Bela Padilla reveals plans to star in remake of Pinoy classic movie

Bela Padilla on her upcoming movie project: “May isu-shoot akong movie. I’m gonna star soon pero hindi ko pa puwedeng sabihin. Ano siya… sa isang international producer. Dalawa kaming bidang babae doon sa movie. Hindi ko pa sure kung sino yung makakasama ko. Pero ang naririnig ko, baka si Sarah Lahbati yung isa pang girl.”


Kahapon, Sabado, May 3, ang ika-23 kaarawan ni Bela Padilla.

Kaugnay nito, nagkaroon siya ng celebration sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, May 4.

“Wala akong birthday party. Hindi naman kasi ako nagsi-celebrate talaga ng birthday,” sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I went to Boracay for an event but not to celebrate my birthday. So at least parang napasabay na.”

Bakit hindi siya nagsi-celebrate ng birthday?

Paliwanag ni Bela, “Ahh… dahil sa religion kasi [Jehovah’s Witnesses]. Kaya hindi ako nagsi-celebrate talaga.

“But I’m happy na marami akong natanggap na gifts. At least ano, sobrang bait ng…

“Una sa lahat... ng sponsors ko, thank you sa cakes, flowers, at mga gifts na natanggap ko. Pagpunta ko ng Boracay, ang dami kong nabuksang regalo.

“So nakakatuwa. Thank you so much.

“And sa managers ko rin, maraming salamat. Also sa mga friends ko, sinurprise nila ako at saka ni Neil [Arce, her boyfriend].”

Ano ang gift sa kanya ni Neil?

“Actually, today ko pa lang daw malalaman. Surpise so… hindi ko alam!” sabay ngiti ni Bela.

Magkakaroon kaya sila ng birthday dinner date ni Neil?

“Probably not. Actually napasabay… my lola is in the hospital so medyo every day kaming nagbabantay kaya baka doon na rin ako dumiretso mamaya,” saad niya.

BIRTHDAY WISH. Meron ba siyang birthday wish?

Pag-amin niya, “Wala. Kasi nga I don’t really celebrate my birthday.

“Pero… I guess more of just a general wish na lang and not really a birthday wish. Ano lang… siguro to continue what I’m doing and to be happy all the time!”

Masaya naman daw siya ngayon sa buhay niya. Balanse ang magandang takbo ng kanyang career at personal life pati na ang relasyon nila ni Neil.

Kamakailan ay nanalo siyang Best Supporting Actress sa Gawad Tanglaw para sa kanyang pagganap sa pelikulang 10,000 Hours kunsaan bida ang tiyuhin niyang si Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL FOR RECOGNITION. Sa tingin niya, anong pagbabago ang inihatid ng pagiging award-winning actress niya?

Pag-aanalisa niya, “Uhm… wala namang masyado. I’m still the same naman.

“Parang hindi naman nagbago. Pero nakakatuwa lang na nari-recognize na yung work ko.

“So parang kahit napapagod ka minsan sa taping o sa shooting, at least maganda yung nagiging resulta.

“Meron palang nakakapansin nung effort na ginagawa namin. Kaya nakakatuwa.

“And… ano lang, siguro mas naging confident ako sa sarili ko. Dati kasi parang nagda-doubt ako na… tama ba yung ginawa ko sa eksena?

“Pero at least ngayon, kapag pupunta ako ng taping, mas confident na ako.”

STILL HUMBLE. Hindi pa ba niya nararamdaman na dahil premyado na siya, “made” na siya bilang aktres?

Natatawa niyang sagot, “Hindi naman. Hindi ko alam!”

“Well… job ko naman ‘yon. Trabaho ko naman ‘yon so kailangan talagang aktres ako!”

“Kung ang tingin sa akin ay aktres na ako dahil nanalo ng award… thank you so much.

“Gano’n pala ’yon? Hahaha!”

Dahil sa pagkapanalo niya, masasabi na rin ba ni Bela na naging mas mapili na siya ngayon sa mga roles na tatanggapin niya?

“Hindi naman. Not really picky sa roles dahil… yung gusto mo lang tumanggi.

“Pero siyempre I’m thinking of along-term career. Kasi I really love what I’m doing.

“So I wanna stay here for a long time. Kaya yung managers ko rin, parang they pick the roles for me.

“So hindi puwedeng tatanggap ka pero hindi iyon ang pinaplano nilang career para sa ‘yo. So ’yon… dapat may career path,” pahayag pa ng dalaga.

MOVIE REMAKE. May bagong project na ba siyang nakatakdang simulan?

Kuwento niya, “May isu-shoot akong movie. I’m gonna star soon pero hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Ano siya… sa isang international producer. Dalawa kaming bidang babae doon sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa sure kung sino yung makakasama ko. Pero ang naririnig ko, baka si Sarah Lahbati yung isa pang girl.

“So… remake siya ng isang Filipino classic movie. That’s all I can say muna.”

SUPPORTIVE BF. Ikinatutuwa raw ni Bela na napaka-supportive ng boyfriend niyang si Neil Arce sa kanya. Hindi raw ito nagiging hadlang sa anumang gusto niyang gawin bilang isang artista.

“Mas pinu-push nga niya ako. Or mas tinutulungan niya akong maging confident sa sarili ko.

“So kesa makahadlang, feeling ko mas natutulungan pa niya ako,” pahabol pa niya.

Nakikipag-co-produce din si Neil ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN