Julie Anne San Jose prefers “older” actors as leading men

Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose believes she can learn more working with older actors as leading men. “Kasi for me, mas gusto ko yung medyo older para mas mature yung attack, kasi iba po ’yon. Marami na rin po akong nakapareha na kaedad ko rin, so I’d like to try [someone] older.”


Magdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan si Julie Ann San Jose sa darating na May 17.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso singer-actress sa advance birthday celebration-charity work niya sa White Cross orphanage sa San Juan nito lamang Huwebes, May 8.

Isang paraan daw ng pagpapasalamat niya sa magandang takbo ng kanyang career ang pagbabahagi ng kanyang blessings sa mga nangangailangan.

Sa panayam, inilahad ni Julie Anne na may TV project na nakalinya para sa kanya sa third quarter ng 2014.

“Nasabi po sa akin third quarter of this year, magkakaroon yata for TV… and sana movie rin,” sabi ng dalaga na nakangiti.

Wala pa rin siyang ideya kung sino ang mga makakasama niya o kung ano ang konsepto ng proyekto.

ON LEADING MEN. Nang tanungin siya ng PEP kung mas gusto ba niya ng bagong leading man o dating nakatrabaho bilang kapareha, sagot ni Julie Anne: “I would like try a new one para at least na-e-expand yung capacity ko.

“Para marami rin akong natututunan sa kanya.”

Kabilang sa mga naging leading men ni Julie Anne noon ay sina Elmo Magalona, Alden Richards, Jake Vargas, Kristoffer Martin, at Lucho Ayala.

Dugtong pa ng singer, “Stepping stone din ‘yon in building relationships with other artists para at least mahahasa ang versatility, not only as a celebrity but also as an actress.”

Sundot ng PEP, sino sa mga aktor ang nais niyang maging leading man?

“Maybe Tom Rodriguez or Dingdong Dantes.”

Ibig bang sabihin nito ay mas gusto niya ang leading man na malayo ang agwat ng edad?

“Kasi for me, mas gusto ko yung medyo older para mas mature yung attack, kasi iba po ’yon.

“Marami na rin po akong nakapareha na kaedad ko rin, so I’d like to try [someone] older.”

DREAM ROLE. Pagdating sa mga dream roles, nais raw ni Julie Anne na gumanap ng isang role sa action genre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One of my wishes is magkaroon ng isang action role sa isang soap o sa isang movie.

“I really find it challenging and thrilling na ipakita kung gaano ka-strong ang isang babae at kaya niyang gawin kung ano ang ginagawa ng isang lalaki.

“I think it’s gonna be a good twist.”

Aniya pa, ang importante ay may mga matututunan siya sa mga makakasama niya sa isang acting project.

“Gusto ko po yung may matututunan ako sa kanya, ako yung matututo kung sino man ang makakatrabaho ko.

“I think it’s gonna be a good experience din for me. It’s a good training ground para sa future levels ng acting.”

Kabilang daw sina Maricel Soriano at Nora Aunor sa mga aktres na gusto niyang makasama sa isang proyekto.

Ginagawa niya ang kanyang susunod na music album at inaasahang ilu-launch ito sa darating na Hunyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN