Paco Arespacochaga to visit Manila in August for son Heaven’s 18th birthday

LA-based Introvoys drummer/vocalist Paco Arespacochaga happily announces the forthcoming release of the band’s eight album: “We’ve just wrapped up recording for our 8th studio album. And our new single is titled “Nasaan Ka.” We will have a worldwide release this May. So that’s a good and exciting thing for me and the boys. Thank God... we still have it going.”


Kahit sa ibang bansa na naka-base ang dating vocalist/drummer ng grupong Introvoys na si Paco Arespacochaga, tuloy pa rin ang pag-asikaso niya sa bagong album ng kanilang banda.

Sa katunayan, mayroon nga silang bagong single na ire-release ngayong Mayo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paco, via private messaging ng Facebook, nabanggit nito ang bagong developments sa kanilang banda.

Ayon kay Paco, “We’ve just wrapped up recording for our 8th studio album.

“And our new single is titled ’Nasaan Ka.’

“We will have a worldwide release this May. So that’s a good and exciting thing for me and the boys.

“Thank God... we still have it going.”

Sumikat ang bandang Introvoys noong 1986 at isa sa mga orihinal na miyembro nito si Paco, pati na ang kanilang vocalist na si Jonathan Buencamino.

Pinasikat ng Introvoys ang mga awiting “Just A Dream,” “However Which Way,” “Will I Survive,” “’Di Na Ako Aasa Pa,” “Kailanman,” “Line To Heaven,” “Tell Me Why,” “In A Little While,” at “Desire.”

Naka-base na sa Los Angeles, California ang Introvoys.

Bukod sa pag-asikaso sa banda, nagtatrabaho rin si Paco bilang business development consultant at PR para sa American Professional Ambulance.

Meron din siyang sariling online show na pinamagatang Paco In The House.

Sa naturang web show ni Paco, tampok ang ilang panayam niya sa iba’t ibang kapwa musikero at nagbibigay rin siya ng musical tips at advice sa mga nakakapanood sa kanya.

“Every show is spontaneous. And I mean fun in every way.

“I tape as many episodes as I possibly can. And I am inviting people to check out our show,” pag-imbita pa ni Paco.

HOMECOMING. Sa August ay uuwi ng Pilipinas si Paco para sa ika-18 kaarawan ni Heaven, ang kanyang anak sa dating asawang si Geneva Cruz.

Saad niya, “I haven’t been home in two years, but I’m definitely coming home in August to celebrate my son’s birthday.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa college na nga si Heaven at may sarili na rin daw itong rock band.

Balita pa ni Paco, “Heaven is going to take up Nursing.

“It’s an opportunity for better income here in the US. Plus, he might just look hot wearing scrubs!

“Pero, right now, he’s also busy with his rock band, Mad Minute.”

GOOD FRIENDS WITH EX-WIFE GENEVA. Samantala, okay naman daw ang relasyon niya sa kanyang ex-wife at ina ni Heaven na si Geneva Cruz.

Kasalukuyang nagdadalang-tao si Geneva sa anak nila ng kanyang fiancé na si Lee Paulsen.

Masaya niyang kuwento, “Geneva and I are in perfect harmony as friends.

“Yes, we talk every day or every time we need to.

“And we always talk about Heaven. We talk all the time just to update each other on our son.”

May isa pang anak si Paco mula sa kanyang misis na si Tiny named Caelen, na ngayon ay 6 years old na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN