(UPDATED) Deniece Cornejo surrenders to PNP chief

Following the arrest of Cedric Lee and Zimmer Raz, Deniece Cornejo (in photo) surrenders to the Philippine National Police today, May 5. Cornejo, Lee, and Raz are three of the five accused in the serious illegal detention case filed by actor Vhong Navarro.


Sumuko na si Deniece Cornejo.

Si Deniece ay isa sa mga akusado sa kasong serious illegal detention, isang non-bailable offense, na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Ayon sa ulat ng dzBB, na lumabas sa Twitter feed ng GMA News (@gmanews), agad dinala si Deniece sa tanggapan ni PNP Chief Alan Purisima si Deniece nang dumating siya sa headquarters ng Philippine National Police, sa Camp Crame, kaninang hapon, May 5.

Hindi raw inaasahan ang pagsuko ni Deniece sa PNP, ayon kay PNP-PIO Chief Senior Superintendent Theodore Sindac.

Dagdag pang pahayag ni Sindac tungkol sa pagsuko ni Deniece, “She will be treated fairly and as any other detainee.”

Ayon naman kay Chief/Supt. Benjamin Magalong ng PNP-CIDG, magpapalipas muna ng gabi sa tanggapan ng CIDG Women’s Desk si Deniece.

“Hindi siya [Cornejo] nagsasalita ngayon. Gusto niya kasama niya yung pamilya niya, we respect that,” sabi ni Magalong sa panayam ng dzBB.

Bukas, May 6, nakatakdang dalhin si Deniece sa korte.

Kaugnay ng pagsuko ni Deniece ay naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Vhong, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga.

Saad ni Atty. Mallonga, "There is a process that should be followed with respect to the surrender, commitment, and arraignment of Deniece [Cornejo].


"We will follow that process. We will abide by the orders that the court will issue in this respect.


"In the meantime, we are ready to proceed with the hearing scheduled tomorrow [May 6] for preliminary conference, pre-trial, and the petition for bail. Vhong is ready to appear and testify.


"Again, however, we will await, and abide by, the court’s rulings on these matters."

Bukod kay Deniece, sinampahan din ng kaso sina Cedric Lee, Simeon “Zimmer” Raz Jr., Ferdinand Guerrero, at Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh, kaugnay ng pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood Heights Condominium, sa Taguig City, noong January 22, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Cedric at Raz ay nadakip na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Oras, Eastern Samar, noong April 26.

Read: BI denies Cedric Lee and Zimmer Raz’s claim that they voluntarily surrendered


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN