Jun Lana’s Barber’s Tales named 3rd runner-up in Italy’s Udine Audience Award

Eugene Domingo, Barber’s Tales lead actress, proudly accepts the award in Udine, Italy. The film’s director Jun Lana is in the Philippines, finishing up post-production work on another movie.


Ang Filipino movie na Barber’s Tales na mula sa direksyon ni Jun Lana ang itinanghal na 3rd place sa Audience Award ng 2014 Udine Far East Film Festival na ginanap sa Udine, Italy, noong April 25 hanggang May 3, 2014.
Ang The Eternal Zero ng Japan ang nanalo ng Audience Award, at 2nd runner-up ang The Attorney ng South Korea.
Ang Barber’s Tales lead actress at Celebrity Bluff host na si Eugene Domingo ang personal na tumanggap ng parangal para sa pelikula nila ni Lana.
Si Jun Lana ay hindi nakadalo dahil sa post-production work ng So It’s You ng Regal Entertainment Inc.
Si Lana din ang direktor ng So It’s You na ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Miyerkules, May 7.
Ibinahagi ni Jun ang text message na natanggap niya mula kay Eugene na proud na proud sa karangalan na ipinagkaloob sa kanilang pelikula.
"Congratulations!!! Our screening was FULL HOUSE & SOLD OUT. And at the end they were clapping endlessly! Buong CBB until matapos extended. At naiyak na lang ako ...sa halo-halong emosyon, may kasama ng jetlag at karga sa music ni Ryan Cayabyab!
“Touched na touched sila sa pelikula. Madaming mga kabababayan na tuwang-tuwa din pero mas maraming Italyano sa audience ! Napaka- simpatika ng pelikula, pasok lahat ang punchlines ng mga hostess at ni Gladys Reyes.
“May mga kasama sa Tokyo Int’l Filmfest dito na gustong-gusto niya manalo tayo hahaha! Solid lang ! Sabi ko, I wish you, Direk, were here and I think next year you should be here ! Tapusin mo na daw agad ang pangatlo, Ama Namin! Best to us & Congrats and thank you talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN