BIR files P4.45-M tax evasion case against Zoren Legaspi

Nahaharap ngayon si Zoren Legaspi sa P4.45-M tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw, May 8, 2014. Hindi raw kasi nagdeklara ng tamang kinita niya ang aktor noong taong 2010 at 2012.


Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion ang aktor na si Zoren Legaspi ngayong araw, May 8, 2014.

Ito ay kaugnay sa hindi raw tamang pagdeklara ni Zoren ng mga kinita niya sa kanyang income tax returns noong 2010 at 2012.

Noong taong 2010 ay P6.79 million lamang ang idineklara ng aktor at P1.82 million noong 2012.

Pero base sa listahan ng mga withholding agents ng BIR, may total income umano si Zoren na P9.64 million noong 2010 at P6.49 million noong 2012.

Dahil dito, nagkaroon ng P4.45 million tax liabilities ang aktor sa BIR dahil sa hindi tamang pagdeklara ng kabuuang kinita nito noong 2010 at 2012.

Sa ulat na lumabas sa Philstar.com, sinabi ni BIR Commisioner Kim Henares tungkol sa kaso ni Zoren:

“A comparison of the documents showed he declared as gross income of P6.79 million in 2010 when it should be P9.64 million. And in 2012 P1.82 million when it should be P6.49 million.”

Dagdag pa niya, "He substantially under-declared his income tax by 42 percent in 2010 and 25 percent in 2012.”

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Zoren, sa pamamagitan ng text messaging, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito sumagot.

Si Zoren ay mister ng actress-TV host na si Carmina Villarroel, kung saan mayroon siyang kambal na anak—sina Maverick at Cassandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN