Carl Guevara admits breakup with Kris Bernal: “Oo, hindi kami ngayon.”

Carl Guevara on breakup with Kris Bernal: "Wala kaming formal breakup, text lang. Kaso, wala pang closure, parang hinayaan ko muna. Kasi dati, kapag nagkakatampuhan kami, inaayos ko agad, e. Talagang sinusuyo ko agad siya. Dito, binigyan ko muna siya ng one week na mag-isip, parang space."


Noong isang linggo lang ay nanggaling ng Japan si Carl Guevara, kasama ang rumored girlfriend niyang si Kris Bernal at ang ina at kambal na kapatid ng Kapuso actress.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa press conference at special screening ng More Than Words noong May 5, sa Annabel’s restaurant, kinumusta namin sa kanya ang bakasyon nila sa Japan.

Lahad niya, “Matagal nang naka-set yun.

"Actually, family ni Kris ang nag-set nun, tinanong niya kung gusto ko raw sumama.

"Wala naman akong gagawing trabaho, na-postpone kasi ang iba kong taping, so sumama ako.”

Biniro namin si Carl kung siya ba ang nag-treat sa Japan vacation nila, ’tulad nang sorpresahin niya si Kris dati ng Singapore trip.

Natatawang sagot niya, “A, hindi, actually KKB [kanya-kanyang bayad]!”



BONDING. Kung kasama niya sa bakasyon ang ina at kambal na kapatid ni Kris, ibig sabihin, okay siya sa pamilya ni Kris?

“Okay ako, okay naman ako sa family niya,” tugon ni Carl.

Mas nakapag-bond ba sila ni Kris sa Japan?

“Oo naman. Si Kris naman, siyempre alam niyang medyo naiilang kasi ako kapag nandiyan ang family niya.

"Siyempre, nandoon pa rin ang boundaries na nahihiya ako.

"Hindi ko naman kasi ganoon ka-close yung family niya, pero ka-close niya ang family ko.

"Yung nanay naman ni Kris, okay naman, down-to-earth naman kasi ang mommy niya, walang kaarte-arte.

"Inaalagaan din nila ako dun, ultimo ang ate niya.

"Inaalalayan din niya ako, tsine-check niya kung okay ako, kung nag-e-enjoy ba ako, so enjoy naman.”

Ano ang baon niyang “memories” sa Japan trip nila?

“Ang memories ko sa Japan, masaya. Doon kasi, puro train.

"Alam mong puro commute talaga. Dito kasi, meron tayong mga sasakyan.

"So, nakaka-miss talagang mag-travel na alam mo yung hindi ka masyadong recognize ng tao.”



BREAKUP. Bago ang Japan trip nila, may lumabas na isyung break na sila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napagbabasehan din ang postings ni Kris sa Instagram account niya.

Pero magkasama nga sila sa Japan kaya ang naging conclusion ng karamihan, nagkabalikan sila.

Sabi ni Carl tungkol dito, “Sa totoo lang, meron lang kaming hindi napagkasunduang bagay.

"Parang ito yung second time naming mag-away.

"Actually, hindi naman away, tampuhan.

"’Tapos ‘eto, tampuhan ulit na hindi agad naayos—almost one week.”

Pero inamin ni Carl na nag-break nga sila.

“Brineyk niya ako,” sabi ng aktor.



HIS FAULT. Aminado si Carl na kasalanan niya kung kaya’t nagtampo si Kris sa kanya.

Kuwento niya, “Meron kaming hindi napagkasunduan, ’tapos yun, bago mag-one week, kinumusta ko siya, tinext ko.

"Nagulat siya na kinumusta ko siya, kasi for almost a week, wala talaga kaming communication.

"Well, kung tutuusin, ako ang may kasalanan.

"May ginawa akong bagay na hindi niya gusto, aminado naman ako dun."

Nagkaroon ba siya ng ibang babae?

“A, hindi, hindi yun. May nagawa lang akong bagay na hindi niya gusto, so tinanggap ko yung deal niya.

"Sa text lang kami, then pinuntahan ko siya.

"Kaso, ang hirap niyang kausapin, kasi nagtatampo siya.

"Wala kaming formal breakup, text lang.

“Kaso, wala pang closure, parang hinayaan ko muna.

"Kasi dati, kapag nagkakatampuhan kami, inaayos ko agad, e. Talagang sinusuyo ko agad siya.

"Dito, binigyan ko muna siya ng one week na mag-isip, parang space."

NOT RECONCILED YET. Pagkaraan daw ng isang linggo ay tinanong ni Kris si Carl kung sasama pa rin ito sa Japan.

“Noong nag-text ako, nag-reply, bumabalik naman siya ng tanong kung sasama pa ako ng Japan.

"Kasi, yung Japan na yun, matagal nang naka-set.

"At saka nabili na yung mga tickets, nakapag-book na sa hotel. Nakaayos na.

“Unang-una, siyempre ayoko namang mag-Japan kami na may tampuhan. Pangit yun, ‘di ba?

"Hindi ka mag-e-enjoy dun, baka ma-out of place ako dun, ang family nila enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, pag-iisipan ko muna, baka hindi na lang ako sumama.

"Babayaran ko na lang ang ticket na nabili ko, pati yung iba pang na-book nila.

“’Tapos, kinausap ako ng mama niya. Actually, ang nanay niya ang nag-apply ng visa kaya natuwa rin ako. Nanay niya ang nag-asikaso.

"’Tapos yun, sabi nga, ’Sayang yung nilakad ko.’ Nakakuha siya ng three-year visa.”

Noong nasa Japan sila, nagkabalikan ba sila ni Kris?

Ayon kay Carl, “Medyo papunta na doon, walang exact na ano, e… wala kaming formality.

"Sweet siya sa akin, sweet ako sa kanya, pero wala pa, e.

"Napagdesisyunan namin na mas maganda yung walang higpitan sa isa’t isa.

“Magagawa mo kung ano ang gusto mo, wala yung anytime may magtse-check sa ‘yo.

"So, yun ang napag-usapan namin.

"Hanggang ngayon, wala pa rin.

"Siguro, gusto niya suyuin ko siya ulit."



WOOING KRIS ANEW. Ginagawa ba niyang suyuin si Kris muli?

“Paunti-unti,” pag-amin ng binata.

“Si Kris kasi, kahit paano busy ‘yan, ang hirap din suyuin.

"Kung gusto niyang mag-date ng iba, okay lang.

"Kung mag-date ako ng iba, okay lang.”

Sa isang salita, break na nga sila?

“Oo, hindi kami ngayon,” pag-amin ni Carl.

Dugtong din niya, “Gusto niya, ligawan ko raw siya ulit.”

Liligawan niya nga ba itong muli?

“Bumubuwelo pa!” natatawang sabi niya.

Masasabi niyang ganoon niya kamahal si Kris na handa siyang suyuin o ligawan itong muli?

“Si Kris, mahal ko ‘yan, mahal ko… siya ang matagal kong nakarelasyon.

"At saka, mabait si Kris, mabait siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN