JC de Vera on Carla Abellana: “Parang napaka-intelihente niyang tao.”

JC de Vera after working with Carla Abellana for the first time in So It’s You: “Sana makatrabaho ko ulit si Carla kasi I find her very smart. Parang napaka-intelihente niyang tao.”


Nawala na ang kalungkutan na naramdaman ni JC de Vera noong inakala niya na wala nang mangyayari sa showbiz career niya.

Inamin ni JC na nagkaroon siya ng takot dahil hindi niya alam kung saan na patungo ang career niya noon. Kaya inisip na rin niya na gumawa ng ibang hakbang kung sakaling tuluyan na siyang mamaalam sa showbiz.

“’Yon ang mga naiisip ko noon. Sobra akong na-depress dahil biglang nag-iba ang lahat, e.

“Kung noon sunud-sunod ang trabaho, tapos biglang nawala. Kahit na sinong artista naman, makakaramdam ng lungkot, di ba?

“Kaya I was considering other options na. Kailangan maging ready ako just in case wala na ngang mangyari sa atin,” pahayag pa ni JC nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 4 sa RYU Ramen and Curry sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

THANKFUL FOR CAREER BOOST. Hindi itinago ni JC na naapektuhan siya financially dahil sa biglang pagiging bakante niya sa trabaho.

“’Yon naman ang unang naaapektuhan. Marami tayong binabayaran. Akala kasi ng ibang tao na porke’t artista ka, marami ka parating pera.

“Hindi nila alam na mas marami kaming bayarin. Kapag walang work, wala kaming kikitain.

“Kaya ’yon din ang unang naging concern ko. May mga babayaran ka tapos wala kang work. Nakaka-depress talaga ‘yon,” diin niya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni JC na nabigyan siya ulit ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili.

Dahil sa pagkakaroon niya ng bagong manager (Leo Dominguez), nabigyan ng bagong sigla ang career ni JC.

Hindi nga nagtagal ay muling naging active si JC at nangyari na ito sa bakuran ng ABS-CBN. Dalawang shows agad ang nabigay sa kanya: ang The Legal Wife at Moon of Desire.

LAGARE KING.” Ngayon ay wala na ngang pahinga si JC dahil tatlong beses sa isang linggo ang taping niya para sa The Legal Wife at tatlong beses din para sa Moon of Desire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapalipat-lipat lang ako sa dalawang set. Sa sasakyan na ako natutulog talaga.

“May times naman na nakakauwi pa ako para maligo pero diretso ako agad sa next location.

“Kapag inabot kami ng pack-up ng madaling-araw sa isang set, nabibigyan naman ako ng medyo late na call time dahil alam nilang inumaga kami sa kabila.

“E, magkalayo pa naman ang location ng dalawang set kaya wala akong choice kundi sa sasakyan na matulog,” natatawa niyang kuwento.

Naranasan na ni JC ang magpalipat-lipat ng set noong nasa GMA-7 pa siya at kahit na noong nasa TV5 siya. Kaya kahit paano raw ay nasanay na siya.

“Ngayon lang kasi naulit ito. Matagal nga akong nabakante, di ba?

“Before sa GMA, nangyari ang ganito when I was doing a teleserye tapos may Obra pa ako. Sa TV5, ganun din. May teleserye ako tapos meron akong Lokomoko.

“Ngayon kasi, bukod sa dalawang teleserye, may sumabay pang movie, yung So It’s You. Kaya sobrang haggard tayo.

“Pero wala naman akong reklamo.

“Ito yung hinihintay kong mga trabaho kaya I have no right to complain.

“Sabi ko nga, masarap yung mapagod dahil may trabaho ka. Kesa sa napapagod ka na wala ka namang ginagawa,” pahayag niya.

WISHES TO WORK WITH CARLA AGAIN. And speaking of So It’s You, hindi nga raw masyadong nakipag-bonding si JC sa kanyang mga co-stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil pare-pareho silang pagod sa kanilang mga trabaho.

Dagdag pa ni JC, “Kung mapapanood mo yung movie, halatang haggard yung mukha ko. Obvious na puyat na puyat. Kasi nga mula sa taping ay diretso ako sa shooting set naman.

“Kahit na sila Carla at Tom, pansin ko rin na mga pagod sila. Kaya nagbabatian na lang kami pagdating sa set.

“Si Tom naman, nakatrabaho ko na siya before sa TV5, yung My Driver, Sweet Lover. Kaya magkakilala na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Carla ang first time kong makatrabaho talaga tapos hindi pa kami masyadong nakakapag-usap.

“Tuwing may eksena lang kami nakakapag-usap ng konti. After ng take, nasa magkaibang lugar kami or may nagmamadali sa amin na umalis kasi may ibang trabaho.

“Sana makatrabaho ko ulit si Carla kasi I find her very smart. Parang napaka-intelihente niyang tao.

“Sayang lang at wala kaming masyadong pagkakataon na makapagkuwentuhan when we were doing the movie.”

NO TIME FOR LOVE. Wala sa priorities ngayon ni JC ang magkaroon muna ng girlfriend. Huli niyang nakarelasyon ay si Danita Paner. Nagkahiwalay sila dalawang taon na ang nakalipas.

Pag-amin niya, “Paano ka naman makakapag-girlfriend sa hectic schedule natin?

“One day na nga lang naiiwan sa akin sa buong linggo, pero minsan nagagamit pa ’yon.

“Kung may girlfriend ako ngayon, malamang break na kami dahil wala akong maibigay na time sa kanya.

“Kaya trabaho na lang muna tayo. Siguro kapag may natapos nang isang show, doon lang ako makakapaghinga ng husto. Pero mukhang matatagalan pa.

“Sanayan na lang siguro. Tiis-tiis na lang muna tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN