Lani Misalucha admits to going under the knife: “I had my nose done and I had my teeth done.”

Sinagot ni Lani Misalucha ang mga intrigang ipinupukol sa kanya, kabilang na ang hindi diumano pagre-renew ng kontrata niya sa Las Vegas at ang pagpaparetoke niya.


Sinagot ni Lani Misalucha ang isyung hindi na raw ni-renew ng kanyang promoter sa Las Vegas, Nevada, ang kontrata niya.

Paglilinaw ni Lani sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan, “Hindi actually hindi ni-renew, hanggang doon na lang talaga ang kontrata namin.

“You know, to work in a casino, in a big casino, especially nakikipagbunuan ka sa mga malalaking shows doon.”

Pero babalik pa ba siya?

“Meron kaming binubuo sana, pero it’s not easy. It really has to be a very great show for you to compete.”

Bukod sa diumano’y hindi na pagre-renew sa kanya ng promoter sa mga shows niya sa Las Vegas, ang talagang madalas na intrigang naipupukol sa kay Lani ay ang diumano’y pagpaparetoke niya.

May mga nagsasabi pa ngang malayung-malayo na ang hitsura niya sa dati.

Sabi ni Lani tungkol dito, “I’m not hiding anything.

“Actually, when I’m asked, I would just say, ’Yes, I did something.’

“You know, even a regular person can actually do something with her own body.

“E, paano pa kaya kaming laging nasa harap ng camera?

“I had my nose done and I had my teeth done.”

Sabay-sabay ba ang mga yun?

Sabi ni Lani, “Hindi, even noon pa, I have already problem with my teeth.

“So, noon pa man.

“Unti-unti lang nag-iiba kasi may mga trials… ‘Ay, masyadong malaki pala, masyadong mahaba ang ngipin! Yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN