Vic Sotto celebrates 60th birthday via surprise party prepared by girlfriend Pauleen Luna

Masayang ipinagdiwang ni Vic Sotto ang kanyang 60th birthday sa pamamagitan ng surprise party na inihanda para sa kanya ng kasintahang si Pauleen Luna at anak anak na si Danica Sotto. Sabi ni Pauleen, "Kasi ako, I believe na parang he deserves the best. He’s always working, e. Ako, naniniwala ako na he really needed to celebrate itong birthday niya na ’to."


Nagpapasalamat si Vic Sotto sa kasintahang si Pauleen Luna at sa kanyang mga anak dahil sa inihanda nilang surpise birthday party para sa kanya noong Lunes ng hapon, April 28, sa Acropolis.

Nagdiwang ng kanyang 60th birthday si Vic noong araw na iyon.

Pahayag ng comedian-TV host, “Si Pauleen at mga anak ko, nagkuntsaba para i-organize yung party.

"Na hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung children’s party o senior citizen’s party dahil ang karamihan na mga bisita ko, senior citizen…

“Extremes, e—senior citizen, mga bata, mga apo sa kapatid…

“Dun ko na lang napansin na marami-rami na rin pala sila.

“So, parang children’s party, complete with popcorn and sago’t gulaman, sari-sari store, may magician pa.”

Kuwento naman ni Pauleen, sila raw ni Danica Sotto-Pingris—panganay na anak ni Vic sa dating asawa nitong si Dina Bonnevie—ang nagkausap at nagplano ng masayang sorpresang ito sa 60th birthday ni Vic.

Lahad ni Pauleen, “I talked to Danica about it. From there, nag-usap-usap na kami.

“Nagkasundo naman kaming lahat sa theme, sa food, kung papa’no flow ng program…

“Exciting na nakakakaba kasi mahirap siyang [Vic] i-surprise.

“We had the feeling na pagpasok niya, siya ang magsabi ng ‘Surprise!’”

Singit naman ni Vic, “Hindi ko nga matandaan kung kailan ako nag-celebrate, e.

“Usually, we’ll just have dinner with family, my children.

“But this time, with family and friends, with dabarkads—halos kumpleto silang lahat.

“And it was a surprise na medyo naisip ko naman, it was still a pleasant surprise.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk sina Vic at Pauleen sa studio ng Eat Bulaga!.



BIRTHDAY SURPRISE. Nakausap din namin si Danica, at ikinuwento niyang malaking tulong si Pauleen para mabuo ang birthday party na iyon para sa kanyang ama.

Si Pauleen daw kasi ang kasama ni Vic, at sa kanya sila nakipag-coordinate para mapapunta sa party na iyon ang daddy nila, na walang ideya na mayroon silang inihandang event para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Danica “Ang contribution din niya [Pauleen], sabi niya gusto niyang iano yung food…

“Sabi niya sa amin, yung food ang gusto niyang contribution.

“Like, yung venue, ako ang nagbayad, ‘tapos mga ibang… yung magician, ganyan.

“Siyempre yung iba, sponsors naman, so marami din kaming nakuhang sponsors.

“So, very thankful kami.”

Sabi naman ni Vic, “Alam ko, kami-kami lang nina Pauleen, mga bata, merienda lang.

“Hindi ko alam na ganun kalaking merienda pala yun na may kasamang cena. Merienda cena, kumbaga.

“And nakakatuwa kasi complete ang number ng program.

“May mga production number yung mga maliliit, yung malalaki rin.

“Ang apat na anak ko, kumanta sila.

“May mga audio-visual presentations na hinanda nila. Kinarir… kinarir.”

Bukod kay Danica, ang iba pang mga anak ni Vic ay sina Oyo (bunsong anak ni Vic kay Dina), Vico (anak ni Vic kay Coney Reyes), at Paulina (anak ni Vic kay Angela Luz).

Patuloy ng Eat Bulaga! host, “Sabi ko nga nung nag-speech ako, matagal-tagal na rin akong hindi nagpa-party nang malaking ganun.

“But since it’s… kumbaga, from 9 to 0 sa pamilya namin, e, may ibig sabihin yun, e.

“Yung makalagpas ka sa 9, makarating ka sa 0, dapat i-celebrate yun, extra thankful ka, maingay.

"Nataon naman na nagplano sila ng maingay at surprise na party, saktong-sakto."

Kaya hindi raw napigilan ni Vic na maluha sa mga inihanda ng kanyang mga anak, lalo nang nagbigay sila ng mensahe para sa kanya.

Sabi ni Vic, “Kasi ang mga anak ko rin, nagsalita sila na may kasamang teardrops din.

“Pagka ganun, hindi mo na mapigilan ang emotions mo, e.

“Definitely, tears of joy yun.”

SENIOR CITIZEN. Ngayong 60 years old na si Vic, wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang sarili kundi para na sa ibang tao—sa kanyang mga anak, mga kapatid, buong pamilya, kay Pauleen, at sa mga taong natutulungan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad nito, “Nagpapasalamat [ako] sa Panginoon for giving me wonderful children, for giving me wonderful brothers, at sa mga dabarkads, sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Kay Pauleen… Kung hindi naman talaga dahil sa kanya, hindi naman matutuloy itong surprise big event sa buhay ko.”

Iyon lang din naman daw ang hangad ngayon ni Pauleen, ang mapasaya ang kasintahan, dahil lagi naman daw ito ang nagbibigay ng saya sa lahat.

Pahayag ng 25-year-old actress-TV host, “Kasi ako, I believe na parang he deserves the best. He’s always working, e.

“Ako, naniniwala ako na he really needed to celebrate itong birthday niya na ’to.

“I know for a fact that his children will really make him happy, his children and his family, that’s why naisip ko nga ito.

“I know how important it is for him na mapagsama-sama lahat ng tao sa isang kuwarto.

“So, I really prayed to God, and He’s very nice to give it to him.”

Sabi naman ni Vic, “Thank you to Pauleen and especially to my children for making it happen, for the very pleasant surprise for one of my most memorable birthdays.”

Sinundan na rin namin ng tanong si Vic kung magiging “groom at 60” ba siya?

Sagot niya, “Malalaman natin yung sa tamang panahon ng Diyos, siyempre.

“Why not? Kung talagang gagawa at gagawa ng paraan ang Panginoon.

“I believe in fate na kung talaga doon papunta… na sa feeling ko, talagang doon naman talaga papunta.”

Ngayong 60 na si Vic, ie-enjoy raw niya ang mga privilege ng isang senior citizen.

“Oo naman, twenty percent [discount] din yun.

“Sa mga Immigration, mauuna ka… marami rin perks ‘yan.

“Hindi ko naman nararamdaman ang edad, e.

“Pero hindi pa ako nakakuha ng senior card,” nakangiting sabi ni Vic.



INTRIGUES. Yun nga lang, pagkatapos ng masayang birthday party na inihanda para kay Vic, nabahiran ito ng intriga dahil sa reaksiyon na inilabas ni Angela Luz sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angela ay ang ina ng isa sa mga anak ni Vic na si Paulina.

Nagalit daw si Angela nang makita ang litrato ni Paulina kasama si Vic at si Pauleen.

Nag-post daw ang dating model-actress ng reaksyon niya sa kanyang Instagram account, ngunit pinutakti siya ng bashers na sinagot naman niya lahat.

Kalaunan ay tinanggal din lahat ni Angela ang mga ipinost niyang iyon.

Nang subukang kunin ang reaksiyon ni Pauleen tungkol dito ay tumanggi siyang magsalita.

Mas mabuting huwag na lang daw palakihin ang isyu dahil nirerespeto pa rin daw niya ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN