Martin del Rosario moves to GMA Network; speaks up about gender issue

Ayaw raw magpaapekto ng bagong Kapuso actor na si Martin del Rosario sa intrigang kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki. Rason niya, “Inisip ko, bakit ako maha-hurt e pinasok ko naman ang trabahong ito. Buti nga pinag-uusapan kesa hindi ka pinag-uusapan.”


Ngayon araw, May 6, ang first taping day ni Martin del Rosario para sa Rhodora X, ang unang project niya sa GMA Network at bilang Kapuso actor.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Martin, nilinaw nitong maayos at walang naging problema sa pagpapaalam niya sa executives ng ABS-CBN.

Sariling desisyon daw ng 21-year-old actor ang paglipat sa GMA dahil gusto niyang magkaroon ng mga pagbabago sa kanyang showbiz career.

Halos pitong taon ang inilagi ni Martin sa ABS-CBN. Ang huling mga naging proyekto niya rito ay ang fantaseryeng Juan Dela Cruz (2013) at ang pelikulang Bride For Rent (2014).

Lahad niya, “Kinausap ko nang maayos ang ABS-CBN, sina Tita Cory [Vidanes, channel head], Tita Mariole [Alberto, Star Magic], Direk Lauren [Dyogi, business unit head].

“And parang kinausap ko sila na pinakagusto ko talaga is for career advancement.

“Parang bago naman kasi, ang tagal ko na rin sa ABS-CBN, mga six years.

“So, nag-set ako ng meeting, like a month ago.

“Although wala pa akong contract signing sa GMA-7. Parang ni-launch lang ako sa Rhodora X.”

Patuloy ni Martin, “Nagpa-release ako sa ABS-CBN.

“Parang sa tingin ko, habang bata pa ako, sayang ang oras kung tatapusin ko pa ang kontrata ko.

“Next year pa dapat matatapos ang contract ko sa ABS-CBN.

“Nagpa-release ako para new environment, para mas mabigyan ako ng mas magandang breaks.

“Natutuwa ako dahil nabibigyan ako ng ABS-CBN ng maraming breaks, pero siguro sa sobrang dami nila ng artista, hindi pa…

“Kunwari, pagkatapos ng isang show, matagal na natetengga, so parang sa isang bagong artista na…

“Mahalaga kasi yung kailangan na i-push ka nang i-push ‘pag bagong artist ka, para ma-establish ka muna.”

HAPPY ABOUT HIS DECISION. Dagdag niya, “I’m very happy naman sa desisyon ko, wala akong pinagsisihan.

“Actually, nagpahinga naman ako ng one month. Nagbakasyon po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat ako, pagkagaling ko sa Boracay, may taping na ako sa Rhodora X.

“Gusto ko na maging lead actor, mas ma-push.

“Maraming magagaling na artista and, ako naman, naniniwala ako na magaling ako na artista, pero siguro kanya-kanyang time ‘yon.”

Nilinaw rin ni Martin na wala siyang sama ng loob sa kanyang dating home network.

“Magkakaroon ako ng sama ng loob kung sila ang umayaw sa akin, pero ako naman po ang nagpa-release, and na-grant nila nang maayos.

“Wala naman naging problema sa pag-alis ko.

“Masaya naman ako, hindi lang contented.”

Ang pinakamalaking proyektong nagawa ni Martin sa bakuran ng ABS-CBN ay ang afternoon soap na Pintada (2012) at ang mga pelikulang The Healing (2012) at Amorosa (2012).



HARDEST INTRIGUE. Ang pag-uugnay sa kanila ng kanyang kaibigan, ang model na si Zuher Bautista, ang itinuturing ni Martin na pinakamatinding intriga na naranasan niya bilang isang artista.

Sabi niya, “Yung dati, yung first intriga.

“Kasi yung iba, parang hindi naman lumaki nang sobra.

“Yung isa lang talaga, may lumabas na picture na magkatabi kami ng kaibigan ko.

“Pero sa totoo lang, nasa akin ang original picture, cropped yung mga tao sa likod. Cropped yung mga nakatayo.

“Pinutol yung mga nakatayo kaya... anong masama sa nakaganito? Back-to-back?

“Hindi naman photoshopped yung picture.Cropped lang ‘tapos sobrang cropped nga siya.”

Ayon kay Martin, hindi naman siya nasaktan sa pang-iintriga sa kanyang sexual orientation, pero ibang usapan na raw kapag ang nanay niya ang naaapektuhan.

"’Pag yung mom ko na-hurt, naha-hurt ako. Ako, hindi naman na-hurt.

“Hindi ko pinapansin [ang gender issue]. Parang wala.

“Saka kapag kilala mo naman ang sarili mo, parang hindi mo na kailangan problemahin."

Hindi rin daw naapektuhan ng intriga ang friendship nila ni Zuher.

“Friendship? Sa Bora, nagkita kami [ni Zuher].

“Noon kasi madalas kami magkita dahil marami kaming common friends, pero ngayon bihirang-bihira, pero friends pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin pinag-uusapan, pati siya apektado rin yata career niya.

“Bata pa ako, kaibigan ko na si Zuher.

“Saka sa barkada, mga thirty-plus kami.

“Pero sa totoo lang, marami kaming lumalabas. Actually, thirty… lagpas pa.

“Isang beses lang namin pinag-usapan [ang intriga], ‘tapos tumawa lang… itinawa lang namin.

“Nagkasalubong kami sa Boracay, parang, ‘Uy!’ ganyan, kasama namin ang iba naming friends.

“Close pa rin kami.

“Hindi kami sabay na pumunta sa Bora. Kasama ko family ko.”

Idinagdag ni Martin na ayaw niyang magpaapekto sa intriga dahil alam niya ang katotohanan.

“Inisip ko, bakit ako maha-hurt e pinasok ko naman ang trabahong ito.

“Buti nga pinag-uusapan kesa hindi ka pinag-uusapan,” katuwiran niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN