Rufa Mae Quinto clarifies breast-implant-gone-bad report; says she went through cyst removal operation

Last Tuesday, May 6, Rufa Mae Quinto posted an Instagram photo and shared with her fans that she recently went through a cyst removal operation. However, her shoutout about being "silicon free" led the public to believe that her illness has something to do with her supposed breast augmentation in the past. She later clarified to her Instagram followers: "Wala malaki boobs ko talaga walang nilagay diyan..."


Usap-usapan sa social media ang diumano’y pagpapatanggal ni Rufa Mae Quinto ng breast implants.

Kaugnay ito ng Instagram post ng aktres noong May 6, kung saan ibinahagi niya na mahigit isang taon na siyang nakakaramdam ng pananakit sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Pahayag ni Rufa Mae sa caption ng ibinahagi niyang larawan: "Yes finally my boobs all natural silicon free!

“In fairness talagang pasabog makatotohanan ang ganap. Pang tutukan! Saya!

“Thanks dr. Lacson for taking care of my ganap sa boobs.

“I’ve been suffering from pain for more than a yr. bec of my left boobs so now ok na. I wanna share lang na kinaya ko ang lahat. Gogogo. #booba”

ORIGINAL "BOOBA." Dahil sa pagbanggit ni Rufa Mae ng mga katagang “silicon free,” marami sa Instagram followers niya ang nagtanong kung dati ba ay sumailalim ang aktres sa isang breast augmentation surgery.

Agad namang nilinaw ng aktres—sa pamamagitan ng pag-reply sa kanyang fans sa Instagram—na hindi niya ipinaretoke ang kanyang dibdib kundi sadyang malaki talaga ito.

Paglilinaw ni Rufa Mae, "Wala malaki boobs ko Talaga walang nilagayn Dyan wala na nga diba free nga sya ahaha."


CYST REMOVAL OPERATION. Ang totoo ay sumailalim daw siya ng operasyon kamakailan upang ipatanggal ang cyst na natagpuan sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Kuwento pa ni Rufa Mae, kahit na matagal na siyang nakakaramdam ng pananakit sa kanyang dibdib ay hindi siya agad kumonsulta sa doctor dahil takot siyang maoperahan.

Ngunit sa huli, napilitan siyang magpa-medical checkup at sumailalim sa MRI (magnetic resonance imaging), dahil hindi na niya maitaas ang kaliwa niyang kamay sa sobrang sakit ng kanyang dibdib.

"So help me God benign naman," ani Rufa Mae.

Todo ang pasasalamat sa Diyos ni Rufa Mae dahil matagumpay raw ang isinagawang operasyon sa pag-alis ng kanyang bukol sa dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"WRONG GRAMMAR." Aminado ang comedienne na nagkamali siya sa paggamit ng ibang salita kaya na-misinterpret ng publiko na ang kanyang operasyon ay may kinalaman sa pagpapalagay niya ng breast implants noon.

Ito ang komento ng isa sa mga Instagram followers ni Rufa Mae: "I really thought you did not undergo breast augmentation. Your natural breast is not small naman. Well, anyway at least naagapan agad."

Sagot niya: "I didn’t I guess my grammar is wrong. Coz I said finally! Real booba po ako. I’m just saying in happy I’m silicon free."

Ang tinutukoy ni Rufa Mae ay ang pinakauna niyang pahayag kung saan nabanggit niya ang mga katagang: "Yes finally my boobs all natural silicon free!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN