Ogie Alcasid happy that TV5 is getting loyal viewers despite stiff competition from giants ABS-CBN and GMA

Ogie Alcasid on popularity of his character Tupe in Confessions of A Torpe: "They like him. I think it’s because si Tupe, ordinaryong tao siya. Hindi siya yung pagpapantasyahan mong tao. Pero dahil sa pinagdaanan niyang kuwento, from the very beginning with his friends, somehow, the ordinary person will identify with Tupe. Because he’s an ordinary person, he’s a real person."


Hindi personal na natanggap ni Ogie Alcasid ang kanyang tropeyo sa KBP 22nd Golden Dove Awards bilang Best Comedy Actor para sa gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli.

Kasalukuyan daw kasing nagti-taping noon si Ogie para sa TV5 comedy series na Confessions of a Torpe.

Paliwanag ng singer-comedian, “Actually, sumaglit ako dun, kaya lang wala na.

"Nakatengga ang buong taping, so I had to go back."

Sambit pa niya, “Thank you sa KBP.”

Kahit saang network si Ogie ay napapansin talaga ang husay niya sa pagpapatawa. Maging noong nasa GMA pa siya ay ilang beses din siyang nanalo ng award para sa Bubble Gang.

“Tsamba lang,” nakangiting reaksiyon niya rito.

Patuloy ni Ogie, “God is good. Maganda ang transition.

"Okay ang team namin sa Tropa. Okay ang writing team namin, okay ang mga bata, so tulungan.

“Hindi naman magiging standout ang characterization mo kung hindi magaling ang support, ‘di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie noong May 1, sa La Concordia College, sa Sta. Ana, Manila.



NUMBER TWO. Nabanggit din ni Ogie na kagagaling lang nila ng Dubai para sa live show doon ng Tropa Mo Ko Unli.

"Okay rin, sarap, naka-bonding ko ang mga bagets," sabi niya.

Kumusta ang pagtanggap ng mga Pinoy sa Dubai sa TV5 shows?

“Okay,” sambit ni Ogie.

“Number 2 tayo dun. Doon sa cable na OSN, kilala ang TV5 dun.

"Kilala nga si Tupe dun," pagtukoy niya sa kanyang karakter sa Confessions of A Torpe.

Dagdag niya, “Natutuwa ako, dito kasi sa primetime, mabibigat ang labanan.

"Pero everywhere we go, kilala na si Tupe.

“Ang sukatan ko kasi diyan, kilala sa akin, Boy Pick-Up...

"Siyempre, hanggang ngayon, kilala pa rin si Pick-Up, pero kilala na nila si Tupe.”

Si Boy Pick-Up ang pinasikat na karakter ni Ogie sa gag show ng GMA na Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Ogie, “Noong isang araw nga, naggo-golf ako, sabi nila, ’Kanino ka ba, bakit ayaw mo pang magtapat kasi?

"’Si Luz [Gelli de Belen] ba, hindi ba gaganda yun?’

“Pinapakinggan ko lang sila and nakikita mo na affected sila.

"Kaya sabi ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

“They like him. I think it’s because si Tupe, ordinaryong tao siya.

"Hindi siya yung pagpapantasyahan mong tao.

"Pero dahil sa pinagdaanan niyang kuwento, from the very beginning with his friends, somehow, the ordinary person will identify with Tupe.

"Because he’s an ordinary person, he’s a real person."



RECOGNITION. Mas sukatan ba niya ng popularidad ng isang programa ang pagkilala ng tao sa karakter kumpara sa mga inilalabas na rating?

Saad ni Ogie, “Hindi naman, siyempre importante pa rin ang rating.

"But, kung makikita mo ang feel ng... ayan, tulad ng mga ‘yan, they came here kasi nanalo sila sa contest."

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang fans na nasa taping ng Confessions of A Torpe, at galing sa iba’t ibang lugar dahil nanalo sa pa-contest nila.

Sabi pa niya, “Ang cute ng reception ng mga tao—mga nanay, mga teenagers, mga bata.

"Lalo na ngayong summer, nakukyutan sila."

Masaya si Ogie dahil extended ang Confessions of A Torpe.

“Originally, thirteen weeks, na-extend siya ng two weeks, naging fifteen.

"Ngayon naman, extended na naman ng two weeks, kaya seventeen weeks na siya.”

Hindi nga lang sigurado si Ogie kung mae-extend pa ulit sila dahil isusunod na raw ang bagong tawa-serye na pagbibidahan ni Sharon Cuneta.



PRESSURE. Saan niya mas higit na naramdaman ang pressure—noong nasa Kapuso network siya na talagang nakikipaglabanan sa rating, o ngayong nasa TV5 siya na kailangan niyang ilaban ang rating at maipakitang may magagawa siya?

Tugon ni Ogie, “Siyempre, mas may pressure yung mas kailangan mong magpa-rate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ako kasi, hindi ako nadadala sa ganun.

“Sa akin, trabaho lang ‘yan. Kumbaga, put your best foot forward.

"Wala ka namang control dun.

“And so far, dahil ganun naman ang motto ko, ’Do your best. Let Go, Let God,’ nagiging okay naman.”

Noong lumipat si Ogie mula GMA papuntang TV5 ay may impression na isa siya magpapabago sa kapalaran ng Kapatid network.

Pagkalipas ng halos isang taon, nararamdaman ba niya ang mga pagbabago sa TV5 ngayong nandito na siya?

Saad ni Ogie, “Wala naman silang sinasabing ganun.

"But, I think, it fell into place.

"Kasi, noong sinimulan nila Sharon ang Madam Chairman, which is comedy, nagkaroon ng ibang flavor.

"Nagustuhan ng market, bumagay sa market.

“And then, noong hindi pa ‘to [Confessions of A Torpe] umeere, siyempre medyo may pressure rin sa amin.

"Okay naman, naging maganda naman ang reception.

“So, itutuluy-tuloy mo lang yun. At least, medyo nakatapak na kami.

"Siyempre, 2 and 7 are still the giants, higanteng-higante ang dalawang networks na ‘yan.

“But ngayon, dito sa mundo namin, paluluwagin mo, palalawakin mo lang, at medyo nakakaramdam ka na kumakapit na ng konti ang market."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN