Heart Evangelista holds successful art exhibit in Ayala Museum

Mahigit isang taon daw ang ginawang preparasyon ni Heart Evangelista para sa kanyang kauna-unahang art exhibit na ginanap kagabi, May 8, sa Ayala Museum. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga artistang kaibigan ni Heart na sina Solenn Heussaff at Mark Bautista.


Successful ang opening ng I Am Love Marie, The Art and Works of Love Marie Ongpauco, ang art exhibit ng Kapuso actress-TV host na si Heart Evangelista, kagabi, May 8, sa Artist Space ng Ayala Museum, Makati City.

Maligayang-maligaya si Heart dahil sa suporta na natanggap mula sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya, sa pangunguna ng boyfriend niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Doble ang kaligayahan na nararamdaman ni Heart dahil nabenta ang halos lahat ng paintings niya na naka-display sa Artist Space.

Kabilang sina Mark Bautista, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Rhian Ramos, at Bianca King sa mga kaibigan ni Heart na dumalo sa opening ng art exhibit.

Tuwang-tuwa rin si Heart sa pagdating ni Ramon Orlina, ang world-renowned glass sculptor at architect na iniidolo niya.

Pahayag ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m so happy today, ang haba ng hair ko!

“Kanina, kinakabahan ako kasi this is the first time I was doing something… and that’s having an exhibit.

“And then, ang daming pumunta.

“Kanina, kinakabahan ako, baka walang pumunta.

“But then, ang dami pa ring pumunta. Nakakatuwa.”



STRESSFUL PREPARATIONS. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Heart ang preparasyong ginawa niya para sa kanyang kauna-unahang solo exhibit.

Aniya, “This took me over a year to prepare, pero biglaan din siyang nangyari kasi wala pang opening.

“It’s hard to get an opening sa mga galleries.

“Kung minsan, isang taon or over a year ang pila sa Ayala Museum, but an artist backed out.

“Na-stress ako dahil biglang two months na lang yung time ko [to prepare] then exhibit na.

“But I guess it was meant to be so I came up with 19 works.”

Ano naman ang mga naging inspirasyon niya sa kanyang paintings?

Sabi ni Heart, “That’s what’s good about painting.

“When you’re an artista, whenever you’re asked to make kuwento about a certain event in your life, how did you feel... kapag painter ka, kapag artist ka, hindi mo na kailangan na i-explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not really about the person in my life, not a certain emotion that I was feeling at that time.

“It’s very therapeutic for me. Also very liberating to come up with paintings.”

Ayon kay Heart, isa raw sa mga inimbitahan niyang celebrities sa kanyang art exhibit ay ang kapwa niya Kapuso star na si Marian Rivera.

“Yes, I sent her an invitation. We gave it to Dingdong Dantes [Marian’s boyfriend].

“Maybe busy sila. Okey lang.

“They’re stars. I’m sure they have their own schedules, so okey lang .”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN