bettina at Raymart sa afternoon soap ng GMA Network na Villa Quintana. Parehong walang mga karelasyon ngayon ang dalawa.

Bagamat isa nang ina si Bettina ay maituturing pa rin siyang dalaga dahil hindi sila nagkatuluyan ng ama ng kanyang anak.

Si Raymart naman ay hiwalay na sa asawa nitong si Claudine Barretto, bagamat hindi pa napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa telepono kaninang umaga, May 2, upang kunin ang kanyang panig sa isyu tungkol sa kanila ni Raymart.

Bagamat noong una ay tumanggi siyang sagutin at patulan pa ang isyu, pumayag na rin itong sagutin ang aming mga katanungan.

Totoo nga bang may namumuo raw sa kanilang relasyon ni Raymart?

“Merong namumuo kay Janice at kay Felix, pero kina Bettina at Raymart, wala po!” natatawang sagot niya.

Ang tinutukoy ni Bettina na “Janice at Felix” ay ang mga karakter nila ni Raymart sa Villa Quintana.

Dagdag niya, “Si Janice kasi, forever love niyang talaga si Felix. Hindi siya makapag-move on-move on dito.

“Baka yun ‘yon. Baka napag-isipan lang kaming dalawa kasi pumutok na yung love angle sa show.

“Alam ko, this week yun, lalo pa yata next week.”

SWEET TO EACH OTHER? Binanggit namin kay Bettina ang usap-usapang kaya sila natsitsismis ni Raymart ay dahil sa mismong set ng Villa Quintana ay may mga nakakakitang sweet daw sila.

Sabi ng aktres tungkol dito, “E, hindi ko po alam paano nasabing sweet.

“Natawa nga ako noong nabasa ko, kasi hindi, e, walang ganun.

“Pinagluluto ko raw si Raymart... how I wish! How I wish na magaling akong magluto.

“Nagbi-bake ako, pero hindi pa ako nagluluto.

“Nag-aaral pa lang ako ngayon kay Chef Boy [Logro]. So, hopefully nga po, matuto ako at makapagluto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinatanggi ni Bettina na kapag nagbi-bake siya para sa kanyang business at may sobra, dinadala niya ito sa set at ipinapakain sa lahat.

“Ganun din naman ako kahit noong Temptation of Wife, nagdadala talaga ako ng bine-bake ko.”

RUMOR HAS IT. Ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-link sa kanila ni Raymart?

Tugon ni Bettina, “Medyo nagulat po ako.

“Hindi ko kasi alam bakit nga. Baka naman nakikita nila sa eksena.

“And as an actor naman, before the scene, may acting works, we have to work on that.

“Lalo na yung character ko, talagang hayok na hayok sa kanya!” tawa pa pa niya.

“Baka dahil sa mga scene namin, which I think positive siya, kasi it only means believable, realistic naming nagagawa.”

Sinasabi pang posibleng malungkot daw si Raymart ngayon dahil sa nangyari sa kanila Claudine. Hindi ba nararamdaman ni Bettina na pumuporma o nanliligaw sa kanya ang aktor.

“Wala, tahimik lang naman siya. He talks to everyone.

“Kaming dalawa, kung may napag-uusapan man kami, madalas pagkain.

“Mahilig siyang magluto, ako naman mag-bake.”

Napatikim na ba sa kanya ni Raymart ang luto nito?

Sabi ni Bettina, “Wala pa akong natitikman, baka naman wala rin time magluto.

“Kasi, sabi ng mga cameraman, masarap yata yung sardines niya. Pero hindi ko lang alam kung nakapagdala na siya.

“Pero wala pa akong natitikman. Sana nga magdala siya para matikman ko rin.”

Paano kung ligawan siya ni Raymart, magugustuhan niya ba ito?

Sagot ni Bettina, “Ayoko munang isipin, wala naman, e, parang hindi naman magandang sagutin kasi wala naman.”

Paano kung manligaw nga?

“Saka ko na lang siguro iisipin kung mangyayari yun, pero wala talaga!” natawang sagot ni Bettina.

Ano ang masasabi ni Bettina sa mga katangian ni Raymart?

“Okay naman siya, mabait naman.

“Kasi, kahit beterano na siya, maayos siyang makitungo sa mga tao, kahit sa mga crew. Saka very respectful din siya as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nag-start naman kasi ang Villa Quintana, hindi naman kami magkakilala, pero siya yung co-star na may mahuhugot ka kapag magkaeksena kayo.

“Sabi ko nga, yung character ko pa naman as Janice, grabe pagmamahal niya kay Felix, yung longing niya.”

NOT INCOMPLETE. Tatlong taon na raw walang karelasyon si Bettina mula nang isilang niya ang kanyang anak. Pero hindi naman daw niya nararamdaman na kakulangan sa kanya ang aspeto ng lovelife.

Saad niya, “As of the moment, wala pa, wala pa talaga dun ang focus ko.

“Parang ngayon pa lang kasi pumi-pick-up ang lahat sa akin, lalo na sa work.

“At saka ako kasi, yung ganyang bagay, kahit hindi mo hanapin, ibibigay nang kusa ni Lord.

“Really, I’m not longing for anything.”

Hindi ba siya natatakot na ngayong nali-link sila ni Raymart ay baka madamay na rin siya sa isyu ng aktor at ni Claudine?

Sagot ni Bettina, “Bakit naman, wala naman akong ginagawa?

“Wala naman akong ginagawang masama kaya wala naman akong dapat ikatakot.

“At saka, wala po talaga, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN