Toni Gonzaga welcomes "bashers, haters" of Pinoy Big Brother All In

Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg">

Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg">

Toni Gonzaga on PBB bashers: “Even if you bash the show, even if they say a lot of things, even if they say a lot things about the show, interested pa rin naman silang manood kahit paano.”


Nagbigay ng kanyang saloobin si Toni Gonzaga sa mga intrigang lumabalas kaugnay ng pagpili ng housemates sa hinu-host niyang reality show sa ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother Al In.

May mga bumabatikos kasing hindi raw dumaan sa audition ang karamihan ng mga napiling housemates, sa kabila ng pagsasagawa ng audition ng ABS-CBN sa iba’t ibang lugar kung saan napakaraming pumila sa pag-asang sila ang mapili.

Ngunit sa panayam ni Toni sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 4, iginiit niyang nag-audition ang mga napiling housemates.

“Definitely, nag-audition.

“Noong sa Araneta, may nakuha sila. Sabi ni Direk Laurenti Dyogi, tatlo.

“’Tapos sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, may nakuha rin sila.

“Season 1 pa lang, wala pang social media noon, e-mails, sangkaterbang e-mails ang nakuha naming ganyan.”

Ipinagkibit-balikat lang din ni Toni ang akusasyong “scripted” daw ang PBB.

Aniya, “Scripted, haters, bashers… pero I love the environment dito sa Big Brother kasi we welcome all of it.

“We welcome all of them, lalo na ngayon, All In.

“All In niyo na ang mga haters, mga bashers, okay na okay lang sa amin yun.

“Even if you bash the show, even if they say a lot of things, even if they say a lot things about the show, interested pa rin naman silang manood kahit paano.”

Sa kabila naman daw ng mga pang-iintriga sa PBB, nanguna pa rin sa ratings ang PBB All In sa unang linggo ng pag-ere nito.



ALEX GONZAGA. Marami rin ang nag-abang sa pagpasok sa Bahay ni Kuya ng bunsong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Kitang-kita sa mukha ni Toni ang pagkagulat nang i-announce noong unang gabi na si Alex ang panghuling housemate na papasok sa bahay.

Sa pagkakaalam kasi ng lahat ay isa sa mga bagong host ng programa si Alex, ngunit may iba palang plano si Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Toni, “Hindi siya nag-sink in sa akin noong opening night, kasi nga masaya pa. Gulatan pa lahat.

“Noong pauwi na, doon ako, ‘Hala, kinuha si Alex!’ Uuwi nga pala akong mag-isa.

“So, parang nanibago ako.

“Walang kumakanta sa kabilang kuwarto, walang maingay.

“Walang kakatok. Kapag natutulog ako, walang gigising sa akin.

“Walang magkukuwento ng nangyari the whole day.”

Patuloy niya, “Ako talaga, gusto ko na siyang lumabas.

“Kasi, nahihirapan na ako sa bahay, wala akong katulong—ginawa talagang katulong!

“Kasi, wala akong katulong sa pag-ayos ng closet namin sa taas.

“Kasi, magga-garage sale kami. Pinag-usapan na namin yun last week.

“At saka, ito ang pinakamatagal naming naghiwalay na hindi nagkita at nag-usap.

“Ito, kahit text, usap, wala talaga. First time sa buong buhay namin.”

Ano ang sabi ng mga magulang niya?

“E, parang yung TV namin, hindi na pinapatay… 24/7 livestream. Binabantayan siya.

“E, kahit ano namang gawing bantay sa kanya, wala namang magagawa, nandoon na yun.

“Pero so far, ganoon naman talaga si Catherine [totoong pangalan ni Alex] sa bahay.

“Kung ano ang ginagawa niya sa loob, ganoon siyang talaga—maingay, madaldal, walang kapaguran ang bibig.

“Kami naman ang nakaka-miss dun sa housemate namin, si Alex.”

Isa si Alex sa mga host ng The Voice of the Philippines Kids Edition. Kaya sa palagay ni Toni, bago magsimula ang The Voice ay baka lumabas na rin ang kapatid.

Pero biro ni Toni, “Kung hindi naman siya lalabas or kung hindi naman siya lalabas, puwede ko naman siyang palitan.”

Ibinunyag na rin naman ni Big Brother kung ano talaga ang papel ni Alex sa loob ng Bahay ni Kuya.

Hindi talaga siya isang official housemate kung hindi isang celebrity house guest lamang.

At dito raw susubukan ang galing niya bilang isang host.

Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg">


Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg"> Pinoy Big Brother All In" data-url="https://www.pep.ph/news/43326/toni-gonzaga-welcomes-bashers-haters-of-pinoy-big-brother-all-in" data-desc="Toni Gonzaga misses sister and "housemate" Alex." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9ac598512.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN