Jackie Forster’s daughter Caleigh declared in remission after fight with leukemia

Masayang ibinalita ni Jackie Forster sa PEP na "in remission" na ngayon ang kanyang anak na si Caleigh, base sa resulta ng pinakabagong test na isinagawa pagkatapos itong ma-diagnose na mayroong acute lymphoblastic leukemia.


“Caleigh’s in remission!” ito ang mensaheng natanggap sa text ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Jackie Forster kagabi, May 9.

Si Caleigh ang three-year-old daughter ni Jackie na na-diagnose na may acute lymphoblastic leukemia noong January 2014.

Ikinalungkot nang husto ni Jackie at ng kanyang Dutch husband ang karamdaman ng kanilang anak, ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa na darating ang panahon na gagaling si Caleigh.

Mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, lumipat ang pamilya ni Jackie sa Singapore noong March dahil nalaman nilang naroroon ang mahuhusay na doktor na makakatulong kay Caleigh.

Bumuhos ang suporta at mga dasal para sa anak ni Jackie mula sa mga nagmamahal sa kanila at sa mga taong hindi nila kilala.

Ang Diyos ang unang pinasalamatan ni Jackie nang malaman nito ngayong gabi ang magandang resulta ng bagong test sa kanyang anak.

Pangalawa ang lahat ng mga nagdasal para malampasan nila ang lahat ng pagsubok.

Ito ang kuwento ni Jackie tungkol sa resulta ng test kay Caleigh, na itinuturing niyang “early and best Mother’s Day gift” sa kanya ng Diyos:

“Marker from Tuesdays bone marrow came out early. Our Father came through as promised. Our Healer and Creator has erased all the MLL [mixed lineage leukemia]. Results say ‘not detected.’

“Caleigh is in Remission! Mother’s day has never been sweeter and it’s because of You Father. We Love You So Much.

“We expect her MRD [minimal residual disease] to come back to show 10001% that she will not need the transplant. One day I will share how God was there for us every step of the way.

“We had so much negative news coming one after the other. But we stayed focused on Him.

“I said it before and I’ll say it again, All Honor and Glory Will Always go to our Father. We will win this battle! Caleigh has more people to inspire In Jesus name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We need to continue on our 2-year program, we still need prayers for continuous health for Caleigh throughout especially for the next month after this round/phase of chemo.

“God bless all of our prayer warriors. In Your selflessness and devotion in praying for another child’s needs, may He bless you abundantly with the desires of your heart and may the joy and love of God be with you always.

“My family and I are sincerely grateful for the support. Be blessed and be a blessing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN