Piolo Pascual on Shaina Magdayao: "We will always be friends."

Piolo Pascual admits it will be difficult to equal the box office success of his hit movie with Toni Gonzaga, Starting Over Again, which he considers a huge blessing, perhaps, once in every 10 years.


Marami ang gustong malaman kung ano na ang nangyari sa namumuong relasyon sa pagitan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Ito ay matapos banggitin ni Shaina sa Kris TV na si John Lloyd Cruz ang kanyang huling naging boyfriend.

Naudlot, hindi natuloy, o nauwi sa hiwalayan ang lahat?

Ito ang espekulasyon ng marami sa kinauwian ng papausbong na sanang relasyon nina Piolo at Shaina.

Kaya tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment) at Cinema News kay Piolo: Kumusta na sila ni Shaina? Tuloy pa rin ba ang sinasabing “special relationship” nila?

Sagot ng Kapamilya actor, “We’re okay, we’re okay.

"Whatever we really have, we will always be friends.

"We’re vocal about what we have.

"I guess, it’s better that way, so at least mapi-preserve yung relationship namin.

"Mahirap, e, kayo [ngayon], ’tapos mawawala, ’tapos di pa ma-save yung relationship.

"I guess, what is holding between us, there’s relationship there."



BEING PRACTICAL. Dalawang linggong nangibang-bansa si Piolo kaya’t may ilan ang nag-akala na baka itinuloy na nito ang dating plano na mag-quit na sa show business.

Pero aniya, “Baka kundi ako nakapirma, tanggap ko na naman, na hindi ako puwedeng mag-decide para sa sarili ko.

"Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, ’di ba? Sino ba naman tayo para tumanggi sa offer?

"If there’s something, why not? Praktikal lang."

Pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN si Piolo.

R&R. Nagkuwento naman ang aktor sa biyahe niya sa Amerika.

“More than the vacation, it was work.

"I had two concerts in L.A. [California], then one in Reno [Nevada].

"Then I visted my friend Joey Manahan, who is running for Congress in Hawaii.

"Nakapagkaunting R&R [rest and recreation] and I was able to spend time with my son in the States with my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na ang pinakamahabang bakasyon ko.

"I was there for two weeks..."

MORE WORK. Sa ngayon ay nagsimula nang mag-taping si Piolo ng teleseryeng Hawak Kamay.

Kasama niya rito sina Iza Calzado, Nikki Gil, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

"Masarap, kasi it’s a different atmosphere, puro bata ang kasama ko.

"Siyempre, pati si Nikki... I want to work with them, nakakatrabaho ko lang sila sa ASAP.

"Nakatrabaho ko na yung iba sa shootings and tapings. Pero sina Izadora si at Nikki, talagang ni-request ko and pumayag naman sila, kaya happy ako."

Bukod dito ay magsisimula na rin si Piolo ng isang sports show sa Studio 23, kasama sina Gerald Anderson at Gretchen Ho.

“I am excited about it kasi ibang format naman—sports and action.”



HIT MOVIE. Umabot sa P400 million ang kinita ng pelikula ni Piolo katambal si Toni Gonzaga, ang Starting Over Again.

Ayon sa aktor, mahihirapan na siyang makagawa muli ng pelikula na ganito kainit na tinaggap ng publiko.

“Sobra-sobrang blessing yun, sobrang regalo.

"Makakagawa ako ng ganung movie maybe ten years from now.

"Mahirap nang pantayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN