Jake Vargas ready to tackle gay roles; pegs Michael V as role model

Jake Vargas on his admiration for Michael V’s gay portrayals: “Sobrang galing niya, pag nagbakla-bakla na siya o nagbabae-babaihan, akala mo in real-life ganun siya, madadala ka talaga. Ako nga mismo, ’pag napapanood ko siya, natatawa ako sa sobrang husay niya, e.”


Handang-handa na raw sumabak sa pagtanggap ng mature role ang Kapuso young actor na si Jake Vargas.

Kung ang kanyang co-tween stars na sina Kristoffer Martin at Teejay Marquez ay pumayag na tumanggap ng gay role sa Magpakailanman, hindi naman daw pahuhuli at gusto na ring subukan ni Jake ang ganitong klaseng role.

Sabi ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan With The MasterShowman kahapon, May 2, sa Studio 6 ng GMA Annex, “Siguro gusto kong i-try, bakit naman hindi?

"Part of maturity na rin sa pagtanggap ng mas mature na role.

“Hindi naman kasi all the time yung puro pa-tweetums yung role na gagawin ko. Dapat iba-iba.

"Dapat yung sa bawat project, may bago at matsa-challenge ako.

“Kung nakaya ng mga co-tweens ko na sina Teejay at Kristoffer, na parehong lumabas na bading sa Magpakailanman, bakit naman hindi ko subukan?

“Alam ko naman na kaya ko kasi sa dami ng mga nakikilala kong bading sa showbiz, may idea na ako kung papaano sila magsalita, kumilos, at gumalaw."

Dagdag pa niya, “Pero kung may gagayahin ako, ang gusto ko si Kuya Bitoy [Michael V].

"Sobrang galing niya, pag nagbakla-bakla na siya o nagbabae-babaihan, akala mo in real-life ganun siya, madadala ka talaga.

“Ako nga mismo pag napapanood ko siya natatawa ako sa sobrang husay niya, e.

“Lagi ko siyang nakakasama at alam kong lalaking-lalaki siya sa totoong buhay, what more yung ibang tao na hindi naman siya nakakasama at napapanood lang siya, pero nag-e-enjoy at natatawa nang husto sa ginagawa niya.

“Very effective siya sa pagbabading-bading na role, kaya nga if ever na mabibigyan ako ng role na bading, siya yung gusto kong gayahin.

“Pero not totally gayahin, kasi baka ang mapanood na ng tao habang ginagawa ko yun, si Kuya Michael na.

“Siyempre, pagsasama-samahin ko yung mga nakikita ko sa mga bading nakakilala ko para mas maging effective.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin, isa na siguro yun sa very challenging role na puwede kong gampanan—ang pagiging bading.”

Kung gaganap siyang bading, mas gusto raw ni Jake na ang mga co-tweens ang makasama niya

Ayon kay Jake, “Mas okey yun, kasi magkakakilala na kami, bonding na kami.

"Kumbaga, hindi na kami magkakailangan kasi magkakaibigan kami.

“Gamay na gamay na namin ang isa’t isa pagdating sa trabaho.

"Pero puwede naman na kung sino ang ibigay nila sa akin, okey lang, hindi naman ako namimili ng makakatrabaho, lahat welcome."

INSPIRED BY JAMICH. Speaking of Magpakailanman, isa raw ang Jamich Story (Jam and Mich) sa nagawa niyang proyekto na marami siyang napulot na aral pagdating sa pagmamahal.

Aniya, “Grabe yung pagmamahalan nila sa isa’t isa.

"Kmbaga, through thick and thin, magkasama at nagdadamayan sila, napakagandang love story.

“At kahit nga ngayong may sakit na si Jam, hindi pa rin siya iniwan ni Mich, mas lalong naging matibay ang kanilang pagmamahalan.

“Yun yung sinasabi nating true love, na kahit anong mangyari, magkasama at magdadamayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN