Elmo Magalona on accepting dark and shocking role for his first indie film: “Magsisisi ako kapag hindi ko gagawin ang movie na ito.”

Elmo Magalona explains his transition to more mature and challenging roles, just like his "shocking" role for his very first indie film #Y: “The role is very dark and Direk Gino [Santos] wants me to give it my all. He wants me to shock a lot of people. Gusto niyang ipakita na kaya kong gawin ang ganitong klaseng role.”


Kung ang mga co-celebrity endorsers ni Elmo Magalona para sa fashion brand na Folded & Hung na sina Alden Richards at Enrique Gil ay nagpapa-sexy na sa kanilang mga pictorials, hindi pa raw handa si Elmo na makipagsabayan at magpaka-daring kahit na nasa hustong edad na siya.

Kakatuntong lang ni Elmo ng 20 anyos nuong April 27 at gusto niyang manatili pa rin ang kanyang wholesome image dahil bukod sa mga fans niyang mga bata, may dalawa siyang nakababatang kapatid na patuloy siyang tinitingala.

“There’s a right time for everything.

“Hindi naman porke’t 20-years old na ako, mag-iiba na ako ng image.

“As much as possible, I want to keep this image para na rin sa mga fans natin na mga bata. Plus, I have two younger siblings, Arkin and Clara, who look up to me as a role model.

“Siguro in a few more years baka maging ready na ako.

“I feel kasi na physically, hindi pa ako ready to go daring. Parang awkward pa for me at baka ma-alienate ang mga batang sumusuporta sa atin if I do the daring pictorials,” pahayag pa ni Elmo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 29 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Pero pag dating naman sa pagtanggap ng roles sa pelikula o telebisyon, handa si Elmo sa malaking pagbabago.

Dahil nga mature na siya, gusto niyang gumawa ng pelikula na masusubukan ang kanyang pagiging aktor.

SHOCKING ROLE. Tulad na lang ng sisimulan niyang indie film para sa Cinemalaya Independent Film Festival 2014 titled #Y na ididirek ni Gino Santos na siyang nagdirek ng kontrobersyal na indie film na The Animals.

“They offered me the role in #Y at nagustuhan ko kaagad. I said yes to doing it kasi magsisisi ako kapag hindi ko gagawin ang movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The role is very dark and Direk Gino wants me to give it my all.

“He wants me to shock a lot of people. Gusto niyang ipakita na kaya kong gawin ang ganitong klaseng role.

“Ako naman, I accepted that challenge. Once in a lifetime lang darating ang ganitong role and it’s my first indie film.

“I am praying na ma-achieve ko ang gusto ng mga taong nagtitiwala sa akin,” panalangin niya.

Ang unang pelikula sana ni Elmo ay ang indie film na Mrs. Recto kunsaan bida si Regine Velasquez.

Noong 2009 pa nasimulan ang indie film na iyon sa ilalim ng direksyon ni Dante Garcia. Pero natigil ang shooting nito at na-shelve na nga ang project.

“I was 15 years old that time. I was supposed to shoot na my scenes for the movie, pero nag-stop shooting.

“Hindi na raw tinuloy kasi nagkaroon ng financial problem yung producer.

“Sayang kasi it would have been my first movie talaga. But I guess, God has other plans for me,” dagdag pa ni Elmo.

VILLA QUINTANA EXTENDED RUN. Binalita pa ng Kapuso leading man na extended hanggang June ang teleserye nila ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez na Villa Quintana.

Dahil nga sa mataas na ratings nito sa GMA Afternoon Prime kaya na-extend sila na ikinatuwa naman daw ng buong cast and crew ng teleserye.

“We are all happy kasi when we started in November 2013, may malaking pressure lalo na sa team-up namin ni Janine.

“Hindi namin ini-expect na matatanggap kami kaagad ng mga fans. And that was a good thing for both of us.

“We just want to come up with a good series na ma-e-enjoy ng marami sa GMA Afternoon Prime.

“Nagpapasalamat kami for the huge support, especially from our fans. Talagang pinapanood nila ang bawat episode ng Villa Quintana at iyon ang pinakaimportante sa amin,” masayang pagpapasalamat ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN