Andi Eigenmann and Jake Ejercito: Still together?

Amidst break-up rumor, Andi Eigenmann posts a photo with Jake Ejercito and wrote on its caption: “and in that moment, I swear, we were infinite. #LaBoracay2014.”

Andi and Jake posted this photo with electro dance musician Steve Aoki (above) at their Instagram accounts on Monday, May 5.


Tila hindi totoo ang balitang break na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose tungkol dito sa pocket press conference para sa cast ng Carmela noong May 1.

Ang sagot ng award-winning actress: “Hindi na ba? Tingnan niyo muna baka magkabalikan sila.”

Pagbibigay-clue pa ni Jaclyn: “Sino ba ang kasama sa Boracay? Tingnan natin sa Instagram.”

Read: Jaclyn Jose neither confirms nor denies rumored breakup of Andi Eigenmann and Jake Ejercito

Noong nakaraang buwan, lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay umano nina Andi at Jake. Subalit walang anumang kumpirmasyon mula kina Andi at Jake tungkol dito.

At gaya ng sinabi ni Jaclyn, kung pagbabasehan ang mga larawan nina Andi at Jake na kuha mula sa Boracay nitong nakaraang linggo, at ipinost nila sa Instagram, masasabing maayos pa rin ang relasyon ng dalawa.

Unang nag-post si Jake ng larawan kasama si Andi noong May 4.

Nakaakbay ang binata sa Kapamilya actress habang kasama sa party crowd sa Boracay, at may caption na: “Summertime madness.”

May 5 nang pareho namang i-post nina Andi at Jake sa kani-kanilang Instagram account ang larawan nila kasama ang electro dance musician na si Steve Aoki.

Mas tumindi ang espekulasyon na nagkabalikan na ang dalawa sa huling post ni Andi kasama si Jake.

Sa silhouette photo nila ni Jake, ang inilagay na caption ni Andi ay ito: “and in that moment, I swear, we were infinite. #LaBoracay2014.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN