German Moreno is happy to be part of new Kapuso drama series Niño

German "Kuya Germs" Moreno is happy to be part of new GMA-7 soap, Niño. He says, “Mas gusto kong gumawa at mapasama sa drama soap, kasi alam naman natin yung mga taong nanonood sa kani-kanilang bahay kapag drama yung pinapanood nila, mas nakatutok at mas nakaka-connect sila.”


Matapos ang mahigit isang taon ay ngayon lang daw muling nagkaroon ng regular soap sa GMA-7 ang nag-iisang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Ito ay ang pinakabagong serye ng Kapuso Network na pinamagatang Niño na mapapanood na ngayong Mayo.

Huling napanood si Kuya Germs bilang si Apo Pasko sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa, na umere noong November 2012 at nagwakas noong March 2013.

Kuwento nga ni Kuya Germs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong taping nito ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA Annex Studio 6 noong May 2, “At last! Isang taon na yata o sobra pa mula noong magkaroon ako ng regular soap.

“Pero happy ako kasi ngayon meron na naman akong soap na sasamahan, ito ngang Niño.

“Tinatanong ko nga sila, e [GMA bosses], kung may drama [serye] ako.

“Naghihinayang nga ako kasi hindi nagagamit yung gusto kong gawin.

“Mas gusto ko gumawa at mapasama sa drama soap, kasi alam naman natin yung mga taong nanonood sa kani-kanilang bahay kapag drama yung pinapanood nila, mas nakatutok at mas nakaka-connect sila.

“Kaya nga I’m expecting na may drama yung role ko sa Niño.

“Pero I know maganda ang Niño, dapat nilang panoorin para malaman nila ang kaugnayan ng Sto. Niño dito sa soap namin.

ROLE. Tinanong namin si Kuya Germs kung ano ang magiging role niya sa bagong serye.

Sabi niya, “Ako bale yung barangay captain dito, kasama ko ang maganda kong kumare na si Gloria Romero kaya excited ako sa show na ’to.

“Sa ngayon, hindi ko pa alam yung itatakbo ng role ko dito kasi hindi pa naman ako nagti-taping at hindi ko pa naman nababasa yung buong script.

“Pero sana maging maganda yung role ko dito. Kakatapos pa lang kasi naming mag-pictorial for the soap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE TO YOUNG STARS. Gaya ng ibang veteran stars tulad niya, maraming artista ang humahanga kay Kuya Germs dahil sa kanyang pagbibigay di lamang ng mga oportunidad, kundi pati na rin mga payo tungkol sa pag-arte at mga kalakaran sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Kuya Germs, “Kami nga ni Mareng Gloria pinapangaralan na namin yung mga batang kasama sa soap para may matutunan sila sa aming mas mga naunang artista.

“Sabi nga namin ni Mareng Gloria na ’wag silang matatakot na i-approach kami o batiin kasi ’yon yung nagiging problema—laging natatakot yung mga baguhang artista na bumati sa mga datihan nang artista.

“Kaya ang ending, napagkakamalan silang suplado o suplada dahil sa hindi pagbati sa mga senior stars.

“Sabi nga namin wala namang masama sa pagbati at pagbibigay galang sa mga naunang artista sa kanila.

“Mas maganda kasing silang mga kabataan at baguhan ang bumati sa mga senior stars, puwede namang ipakilala nila ang kanilang sarili para makilala sila.

“Puwede din naman silang humingi ng advice sa amin nila Mareng Gloria tungkol sa showbiz lalo na’t matagal na kami dito sa trabahong ito.

“Pinayuhan din namin sila na maging propesyonal at mahalin ang kanilang trabaho, dahil blessing ’yan at maging thankful sila sa tiwala at trabaho na binigay ng network.

“Alam naman natin na hindi lifetime ang pag-aartista kaya magtrabaho nang maayos para mas dumami pa ang projects na ibibigay sa kanila.

“Sabi pa nga namin ni Mareng Gloria na papangaralan namin sila na makakatulong sa kanila.

“Mahirap kasi na nagsisimula na kayong magtrabaho tapos naiilang sila kasi nahihiya silang bumati.

“Mas maganda na umpisa pa lang okey na ang lahat para mas maganda yung maging resulta ng trabaho.

“Natutuwa naman yung mga bata sa nai-share namin sa kanila.

“Kumpleto nga yung mga bata. Nandun si Renz [Valerio], Miguel [Tanfelix], Bianca [Umali], Julian [Trono], at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STORY CONCEPT. Ikinuwento rin ni Kuya Germs na nabanggit din niya sa direktor ng Niño ang ilan niyang mga ideya para sa storyline ng bagong serye, pero hindi pa raw niya sigurado kung naisama ito sa script.

Patuloy pa ni Kuya Germs, “Dati sinabi ko na sa kanila yung concept ko, yung Ninyong Gala, pero hindi ko alam kung ano nangyari after kong sabihin sa kanila.

“Tapos pagtagal-tagal, eto nga meron ng Niño. Hindi ko alam kung pareho lang ang itatakbo ng istorya.

“Nang mabalitaan ko ito, hindi na lang ako kumibo.

“Pero nung storycon nai-share ko kay Direk Maryo [delos Reyes] yung concept ko ng Ninyong Gala at sinabi ko nga na gusto kong mag-share ng ilang eksena kung mamarapatin nila at umoo naman sila.

“Kaya naman kinuwento ko at nagustuhan naman niya [Direk Maryo], kaya baka ma-i-inject yung ibang idea ko para sa Niño.

“Let’s see na lang kung anong mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN