JC de Vera admits being depressed about career lag before moving to ABS-CBN

JC de Vera is deluged with work that on the set of So It’s You, his conversation with co-star Carla Abellana is normally, "Nakatulog ka na ba?"


Halos pitong araw sa isang linggo ay may trabaho o schedule ang aktor na si JC de Vera.

Dalawang serye kasi ang ginagawa niya ngayon sa ABS-CBN—ang primetime series na The Legal Wife at ang panghapong serye na Moon of Desire.

Mula Lunes hanggang Sabado ang schedule ng taping ni JC sa dalawa niyang teleserye.

Pero sa kabila nito, naisingit pa niyang gumawa ng pelikula—ang So It’s You ng Regal Entertainment.

Nakasanayan na rin daw ni JC ang paglalagare sa trabaho.

Aniya, “Nangyari siya sa akin once sa GMA.

"Noong time na ginagawa ko ang La Lola, Obra, ’tapos may pang-filmfest ako na entry noon.

"Yun yung mga three months din akong walang uwian.

"Sa TV5, nangyari rin sa akin, noong meron akong P.O.5 at Lokomoko at teleserye."

Sanay naman pala siya sa ganoong schedule?

“Mas mahirap yung ngayon,” sambit niya.

Mas stressful ba sa kanya ngayong Kapamilya na siya?

Ayon kay JC, “Hindi mas stressful, pero mas nagre-require sila ng professionalism pagdating sa craft.

"So, mas mahirap yung process ng pag-arte.

"Mas ipu-push ka nila, mas pahihirapan ka nila kung hindi nila talaga gusto.

"Yun ang level ng standard nila, iba, e.”

Dagdag niya, “Hindi naman relax-relax lang sa GMA o sa TV5, iba rin kasi yung underdog ka.

"Yung ikaw yung nasa baba, tinuturuan ka ng director, pinapagalitan ka.

"Aminin na natin sa TV5, tropa mo na ang mga tao doon, so sabihin na nating mas relax.

"Nandoon ang focus, pero noong lumipat ako sa ABS, meron pa pala kayang i-push, itodo pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa pocket presscon niya noong Linggo ng hapon, May 4, sa RYU Ramen restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

DEPRESSION. Aminado naman si JC na noong bago siya lumipat sa ABS-CBN, hindi niya inisip o inakalang mangyayari at mararanasan ang mga nangyayari sa career niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Parang pawala na, may level of depression na, uneasy na ako.

"Hindi na ako yung kampante na, ’Hindi, okay lang, may work ako.’

"Parang kinakabahan ako. Surprise talaga.

"Kaya noong pinapa-realize sa akin na, ’Hindi, gawin mo ‘tong dalawang show, gawin mo ‘tong movie,’ na-realize ko na...

"Sabi ko, ’Eto na ‘to. Kapag hindi mo in-embrace ang ganitong klase ng trabaho, next year, baka wala na naman.’”

INTRIGUE. Kapalit naman ng pagiging in-demand niya ngayon ang ilang intriga at usap-usapang may malakas daw siyang kinakapitan kaya sunud-sunod ang trabaho niya.

Sabi ni JC tungkol dito, “Well, to be honest kasi, pagpasok ko pa lang sa ABS, ang in-offer nila, yung Legal Wife, hindi ako kasama talaga dun.

"Yung tatlo lang talaga ang kasama sa cast—sina Angel [Locsin], Maja [Salvador], at Jericho [Rosales]. Sila talaga ang original.

“’Tapos, nagulat ako, pinasok nila ako.”

Si Paulo Avelino kasi dapat ang kasama?

“Dapat,” pagkumpirma ni JC.

“So, akala ko, cast lang ako. Hindi ako part of the lead.

"Yun ang ini-expect ko talaga.

"Surprisingly, inilagay nila ako sa main at pinag-shoot nila ako ng VTR.

"Yun lang, nagkataon na-delay kaya inabot ng dalawang sabay," pagtukoy niya sa The Legal Wife at Moon of Desire.

Sa dalawang serye niya, saan napapansin na mas nakikilala o mas tinatawag ang karakter niya ng mga tao kapag nakikita siya?

“Both, depende sa oras!” natatawang sagot ni JC.

“Mahal ko naman ang dalawang character ko.

"Okay yung character ko sa Legal Wife, kasi masarap siyang laruin.

"Hindi siya yung nakakahon lang kasi, kaya puwede pa siyang lumaki, puwede pa siyang lumiit.”

KAPAMILYA.Naikot na niya ang tatlong istasyon—GMA, TV5, at ABS-CBN.

Saan siya mas masaya?

Sagot ni JC, “Sabihin na lang natin na mas mature ako ngayon, mas clear ngayon ang goals ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Papunta na ako ngayon na kailangan kong i-secure ang future ko.

"So, sa level of maturity, masasabi kong important talaga na nasa ABS ako ngayon.”

Saan naman niya nakikitang mas nakikilala siya ng tao?

“Dito, dito talaga,” pagtukoy niya sa ABS-CBN.

Paano niya nasabi iyon gayong isang taon pa lang siya halos na Kapamilya?

Paliwanag niya, “Mas na-appreciate ng network yung strength ko as an artist.

"Mas nakikita nila na puwedeng i-push pa ako. Nakikita nilang sana, puwede pang mas mapagaling pa.

"Pero siyempre, sa GMA, doon ako nag-start.

"Bago ako lumipat sa TV5, meron na akong followers sa GMA.

“’Tapos nawala noong TV5!” natawang sabi niya.

Pero dagdag din ni JC, “Kailangan mong maging real, reality yun, e."

TFC. Resurrection daw para kay JC ang paglipat niya sa Kapamilya network.

"Noong lumapit ako sa ABS, na-resurrect.

"Inabot ko ang prime ng ABS na talagang lahat ng shows nila, magaganda, TFC...

"Sa TFC, sobrang lakas ng ABS.”

Ang tinutukoy ni JC ay ang The Filipino Channel ng ABS-CBN, kung saan napapanood ang mga shows ng network sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kilala na rin si JC sa TFC?

“Slowly, napapanood, kasi magkasunod. After ng Legal Wife, Moon of Desire na agad.

"Siguro, sabihin na lang natin na may ganoon talagang image ang ABS na yung followers nila, passionate talaga. Loyal kahit worldwide.

“So ako, happy ako. Kasi siyempre, slowly.

"Yung purpose ko of transferring, nagkakaroon ng kulay bigla.”

MEG IMPERIAL. Diretsuhan naming tinanong si JC kung may namumuo bang relasyon sa kanila ng leading lady niya sa Moon of Desire na si Meg Imperial.

Nakangiting sabi ng aktor, “Si Meg, wala, wala… ano lang kami, all work.

"Hindi nga kami nakakapag-usap masyado sa taping. Nagkikita lang kami kapag set na.

"Kasi, may kanya-kanya kaming buhay.”

Hindi ba ang tipo ni Meg ang magugustuhan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa hindi type, pero hindi lang siya sumasagi sa isip ko ngayon.

"Alam ko na maganda siya, alam ko na pleasing ang personality niya.

"Kaya lang, hindi lang talaga sumasagi ang love ngayon.

“Ako nga, naaawa ako sa sarili ko minsan, e!” natawa niyang sabi.

May dalawang taon na raw siyang walang girlfriend. Wala rin daw siyang “fling relationship.”

“Wala talagang fling-fling, yung fling kasi, laro.”

May kasabihan na, “All work and no play, makes Jack a dull boy…’

Pero natatawang sabi ni JC, “Alam niyo, surprisingly, ngayon talaga, wala. Literal na wala talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN