Janine Gutierrez opens up about Elmo Magalona: "Hindi ko ma-imagine na merong ibang guy sa life ko."

Janine Gutierrez on qualities of Elmo Magalona that she does not like: "I guess, if you like the person, you like him for who he is at ’di ka maghahanap ng something para baguhin mo yung person. May moods din siya once in a while, pero undertandable naman. It’s not something na parang ma-turn off ako or what. Hindi naman ganun."


Aminado si Janine Gutierrez na mas malapit sila sa isa’t isa ngayon ni Elmo Magalona, kumpara noong nagsisimula pa lang sila bilang screen partners sa afternoon soap na Villa Quintana ng GMA Network.

Ngayong halos magtatapos na rin ang kanilang programa, hindi itinanggi ni Janine na mami-miss niya ang samahan nila ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Saad ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, "I guess it’s also the experience that we went through together.

"Siyempre, he’s my first na ka-loveteam, and I’m very glad na nagkasama kami dito.

"Bonus na lang na we get along well habang tinatapos namin ang show na ito."

Kitang-kita nga raw ang sobrang chemistry nilang dalawa, on and off screen, at nali-link sila ngayon.

Aniya, na sinabayan ng isang parang nahihiyang ngiti, "Lke what I said, bonus na lang talaga na naging close kami ni Elmo dito.

"And I think, isa na rin yun sa nagpapaganda sa show namin, kasi meron kaming chemistry.

"Nakakatuwa nga, kasi kahit relatives ko, they are also fans of Elmo.

"Right now, we’re really getting closer and we enjoy each other’s company naman po."



SWEET. Bago pa man nagsimula ang presscon noong araw na yun, isang duet ang inihandog ng dalawa sa mga bisita na naging saksi sa sobrang witness nilang dalawa.

Mga matatamis na titigan, holding hands, at ang ’di mapigilang pagyakap sa kanya ng binata na tila ba walang tao na nasa palagid.

Matipid na reaksiyon ni Janine na natatawa, "Ganun po ba?

"Siguro natural lang niya yun. Siguro dahil close na close nga kami."

Sa puntong ito, inalam namin kay Janine ang qualities na nagugustuhan niya sa batang singer-actor.

Sagot niya, "I like talking to him, kasi he makes sense.

"And he’s fun to be with, he’s spontaneous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He makes time, spending it with me talaga, ayun."

Dadag pa ni Janine, "And I think we are also excited with a lot of things.

"All the things around us, how we will be after this show, ganun."



COURTSHIP. May qualities din ba si Elmo na hindi niya gusto o kailangan pa ng improvement?

"I don’t know," pasubali ng Kapuso star.

"I guess, if you like the person, you like him for who he is at ’di ka maghahanap ng something para baguhin mo yung person.

"May moods din siya once in a while, pero undertandable naman.

"It’s not something na parang ma-turn off ako or what. Hindi naman ganun."

Paano ba manligaw sa kanya ang kapwa Kapuso?

Siya ba yung tipikal na chocolates and roses? Ginawan na ba siya nito ng isang kanta o nag-rap na ba ito sa harap niya na tungkol sa pag-ibig ang mensahe?

Natatawang sabi ni Janine, "Hindi naman po.

"We just spend a lot of time together. Ganun lang."

Paano kung finally ay hingin na nito ang "yes," ano ang magiging sagot niya rito?

Natatawang sabi niya, "Ayaw naman po namin pangunahan yung mga nangyayari.

"So, we’re just enjoying each other’s company and we are focusing on the show.

"Right now, we’re still getting to know each other and we just spend a lot of time nga together.

"Pero it’s nice to have someone."



OLDER. Apat na taon ang agwat ni Janine, 24, kay Elmo, 20. Hindi ba ito problema sa kanila?

"No, hindi naman," sagot ni Janine.

"It’s some kind of the same.

"I don’t think na nabi-base naman yun sa age.

"We have the same interests and yun ang importante."

Si Elmo na ba ang magiging first boyfriend niya?

Medyo natagalan at parang nahihiyang sagot ni Janine, "Well, maybe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa rin alam what will happen next, ’di ba?

"Pero right now, hindi ko ma-imagine na merong ibang guy sa life ko, kasi si Elmo nga ang lagi kong nakakasama, nakakausap.

"Happy naman po ako sa kanya kasi he makes me feel special din naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN