Donita Rose revives hosting career in morning show Basta Every Day Happy

Masaya daw si Donita Rose sa bago niyang programa sa GMA-7 na Basta Every Day Happy dahil hindi lang hosting ang maipapakita niya dito, kundi pati na ang talento niya bilang chef.


Nilinaw ni Donita Rose na hindi siya tinanggal sa dating niyang show na Umagang Kay Ganda (UKG), kundi siya mismo ang nagpaalam dahil gusto niyang maging chef sa ibang bansa.

Taon 2007 nagsimulang mag-host si Donita sa UKG at nuong Enero 2012 naman ito umalis sa programa.

Lahad ni Donita, “I left my last show Umagang Kay Ganda... when I was still there, I kinda felt like I wanted to re-invent myself.

"Because I have such a passion for food, nag-aral ako ng culinary arts. I don’t know if everybody knows that or not.

"When it was time for me to do my thesis... that’s when I decided to leave the show.”

Noong natapos na daw niya ang kanyang thesis, nagpunta siya sa States upang magtrabaho.

Saad niya, “I tried to get work, medyo nahirapan ako because of certain technicalities.

"Then I returned to the Philippines but hindi ako masyadong active sa showbiz noon.

“Nagtrabaho ako sa Crown Plaza Manila and Holiday Inn, so magkatabi sila. I stayed for six months.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Donita sa presscon ng Basta Every Day Happy na ginanap kahapon, May 8, sa 17th Floor ng GMA Building, Timog corner Edsa, Quezon City.

Ang Basta Every Day Happy ay ang bagong daily morning talk/variety program ng Kapuso network na magsisimula na sa Lunes, May 12, sa ganap na ika-11 ng umaga.

HOSTING & COOKING. Isa daw answered prayer ang pagkakuha sa kanya sa bagong show ng GMA-7.

Aniya, “I wanted something that had a culinary aspect and then I was offered this job.

"Three weeks later, I flew to Manila. I’ve been here for almost two weeks na. I only just found out na yung focus ng show is not just culinary, it’s a variety talk show with some cooking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They just said, ‘Basta everything happy,’ and I was like ‘What? I don’t really get it.’ Until we started taping and I was really blown away by the script writers, the researchers and everything.

“Very particular ako, I wanna be professional and I’m a perfectionist. I would say, ‘So what segments do we have on the show?’

“Sabi nila, ’Ma’am kasi iba-iba, e, it’s not specific, but it’s something totally different.’

"It’s something very revolutionary for television, especially morning TV.

"So we’re just overwhelmed and excited for this and we hope na magustuhan po ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN