Mark Herras complains about newbie actor James Reid’s attitude: “Ang ayoko sa lahat ng mga baguhan, yung hindi marunong bumati!”

Get this, Mark Herras is going to the max. He threatens to show all in this year’s Cosmo Bachelor Bash. And his daughter Ada will have 80 godparents at her baptism on May 14.


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Mark Herras na magkakaroon ng reformat ang weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

At labinwalong artista/performers ang nawala o inalis sa show.

Natatawang sabi ni Mark, “Kung hindi nga lang ako babawasan dahil guaranteed [contract] ako, magpapagtanggal na rin ako, e!

“Boring na, e! Nakakapanood pa ba kayo?

"Di ba, parang laging ang segments na lang, anim?”

Pati raw oras nito ay nabawasan.

“One and a half na lang.

“Okay naman po sana yung group, kaso sana hindi sila nagtanggal, ’di ba?”

Ilan na lang sila?

“Konti na lang din. Maraming nawala.

"May mga nawala, may mga iba naman, semi-reg [regular].

"Si LJ [Reyes], semi-reg. Si Steven [Silva], semi-reg... si Jay-R, si Maricris [Garcia].

“Ang dami-daming nawala, sobra... sina Julian [Trono], si Aira [Bermudez ng SexBomb].”

Parehong mahusay na dancers sina Julian at Aira

"E, yung Julian Trono ’tsaka si Aira, hindi naman sa pag-aano, sa mga maraming sumasayaw sa amin, sobrang galing nung dalawa.

“Hindi ko na alam yung patakaran talaga, hindi ko na alam," himutok pa ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Rhodora X , sa The Orchard, Cavite, kahapon, May 6.

JAMES REID. Ayon pa kay Mark, "Well, siyempre, GMA, bine-base nila lagi sa fanbase ng mga artista."

Fans ang basehan kung sino ang mananatili sa programa?

“Feeling ko... Si Yassi [Pressman], wala! ’Di ba?

“’Tapos, ang biglang ipinasok dahil medyo nag-init yung Ang Diary ng Panget, si James Reid.”

Pagkatapos nito ay naglabas ng kanyang saloobin si Mark tungkol kay James, na nadiskubre pagkatapos maging Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010.

Sabi ng 27-year-old Kapuso actor, “Ang ayoko sa lahat ng mga baguhan, yung hindi marunong bumati!”

Baka mahiyain lang si James?

"Hindi puwede yung ganun, sus, mahiyain?" buwelta ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang beses kaming nagkikita, pero alam mo yung, gumanun na lang?

“Dati, ’di ba, sina Barbie [Forteza], sinabihan ko yun ’tsaka si Joshua Dionisio...

"O ngayon, sobrang close na kami ni Barbie, ’di ba?

“Kumbaga, hindi naman sa pagiging senior, sana naman marunong kayong…

“Ako nga kina Tita Boots [Anson-Roa], ’di ba?”

Si Boots ay co-star ni Mark sa Rhodora X.


Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ni James kaugnay ng pahayag na ito ni Mark.



COSMO BACHELOR BASH. Sa kabilang banda, handa na raw si Mark na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ngayong taong ito.

Kinakarir daw ni Mark ang pagwo-workout sa gym.

Habang kausap nga namin siya sa taping ng Rhodora X ay umiinom siya ng whey protein na uso sa mga nagwo-workout.

Ipinakita pa ng Kapuso actor sa amin ang larawan sa cellphone niya kung saan nakahubad siya at naka-shorts lamang.

Kitang-kita dito ang malaking improvement sa katawan ni Mark, as in may abs na siya.

Dati raw ay tamad siyang mag-gym.

“Ngayon, talagang sobrang addict na talaga!” bulalas ni Mark.

Hindi raw niya unang beses na rarampa sa Cosmo Bash, pero “first time kong magko-Cosmo na wasak yung katawan.”

Rumampa raw siya noong 2011.

GYM WORK. Three times a week, two hours per session daw kung mag-workout ngayon si Mark. Pero hindi raw muna siya nagda-diet.

Sabi niya, “Sa ngayon, wala pa, pinapakain pa ako ng trainer ko, kasi four months pa naman, e.”

Ibababa ba ni Mark ang pantalon niya pagrampa niya sa Cosmo Bash?

“Balak ko ngang hubarin ko lahat pagdating ko dun, e, para magulat silang lahat!” natatawang biro niya.

Si Aljur Abrenica ay nagbaba ng pantalon sa isang show kung saan ito rumampa. Kaya niya rin ba itong gawin?

Sabi ni Mark, “Depende, mag-iisip ako ng iba.

"Siyempre ayoko, baka sabihin ginaya ko sila, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang pine-peg niyang katawan.

“Wala! Gusto ko sarili lang.”

STARSTRUCK REUNION. Ibinalita ni Mark na may reunion na naganap sa Batch 1 ng StarStruck, ang reality-based artista search na pinanggalingan ni Mark.

Nag-taping ang grupo para sa bagong morning talk/variety show ng GMA, ang Basta Everyday Happy. Hosts dito sina Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro.

Kuwento ni Mark, “Alam niyo ba, nung Sunday, yung writer ng Basta Everyday Happy, kinukulit ako mag-VTR.

"Kasi nga, may La Union po ako ng Wednesday, hindi ako pumayag.

"Sabi ko, ‘Ayoko, ano’ng VTR? Gusto ko kasali ako diyan, i-adjust niyo yung taping niyo. Hindi puwede na nandun si Buboy [Rainier Castillo], ’tapos ako wala.’"

Alas-nuwebe raw ang call time nila para sa naturang show at pagkatapos ay saka bumiyahe si Mark patungong La Union para sa kanilang regional show.

Kinarir ni Mark na makasama sa taping ng Basta Everyday Happy, lalo pa nga’t nandun ang best friend niyang si Rainier.

“E, kasi naman, reunion, ’di ba?”

Si Mark ang itinanghal na Ultimate Male Survivor sa StarStruck, habang si Rainier naman ang First Prince o runner-up.

Babalik na ba talaga sa GMA si Rainier, pagkatapos nitong lumipat sa TV5?

Ayon kay Mark, “Well, hindi ako sure.

"Pero ang alam ko, babalik na siya. Pinapatawag na siya sa itaas, e.

"Matagal na siyang walang kontrata sa TV5.”

BAPTISM. Samantala, sa May 14 ay gaganapin na ang binyag ng anak ni Mark na si Ada.

Dapat daw sana ay May 11 ito gaganapin.

“Actually in-adjust namin yung binyag ni Ada, kasi Sunday yun.

"E, walang private na binyag. Ibig sabihin, marami kaming kasabay, in-adjust namin ng weekday.”

Ayon pa kay Mark, "Private ko ito, e, ayokong ipa-cover.

“At hulaan niyo kung ilan ang ninong at ninang—eighty, artista lahat!

"Batch 1 [ng StarStruck], Mike Tan...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Mark na kikita pa siya sa binyag sa dami ng ninong at ninang na kinuha niya.

Sabi naman niya, “Si Alden [Richards] nga, kakatawag lang din sa akin.

"Sabi niya, ‘Kuya, hindi ako makakapunta sa binyag, pero magpapadala ako.’

“Sabi ko, ’I-cash mo na lang, ipangalan mo sa akin!’” at tumawa si Mark.

Kabilang pa raw sa mga ninong at ninang ni Ada sina Aicelle Santos, Enzo Pineda, Frencheska Farr, Gian Magdangal, Jay-R, Maricris Garcia, Mayton Eugenio, Pancho Magno, Rocco Nacino, Rodjun Cruz, Steven Silva, Winwyn Marquez, Yassi Pressman, Geleen Eugenio, Perry Lansigan, Mark Reyes, Paolo Contis, Kristoffer Martin, at Julian Trono.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN