Jennylyn Mercado denies Benjamin Alves is courting her, but is Luis Alandy waiting in the wings?

Jennylyn Mercado would rather go to sleep than go on dates as her only respite from taping is breakfast, lunch, or dinner: “So yung kinabukasan ko itutulog ko na lang, paggising ko pamilya ko muna."


Sino si Jennylyn Mercado sa tatlong karakter niya sa Rhodora X?

“Sa totoong buhay? Dun ako sa Rowena, batang isip, " sagot ni Jennylyn na malapit nang mag-27.

Sa May 15 ang birthday nito at wala raw siyang material na bagay o regalo na winiwish.

Aniya,“Okay na ako sa basta healthy kami parati tsaka continuous yung pagpasok ng blessings.”

Kaya nga raw malapit sa kanya ang karakter niyang si Rowena. Aniya, “Gusto ko siya, very light.

"Kasi parang ano e, breaker, di ba?

"Yung sobrang sama, sobrang buti, sa gitna siya yung parang, ‘Masaya lang ako parati!’

“Yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn nitong Martes, May 6, sa taping ng Rhodora X ng GMA sa The Orchard sa Cavite.

BENJAMIN ALVES. May taping daw siya sa kanyang kaarawan kaya’t wala itong plano mag-celebrate ng kung ano pa man.

“Itutulog ko na lang siguro,” at tumawa si Jennylyn.

Hindi ba siya niyayaya ng napapabalitang manliligaw niyang si Benjamin Alves?

“Teammate ko ’yon! Hindi porke’t single kailangan pag may kasama…”

Teammate niya si Benjamin sa triathlon at hindi raw niya alam kung bakit sila-na-link.

“Matagal ko na siyang kasama sa training. Kahit nung kami pa ni Luis [Manzano] kasama ko na ’yon sa training.

"Siguro dahil single ako kaya na lang nila binibigyan ng kulay, pero wala naman talaga.”

Dinalaw siya ni Benjamin sa ospital nung nagkaskit si Jennylyn ilang linggo na ang nakakalipas.

“Kung nakita ninyo kung paano sila dumalaw, treinta sila.

"Buong team ko, nandun. Nandun din siya, sinurprise nila ako.”

May intriga na tila nag-e-enjoy si Benjamin na ma-link kay Jennylyn.

“Hindi naman.”

Bakit sa pananalita ni Jennylyn ay siguradung-sigurado siya na hindi nga nanliligaw si Benjamin sa kanya?

“Hindi talaga, e. Alangan namang sabihin kong oo tapos hindi naman,” at muling tumawa ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Enjoy raw si Jennylyn ng pagiging single.

“Mas masarap naman, single. Wala ka ng ibang iniiisip kumbaga family, sarili mo lang, tapos career, ’yon lang.”

LUIS ALANDY. Isa pang napabalitang may gusto kay Jennylyn ay ang Innamorata male lead na si Luis Alandy.

Nanliligaw na ba ito sa kanya o nagpaparamdam na?


“Hindi ko alam itanong n’yo na lang sa kanya.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Luis na gusto nito na maging kaibigan muna ang isang babae bago ligawan.

“Ganun naman dapat.”

May pag-asa ba si Luis sa kanya?

“Hindi pa ako ulit handa talaga. Hindi pa, wala muna.

"Maaga pa, hindi pa ako, kumbaga ilang buwan pa lang naman.

"Wala e, di ba kung hindi talaga handa, huwag mong pilitin.”

LUIS MANZANO. Pitong buwan na silang hiwalay ni Luis Manzano, baka naman si Luis Manzano pa rin ang nasa isip niya?

“Hindi naman. Okay na ako. Happy na naman ako sa nangyayari sa buhay ko.

“Kaya lang, hindi talaga, e. Ayoko pa muna, e.

"Ini-enjoy ko yung single life kasi ang pangit naman nung yung pagkatapos ng isa meron agad na isa, di ba?

"Parang i-enjoy ko muna yung eto single muna ako, wala munang iniisip.

“Tsaka gusto ko rin i-prove na hindi palaging masaya kung meron parating, di ba?

"Talun nang talon sa isang relasyon, kumbaga hindi lang naman iyon yung nakakapagpasaya sa akin. e.

“Maraming mga bagay, pamilya ko, si Jazz, lalung-lalo na,” pagtukoy ni Jennylyn sa anak niyang si Alex Jazz.

Naka-move on na raw siya, kaya kung sakaling may proyekto na pagsasamahan nilang tatlo nina Luis at Angel Locsin ay tatanggapin niya ito.

Si Angel at si Luis ay magkasintahan.

TOO BUSY. Kahit wala pa raw kapalit sa puso niya ay naka-move on na siya.

“Kaya nga sabi ko hindi porke’t happy ka e, meron ka ng bagong boyfriend, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na kinikilig ka na ulit, hindi ’yon, maraming mga dahilan para maging masaya.”

Marami ngang umaaligid kay Jennylin dahil single nga ito.

Aniya, "Siyempre kailangan mong i-enjoy yung mga moment na ’yon.”

Pero hindi pa rin daw siya lumalabas on dates.

“Sa ngayon hindi pa rin talaga, e. Wala pa rin talaga.

"Kasi dito sa Rhodora X halos 24 hours akong nagtatrabaho sa isang araw.

"Halos wala naman akong miss sa eksena, ako lahat, e.”

Tatlo kasi ang character na ginagampanan ni Jennylyn sa Rhodora X bilang si Rhodora, si Roxanne at si Rowena.

“So ang pahinga ko lang talaga, breakfast, lunch, dinner.

"Kunwari 56 sequences, tapos tatlong [characters] pa ako, so parang ang hirap naman.

“So yung kinabukasan ko itutulog ko na lang, paggising ko pamilya ko muna.

"Hindi na nga ako nagte-training.

"Kung napapansin ng mga tao sa Instagram, wala na akong workout.

"Wala na talaga, kaya medyo nag-gain ako ng konti kasi hindi na talaga ako nagwo-workout.

“Kasi kumbaga kesa sa i-workout ko, ipapahinga ko na lang kasama ko pa yung pamilya ko sa bahay.”


Sa tatlong character niya sa Rhodora X, sa Rhodora character raw siya pinakahirap.

“Ano siya e, very emotional tapos sobrang hina.

"Ang hirap i-portray ng sobrang hina na kailangan sa lahat ng bagay takot.

"Takot gumawa ng ganito, parang hindi niya pa rin matanggal yung trauma sa katawan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN