Rafael Rosell happy and in love but career comes first

The teleserye The Borrowed Wife is ending and and Rafael Rosell is already missing his co-stars and friends: "Si TJ Trinidad, tinuturuan niya ako kung paano mag-alaga ng anak kasi ang character ko nga rito ay isa akong ama. Si Camille [Pratts] naman tungkol sa relationship. Si Pauleen [Luna] naman tungkol sa mga kalokohan, jokes, hosting. At tungkol sa relationhip din."


Masaya si Rafael Rosell sa takbo ng kanyang personal na buhay, kaya nga raw hindi naaalis ang ngiti sa kanyang mga mata sa ngayon.

Punumpuno raw siya ng inspirasyon kaya ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam at parang laging kulay-rosas ang kanyang kapaligiran.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yes, I’m cool ’coz I’m cool!

"Yeah, I’m inspired.

"Wala, siguro dahil lahat ng relationships ko ngayon ay nasa top, e. Lahat masasaya.

"Lahat ng mga kakilala ko masasaya sa buhay nila, walang mga problema.

"So, para sa akin, it’s very fulfilling dahil sa dami ng pinagdaanan ng mga barkada.

"And the mere fact na pumupunta sila sa akin para humingi ng advice, how to be have a different prospective sa buhay nila, para sa akin, isa sa pinakamagandang fulfillment yun para sa akin."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP ang aktor sa bloggers’ presscon para Kapuso afternoon soaps noong Linggo, May 4, sa GMA Network Center.

Si Rosell ang lead actor sa The Borrowed Wife, na magwawakas na sa third week of May.



GIRLFRIEND. Bahagi raw ng inspirasyon niya ngayon ang napapabalitang girlfriend niya, ang Fil-Canadian na si Olivia Medina.

Pagmamalaki niya, "She’s so good.

"She has a beautiful mind at ang dami kong natututunan sa kanya.

"Actually, ang dami naming natututunan sa isa’t isa and when you find a person that can lift you, I think that’s the way you want to go.

"You stick with that person."

Hindi rin daw mapawi ang mga ngiti sa kanyang mukha.

"When you have a diamond, don’t go chasing glitters.

"Alam mo yun, a lot of people don’t know what they have and chase something they think is better only to end up with the worse.

"We started dating last year and we are still in the getting-to-know stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, so good."



CAREER FRST. Sa tingin ba ni Rafael ay ang modelong kasintahan ang "the one" ng kanyang buhay?

Sagot ng Fil-Norwegian actor, "I can say that chances are big.

"But when it comes to marriage and stuff like that, para sa akin ay career muna ang focus namin.

"Ang lovelife nandiyan at nag-e-enjoy kami, ’tapos ang dami ko pa ring natututunan sa kanya.

"We support each other no matter what.

"But it’s still a very light and very brief..."

Wala pa raw sa isip nila pareho ang mag-settle down kaya wala pa rin silang plano tungkol sa usaping ito.

Aniya, "We always talk, like if you’re getting into a relationship and you don’t see yourself spending with that person the rest of your life, you are just wasting time.

"We’re together now and, yeah, I would think na sana kami na nga. Pero, like what I said, we have a young relationship.

"So, marami pa ang puwedeng mangyari along the way, ’di natin talaga alam."



MEET THE PARENTS. Bukod pa rito, hindi pa siya formally naipapakilala ni Olivia sa mga magulang nitong nasa Canada.

Sabi ng 31-year old model-actor, "Hindi pa, sa Skype pa lang.

"Well, they make me feel that they like me.

"Maganda naman ang impression and we just enjoyed talking to each other."

Sa parte naman ni Olivia, naipakilala na niya ito sa kanyang ina.

Sabi pa niya, "Yung dad ko kasi nasa Singapore at hindi pa siya nakakabalik dito sa Pilipinas, so hindi ko pa siya nai-introduce.

"My mom says a lot of good things about her naman and she’s happy naman for me.

"So, walang problem."



ENDING. Samantala, nalulungkot daw siya na malapit nang mawala sa ere ang afternoon soap ng Kapuso network na talagang pinaghihirapan nilang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rafael, "It’s a great experience and honored kaming lahat na marami pa ang pumupuri sa aming show.

"Yeah, it’s sad na malapit na siyang mag-end and kinasayanan na namin na we would wake up every morning at magti-taping na kami ulit.

"The love that we get from our fans, lahat ng mga sumuporta sa amin, thankful talaga kami lahat.

"At saka sa set mismo, ang trabaho ay hindi nagiging trabaho kundi fun na para sa aming magkakasama.

"So, ang daming mami-miss ko talaga."

Dugtong pa niya,"Lahat silang nasa main cast, like si TJ Trinidad, tinuturuan niya ako kung paano mag-alaga ng anak, kasi ang character ko nga rito ay isa akong ama.

"Si Camille [Prats] naman tungkol sa relationship.

"Si Pauleen [Luna] naman tungkol sa mga kalokohan, jokes, hosting. At tungkol sa relationhip din.

"Mami-miss ko talaga ang bonding namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN