Isabel Oli says boyfriend John Prats is also her "business advisor"

Isabel Oli on boyfriend John Prats’s admirable business ethic: “Yun naman ang gusto ko kay John kasi he’s very careful sa mga kinikita niya. Hindi siya waldas na tao. Pinag-iingatan niya ang mga kinikita niya para sa kinabukasan niya. He is actually encouraging me na pasukin ang mag-business.”


Freelancer si Isabel Oli kaya puwede siyang lumabas sa ibang TV networks.

Nag-expire ang kontrata ni Isabel sa GMA Network noong 2013 kaya ilang beses nang napanood ang aktres sa ilang programa ng ABS-CBN.

Aniya, “Last year pa ako walang kontrata with GMA-7. Kaya ako nakapag-guest sa Annaliza, Banana Nite, and ASAP.

“So far, okey naman ang maging freelancer. Marami akong puwedeng puntahan at walang magiging problema.

“Co-managed naman ako ni Tita Becky [Aguila] at Viva Artist Agency.

"Kung meron silang plano na gawin akong exclusive sa isang network, nasa kanila naman ang desisyon,” pahayag ni Isabel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang launch bilang endorser ng direct selling fashion line na Sophie Paris.

Mula 2005 ay Kapuso si Isabel at una niyang naging teleserye ang Sugo kung saan naging leading lady siya ni Richard Gutierrez.

Pero sa ABS-CBN siya nagsimula noong 2004 sa seryeng It Might Be You nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kabilang sa mga pinakahuling show na nagawa ni Isabel sa GMA-7 ay ang teleserye na Magkano Ba Ang Pag-ibig? at ang Day-Off sa GMA News TV.

Mami-miss kaya niya ang maging Kapuso kung sakaling ilipat siya sa ibang TV network?

“Oo naman. I’ve been loyal to GMA-7 for the past eight years.

“Wala namang akong mairereklamo sa kanila dahil magaganda ang mga projects na ibinigay nila sa akin.

“Hindi lang naman as an actress kundi bilang TV host ay binigyan nila ako ng break.

“I would still love to work with GMA. Pero depende na iyon nga sa management natin.

“If they feel na it’s time to move on, then sila ang masusunod,” pahayag ni Isabel.

HAPPILY IN LOVE. Marami ang nakakapansin na kakaiba ang glow ni Isabel ngayon dahil na rin sa kanyang relasyon ng Kapamilya actor na si John Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinatanggi ni Isabel na isang “inspiration” sa kanya si John.

Noong dumating nga raw sa buhay niyasi John, matapos ng ilang mga nakarelasyon niya, naging maayos daw ang lahat at parati na lang daw siyang masaya.

“John makes me smile every day.

“Siya ang nagiging driving force ko sa lahat ng gagawin ko sa aking career. He inspires me a lot kaya heto, masaya tayo parati.

“Thankful ako na dumating siya sa buhay ko kasi mas marami akong natutunan sa buhay, lalo na yung pagiging praktikal sa buhay at yung ingatan ang mga pinagpaguran kong kitain sa trabahong ito,” sabi ni Isabel.

JOHN AS BUSINESS ADVISOR. Tinuruan nga raw si Isabel ni John kung paano alagaan ang mga kinikita nito sa pamamagitan ng mga negosyo.

Si John kasi ay ilang taon nang may sariling negosyo kaya malaki na ang kinikita nito noon pa man.

Saad ni Isabel, “Yun naman ang gusto ko kay John kasi he’s very careful sa mga kinikita niya.

“Hindi siya waldas na tao. Pinag-iingatan niya ang mga kinikita niya para sa kinabukasan niya.

“He is actually encouraging me na pasukin ang mag-business.

“Pero sabi ko naman na hindi tulad ng negosyo niya na may kinalaman sa construction. Parang hindi pa ako ready sa ganoong kalaking responsibilidad.

“Puro pampapaganda lang muna ang gusto ko. Mga pang-girl lang ’tulad ng nail salon, mga accessories. Yung pangkikay muna. Tulad nitong Sophie Paris na direct selling.

“Siguro when I’m experienced enough, baka puwede na ako mag-shift sa mas malaking business.

“For now, simulan ko muna sa small business na kaya kong i-handle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN