Rochelle Pangilinan accepts GMA management’s decision to reformat Sunday All Stars

In a world populated by fair-skinned stars, Rochelle Pangilinan stands out as a role model for women who believe that brown is beautiful. She says, "Okay na ako, kuntento na ako sa kulay ko."


Isa si Rochelle Pangilinan sa talagang kina-career ang bawat performance sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars (SAS).

Pero ngayon, bukod sa mas maikli na ang oras ng programa, marami rin sa performers nito ang wala na o tinanggal na.

Pahayag ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi na kasi kasya sa isang oras, one and a half, pero may commercial pa.

"Kahit ako, konti na lang ang prod [production number].

"Yung mga nawala, meron pa rin sila, lalabas ng twice a month. Yung iba, once a month.

"Siguro pinalad na lang ako na regular pa rin.”

REFORMAT. Hindi raw alam ni Rochelle ang dahilan kung bakit natanggal sa SAS ang contest na pagalingan ng production numbers ang iba’t ibang grupo ng mga artista.

Aniya, “Lahat naman kaming artista, kinarir yun.

"Siyempre, kung anu’t anuman, utos pa rin ng management yun, susunod pa rin kami.”

Nalungkot ba siya na tinanggal ang ganoong segment sa programa?

“Okay lang, alam niyo naman ako, kahit saan niyo ako ilagay.

"Actually, sinabi lang sa amin na reformat.

"Kahit kami ni Mark Herras, nagkatinginan lang.

"In-explain naman nila na nandoon pa rin ang lahat ng artista, sa green room na tinatawag ng GMA.

“Na-explain naman nila nang tama na one and half hour na lang ang show, parang Party Pilipinas na shorten.”

Pakiramdam niya ba ay hindi nagtagumpay ang showdown ng mga grupo kaya bumalik ang show sa format ng Party Pilipinas?

Sagot ni Rochelle, “Actually, wala akong iniisip na ganun.

"Ako, kahit ulit-ulitin ko, panoorin ko, para sa akin, okay ang kinalabasan.

"Kasi, ang nangyari sa amin, lahat ng talents ng mga artista, lumabas naman talaga.

"Yung hindi masyadong sumasayaw, nag-improve naman talaga.

“At saka kung paano kami makitungo sa isa’t isa, kahit saan mo kami abutan, yung pamilya ng SAS, talagang pamilya na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARMELA. Sa kabilang banda, masaya naman si Rochelle dahil na-extend ang primetime series na kinabibilangan niya sa GMA, Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Sabi niya, “Actually, 13 weeks lang dapat, naging 16 weeks.

"Na-extend siya sa tulong ni YanYan [Marian Rivera].

"Sayang nga naman, kasi ang ganda-ganda ng ratings ng Carmela."

Okay rin daw si Rochelle sa karakter niya na obsessed sa karakter ni Raymond Bagatsing.

“Oo naman, kasi yung mga kaeksena ko, nasa nasa part ng pamilya ni Alden [Richards].

"E, yung mga artista dun, Jaclyn Jose, Tito Roi [Vinzon]... Noong una, sina Tita Laurice [Guillen].

"Siyempre nakakatakot na magpabasta-basta.

“Dumarating ako sa set na kabisado ko talaga, ayoko nung magpa-relax-relax.

"Actually, kahit anong show naman, dumarating ako sa set na may bala ako or ready na ako, bukod sa kabisado na namin ang lines.

“Ngayon, suwerte kami dahil si Direk Dom [Dominic Zapata], gina-guide niya kami sa mga lines.

"May mga directors kasi na medyo mahigpit sa ganyang bagay na pagdating sa set, dropped script.

"Dito, gina-guide niya kami kaya ang gaan-gaan ng trabaho.

"Kahit na iilan lang ang eksena mo, mag-i-stay ka, mag-e-enjoy ka pa rin.

“More chika, more fun kami!” natatawang sabi niya.

BROWN IS BEAUTIFUL. Nangingibabaw ang kagandahan ni Rochelle sa mundo ng showbiz, na kung hindi man mestiza ay mapuputi ang karamihan ng mga kababaihan.

At masasabing pinaninindigan niya ang pagiging morena sa kabila ng nauusong pagpapaputi ng mga kababaihang kakulay niya—artista man o hindi.

Ginagawa na nga siyang ehemplo ng ilan na nagsasabing bakit daw hindi siya gayahin, na kahit artista ay hindi binabago ang pagiging morena at maganda pa rin.

“E, kasi, ito na ang bigay ni God sa akin, so minamahal ko na lang!" natatawang sabi ni Rochelle.

Saad pa ng Kapuso star, “At saka, nagsa-sunblock naman talaga ako.”

Kung ang ibang mga artista ay kung anu-anong pagpapa-inject at pag-inom ng gamot ang ginagawa para pumuti, si Rochelle ay tila dedma lang sa kulay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin naman ni Rochelle na sinubukan din daw niyang magpa-inject ng glutathione.

"Hindi para pumuti ako kundi protection sa liver ko."

Ayon sa kanya, "Kapag sumobra ka na lang talaga sa pagpapa-inject, puputi ka talaga.

“At saka, medyo natatakot din ako kasi hindi siya natural na gamot, medyo matapang.

"At saka siguro, ayoko rin na masyadong pumuti.

"Okay na ako, kuntento na ako sa kulay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN