Jaclyn Jose neither confirms nor denies rumored breakup of Andi Eigenmann and Jake Ejercito

Jaclyn Jose continues to backup daughter Andi Eigenmann despite their misunderstanding. “I have to be there to support her. Inalagaan ko siya, sinuportahan ko siya. Pagmamahal lang ng ina ‘yon,” she explains.


Bagamat hindi pa rin sila nagkakaayos, hindi naman nahihinto ang pagprotekta ni Jaclyn Jose sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Kamakailan lang ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkomento ni Jaclyn sa isang Instagram post ni Jake Ejercito (unoemilio), ang napapabalitang kasintahan ni Andi.

Sa larawan ay makikitang kunwari ay sinampal si Jake ni Cherie Gil, batikang aktres at tiyahin ni Andi.

Komento dito ni Jaclyn (jaclynjose): “Ano yun?!! Huh? Are you both making a show out of my daughters [misery]? D nakaka tawa ‘aunty ka pa naman ! And you jake? You find this funny? I am not laughing!!!!”

Read: Jake Ejercito deletes Instagram photo with Cherie Gil after "I am not laughing" comment of Jaclyn Jose

Nang makapanayam ng PEP si Jaclyn sa pocket press conference na inihanda ng GMA Network para sa cast ng Carmela kahapon, May 1, sinabi nitong sinadya niyang mag-comment sa mismong post sa halip na magpadala ng text message kay Jake.

Paliwanag ng award-winning actress, “I just had to voice out what I feel on that day.

“I had to let people know that I am not happy for what they’ve done, kaya doon ko inilagay sa comment at hindi ko na-text si [Jake]. I have his number.

“Gusto ko kasing malaman ng followers niya na hindi natutuwa ang nanay ni Andi sa show na ‘yon.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko nagustuhan yung drama or kung anuman ‘yon.

“Hindi ko nagustuhan yung gawing katatawanan yung misery na pinagdadaanan ni Andi.

“Kahit na sabihin mong magkaibigan sila, nagkakabiruan sila, I don’t care.”

Humingi naman daw ng paumanhin si Jake kay Jaclyn kinabukasan sa pamamagitan ng text message.

Binura rin ng binatang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang post.

Humingi rin ba ng paumanhin si Cherie?

Sabi ni Jaclyn, “Wala. Well, I’m not expecting naman anyone from them... wala naman akong ini-expect sa kanila. I don’t mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, she didn’t. I don’t think she’s that type of person.”



OKAY WITH EIGENMANNS. Kaugnay nito, tinanong ng iba pang miyembro ng media si Jaclyn kung kumusta ang relasyon niya sa mga Eigenmann, ang pamilya ng ama ni Andi at dating karelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil.

Sagot ni Jaclyn, “Okay naman ako with the siblings, e.

“I just don’t have the chance to talk with older Eigenmanns.

“I don’t have business in doing so. Wala naman kaming dapat pag-usapan.

“Yung mga bata, love ko ‘yan.

“Lahat silang mga bata, lumalabas sila together, they have fun.

"Ano naman sila, cool naman sila."



COLD MOTHER-DAUGHTER RELATIONSHIP. Samantala, ayon kay Jaclyn, mas mabuti para sa kanila ni Andi ang hindi pa rin nila pag-uusap hanggang ngayon.

Saad niya, “Siguro mas maganda ‘yon para walang away.

“At least tahimik ang bahay, walang tumatalak.

“Ang talak ko diyan, usual lang, para lang kaming ordinaryo.”

Gayunman, tiniyak ni Jaclyn na mananatili pa rin ang pagprotekta niya sa kanyang anak.

“Siyempre, I have to be there to support her.

“Inalagaan ko siya, sinuportahan ko siya. Pagmamahal lang ng ina ‘yon.”



ANDI-JAKE BREAKUP. Sa bandang huli ng panayam, tinanong ng PEP ang opinyon ni Jaclyn sa napapabalitang hiwalay na sina Andi at Jake.

Reaksiyon niya, “Hindi na ba? Tingnan niyo muna baka magkabalikan sila.

“Tingnan niyo muna kasi baka magkamali ako.

“Ayaw ko namang sabihin na nangingialam ako.”

Pagbibigay-clue pa niya: “Sino ba ang kasama sa Boracay? Tingnan natin sa Instagram.”

Sa ngayon, wala pang bagong post si Andi na may kasamang lalaki na kuha mula sa Boracay.



ANDI-TOM ITEM. Ipinarating din ng PEP at iba pang reporters kay Jaclyn ang usap-usapang nali-link si Andi sa dating child actor na si Tom Taus.

Read: Tom Taus and Andi Eigenmann deny rumored romance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Jaclyn, “I don’t think na sila.”

Paliwanag pa niya, “Sila naman talaga yung [magkaedad].

“Siyempre, may bata [Tom], bumalik, ang pupuntahan niyan, yung mga dating kasama. Ang pupuntahan niyan, yung mga dating kasa-kasama.

“Si Andi, kasabay niyang lumaki [si Tom] dahil kasa-kasama ko noon sa shooting ng Cedie.

"So, siguro noong dumating, nagkita sila."

Si Jaclyn ay gumanap noon bilang ina ni Tom sa Star Cinema movie na Cedie: Ang Munting Prinsipe.

Sino ang mas pipiliin niya para kay Andi—si Jake o si Tom?

Hindi direktang sumagot si Jaclyn, pero sabi niya, "Personally, I love Jake, kasi he’s like a son to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN