Chef Boy Logro resists lure of politics: "Ayaw ko na yung marami na kaming pagtatawanan sa Senado ’tsaka Kongreso"

Chef Boy Logro is hailed as the country’s first executive chef. Through his culinary talent and hard work, he has come this far in his career without a high school or college diploma.


Nagpapalawak ng resort at culinary school si Chef Boy Logro at ngayon naman ay nagpapagawa ito ng simbahan.

Ang mga poyektong ito ay nasa Davao.

Si Chef Boy ay apat na taon nang napapanood sa umeereng Idol sa Kusina at kasali rin siya ngayon sa mag-uumpisang talk show ng GMA-7, ang Basta Every Day Happy.

Ito ang pumalit sa Kusina Master.

Dahil sa exposure niya sa TV, maliban pa sa mga kawanggawa niya, marami ang gusto na patakbuhin si Chef Boy sa pulitika noon pa man.

Aniya, “Sa Davao gusto nila akong gawing mayor, sa Cavite naman gusto akong gawing vice governor.

"At ito namang ibang tropa na mga politicians, gusto akong tumakbo bilang Party List.

"Parang Kusinero Party List kasi ang prediction nila mananalo ako dahil gasino lang yung kukuning percentage doon.”

Pero ayaw niya, “Kasi nga ayaw ko na yung marami na kaming pagtatawanan sa Senado ’tsaka Kongreso.

"Ibig sabihin, hindi ka graduate, leave it to the experts na lang.

“Kasi nga ang specialty ko ito [ang pagiging mahusay na chef].

"Mabubuhay naman tayo sa magandang bagay na ito na marangal, maganda.

"Kasi pag pulitiko na kahit na sabihin nating magaling ka, may comments pa rin, e.

“Kahit na sabihin na hindi ka nag-corrupt, meron pa ring comments.

“Maganda yung simpleng buhay, na gumawa ka ng church tumulong ka sa Pilipino.

"May exkuwelahan ako. Yung mga scholar ko, continue sa mga Filipino people.

“Kesa naman mag-politician ako, hindi ko naman alam yung batas. Ano’ng gagawin ko?

"Baka naman makulong ako, di ba po?”

OUT OF THE ZONE. Nakausap namin si Chef Boy kahapon, May 8, sa GMA Network Center sa presscon ng Basta Every Day Happy, na pinakabagong morning talk/variety program ng GMA-7 na mag-uumpisa na sa Lunes, May 12, 11 a.m., sa direksyon ni Louie Ignacio.

Kumusta ang tatlong female celebrities na kasama niya sa show na sina Donita Rose, Gladys Reyes at Alessandra de Rossi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay naku masaya! Unang-una sabi ko, ‘Kaya ko kaya ito, na magho-host ako?’

"Kasi hindi na related sa aking expertise, e.

"Sa bagay, sabi nga, lakasan ng loob.

"Tina-try ko po yung sarili ko na maging angkop yung gagawin ko sa show na tatalakay sa parenting, sa pamilya, mga relasyon, home care, beauty, fashion, technology, travel at kung anu-ano pa.

“Mukhang okay naman po.”

Hindi nga kasi cooking show ang Basta Every Day Happy kundi isang talk show.

“Sa tingin ko naman papatok ito sa masang Pilipino."

FEMALE CO-HOSTS. Ano ang masasabi niya kay Donita Rose na sa pagbabalik sa GMA-7 ay kasama niya sa show?

“Well, welcome na welcome, naisip ko nga, ‘Naku magno-nosebleed ako kasi English–speaking ’yon!’

“Sabi ko naman, mas maganda sa akin para mas lalo akong ma-motivate.

"Para makakuha ako ng ’Ano ba ang ibig sabihin ng mga ganito,’ di ba?

“Kasi alam n’yo naman na hindi tayo graduate ng high school o college but I’m trying naman na ma-cope up.

“Walang problema sa pag-aaral, di ba?”

Ano ang masasabi naman niya tungkol kay Alessandra?

“Wow! Ang masasabi ko, ’Wow!’

"Kasi po hindi ka maiilang, masarap katrabaho si Alessandra.

"Lagi kaming nagbibiruan, parang tatay niya ako, so mayroon kaming chemistry na hindi ka naiilang.

"Mahalaga ’yon e, na gets mo yung personality ng isang tao.

“Si Gladys naman, lalo akong natututo dahil si Gladys, yung nasa script, parang memorize na niya agad.

"Kumbaga beterana na talaga.

"So kinukuha ko yung lakas ko roon, hinuhugot ko sa kanya rin, kay Gladys.”

SPECIALTIES. Kung ipagluluto niya si Donita, anong pagkain ang iluluto niya para dito?

“Kay Donita, siguro pinakbet! Dahil Ilokana, e. Pero pinakbet na masarap, na may twist.”

Ipinakita pa niya ang litrato ng pinakbet niya na ang kalabasa ay mashed at ang toppings ay lechon at hipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pinakbet ko ay parang classic na puwede pang-fine dining.”

Ano naman ang lulutuin niya para kay Gladys?

“Dahil mom siya, ang gagawin ko sa kanya siguro, yung mga pagkain na parang grilled lamang.

“Si Alessandra naman gagawin ko sa kanya, chopsuey!

"Dahil chopsuey ang pagkatao niya, e! Halu-halo; magaling siyang mag- twist, magaling magsalita.

"Kumbaga ang chopsuey niya may quality, hindi siya katulad ng chopsuey na parang kung anu-anong napulot, hindi!

“Mayroon pinanggalingan.”



BIR MAGNET? Wala bang pinagseselosan ang misis niya sa tatlo?


Mabilis nitong sagot, “Ah, hindi po ako chickboy!

"Actually, I am also building my church in Davao, I have a church na pinagagawa, Catholic church.

"Alam mo ang simbahan po napakalaki po,” sabay-pakita niya ng mga larawan sa kanyang iPad ng mga ipinapagawa niyang eskuwelahan, resort at simbahan sa Davao.


Milyonaryo na nga siya.

“Well, in terms of... masasabi nating milyonaryo, pero ini-invest ko po, wala po akong liquid [assets] na hawak.

"Lahat po ay tulong sa mga Pilipino, ’yan ay tulong ko sa mahihirap.”

Matatapos raw ang pagpapagawa niya ng kanyang resort, kung hindi sa katapusan ng taong 2014, ay sa unang quarter ng 2015.

“Kasi po inuna ko po itong school, e.

“Kasi mas maganda dun, maluwang ang lupa, mura. Nandun ang mga kamag-anak ng wife ko,” kuwento ni Chef Boy tungkol sa ipinapatayo niyang eskuwelahan at resort sa Davao.

“This is my dream, Chef Boy Logro’s Resort ang pangalan nito.

“Baka siguro dalawa muna [na swimming pools] and of course mga clubhouse, then may dormitory ako for my students.

“So far po ang plano sampung kuwarto muna [sa resort] and then paunti-unti hanggang madagdagan.”

Nasa isang lupain na may kabuuang laki na limang ektarya ang bagong culinary school at resort ni Chef Boy.

“Magkalapit lang sila, mga five minutes lang,” ang distansiya ng paaralan at resort, ayon pa kay Chef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Chef Boy na ang yaman na niya, hindi kaya habulin siya ng BIR?


“Hindi naman po, hindi naman po.”

“Ako po’y nagbabayad ng BIR religiously.

"Kasi my school is a corporation, family corporation, so siyempre yung kita po binibigay ko dun.

“Yung kita ko naman sa GMA-7 binabawasan din ng tax, nagbabayad po ako ng eksaktong amount.

“Hindi naman kalakihan sa GMA-7 ang kinikita ko, e. Magkano lang kinikita ko?

“Sa show para lang malaking tulong sa school ko, siyempre malaking naitulong na may talent fee ka.

"Pero po ang pinaka-big gain ng kinikita ko is my school.”

SIMPLE LIVING. Kilala siyang sikat na chef pero simple lang ang paborito niyang pagkain.

“I am very simple sa bahay, kumbaga may saluyot, may gabi, may tanglad, parang dinengdeng.

"Dun lang sa gilid ng bahay ko kumukuha ng kamote, tanglad, kamatis.

"Kailangan ganun ang mga Pilipino, dapat gawin natin kung may lugar sa taniman mo.

“Walang kimikal, walang chlorine, walang mga tinatawag natin na formalin, puro organic.

“Kukuha ka lang ng malunggay, okra, lalagyan mo lang ng tubig, lalagyan mo ng konting tinapa or isda, iyan ang pagkain ko araw-araw.

“Sa tingin ko hahaba ang buhay ko, kaya nga maliksi ako, e.”

WISH NI CHEF. Hindi pa naipagluluto ni Chef Boy si Pangulong Noynoy Aquino at tila may panawagan o hinaing siya dito.

“Hindi pa ako nai-invite! Hindi pa po ako na-courtesy call.

"Kasi kung si Manny Pacquiao magaling na boksingero, hero siya, ako naman magaling na kusinero!

“Ang inaantay ko yung endorsement n’yo.

"Na dapat i-recognize ako ni PNoy.

“Na dapat, there’s a Filipino na he is not [a] high school graduate, he is only [an] elementary graduate, but he is the first Filipino executive chef in our country.

“Why he did not try my food? Dapat courtesy call ako, na naganap na, ang isang Pilipino na magaling na kusinero sa buong Pilipinas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa buong mundo.

“At sa buong mundo.”

Ano ang lulutuin niya para kay PNoy kung saka-sakali?

“Gagawan ko siya ng grillled lapu-lapu na mayroong tinatawag na calamansi butter sauce.”

Bakit lapu-lapu ang iluluto niya para sa Presidente?

“Kasi po ang lapu-lapu ay hindi matinik at masarap kainin dahil sariwa.”

So hindi matinik si PNoy?

“Hindi matinik, hindi. Tuwid na daan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN