Director Peque Gallaga allegedly threw a fit in a restaurant

Directors Peque Gallaga and Lore Reyes (not in photo) reportedly showed rude behavior at a restaurant in Rockwell, Makati, recently. Direk Peque, however, said about the incident: "It’s a non-issue."


Kumakalat ngayon sa Internet ang kuwento tungkol sa diumano’y hindi magandang inasal ng batikang direktor na si Peque Gallaga sa isang restaurant.

Isang Facebook user na may pangalang "Pagan Arches-Reyes" ang nag-post ng insidenteng naganap diumano sa Mamou Restaurant sa Power Plant Mall, Rockwell, Makati City.

Hindi nabanggit sa kanyang post ang petsa kung kailan naganap ang insidente.

Ayon sa status update ni "Pagan Arches-Reyes" noong April 26, kasama ni Direk Peque sa isang table ang kapwa niya direktor na si Lore Reyes, ang aktres na si G Tongi, at iba pa.

Nagsimula raw magalit si Direk Peque—na tinawag niyang "PG" sa Facebook post—nang umiyak ang isang sanggol.

“PG complained to the waiter about the noisy baby."

Sabi diumano ng direktor: "This is ridiculous! We’re having a meeting here and there’s a baby crying. This would be banned in the States!"

Sumunod nito, isa pa raw baby sa loob ng restaurant ang nagsimula ring umiyak.

“The baby wasn’t throwing a tantrum or having a meltdown, he was just a baby being a baby.

“And yet, one of PG’s minions, Lore Reyes (LR), stood up, approached a waiter and demanded that the baby be asked to leave the restaurant.”

Dito raw nagsimula ang pakikipagpalitan ng salita ni "Pagan Arches-Reyes" at ng kasama niya sa grupo kina Direk Peque at Direk Lore.

Narito ang kabuuan ng kuwento ni "Pagan Arches-Reyes" sa kanyang Facebook post:

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig ni Direk Peque tungkol sa isyu.

Sa pamamagitan ng isang source, ito ang iparating na mensahe ng direktor: “I have no statement; it’s a non-issue.”

Ilan sa mga obra ni Direk Peque ang mga sumusunod na pelikula: Oro, Plata, Mata (1982), Scorpio Nights (1985), Unfaithful Wife (1986), Once Upon A Time (1986), at Isang Araw Walang Diyos (1989).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN