Ashley Rivera "Petra Mahalimuyak" defends her YouTube parodies: “Wala akong ginagawang pang-iinsulto sa mga Pinoy."

Ashley Rivera, better known as Petra Mahalimuyak, speaks out to critics: “Kung papanoorin nila ang mga videos ko, wala akong sinabing masama about being a Filipino, [wala akong] nasabing masama tungkol sa ating bansa. Let’s just all have fun, di ba? Huwag tayong masyadong kritikal o seryoso.”


Naging hit sa YouTube ang mga video parodies ni Ashley Rivera o mas kilala bilang si Petra Mahalimuyak.

Dahil sa mga nakakatawang videos ni Petra na nakakakuha ng mahigit isang milyong hits, napansin siya ng Viva Artist Agency at kinuha siya bilang isa sa mga talents nila.

Nabigyan ng sariling show ang 21-year old sexy comedienne na pinamagatang Petra’s Panniest kunsaan mas pinalaki ang concept ng kanyang mga videos.

Naikuwento ni Ashley na kaya niya naisipan gawin ang character na Petra Mahalimuyak ay dahil may puntong na-bore siya sa kanyang buhay noong mga panahong iyon.

“Na-bore lang talaga ako. Gusto ko lang ng konting excitement sa buhay ko.

“Kaya naisipan ko ang character na Petra Mahalimuyak. Isang girl na weird ang accent," aniya.

“Hindi mo alam kung nag-i-Ingles ba siya o nagta-Tagalog. Tapos nagpapakita siya ng mga videos tulad ng My British Accent, How To Dance In A Club o How To Get Abs in One Minute.

“Katuwaan lang na hindi ko naman ini-expect na magiging hit sa maraming tao. It feels good to get that much attention,” kuwento ni Ashley nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 8 sa Viva Entertainment Office sa Pasig City.

UNFAZED BY CRITICS. Dahil nga sa kanyang character na Petra, may mga nagbigay ng hindi magandang kahulugan sa paraan ng kanyang pananalita.

Para raw tuloy iniinsulto niya ang paraan ng pananalita ng ibang Pinoy kapag nagsalita na ng wikang Ingles.

Paglinaw ni Ashley, “Sa totoo lang, wala akong ginagawang pang-iinsulto sa mga Pinoy.

“Bakit ko naman gagawin ’yon, e Pinoy din ako?

“Ang mga videos ko naman ay meant for entertainment lang. It may come out as sarcastic at times, pero it’s more on fun. Pampasaya lang.

“Kung papanoorin nila ang mga videos ko, wala akong sinabing masama about being a Filipino, [wala akong] nasabing masama tungkol sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s just all have fun, di ba? Huwag tayong masyadong kritikal o seryoso.

“Kapag ganyan tayo parati, we won’t know what’s fun anymore, di ba? Kaya tawa lang tayo parati!” ngiti pa ni Ashley.

FOLLOWING RUFA MAE’S FOOTSTEPS. At dahil tatlong taon na niyang ginagawa ang mga Petra videos, handa na ngang pasukin ni Ashley ang bagong yugto ng kanyang career.

May plano raw ang Viva na i-build up si Ashley tulad ng image ni Rufa Mae Quinto bilang isang sexy comedienne.

Nasimulan na ang pagpapakita ni Ashley ng kanyang seksing katawan nang maging cover girl siya sa April 2014 issue ng FHM Magazine.

“Okey lang po sa akin yung magkaroon ako ng image tulad ng kay Rufa Mae.

“Ibang klase kasi si Rufa Mae at maganda yung pag-build up sa kanya ng Viva kaya nga naging big hits yung Booba, Super B at yung iba pang mga ginawa niya.

“Luka-luka naman ako in real life. Talagang masayahin ako at mahilig akong makipagtawanan.

“Siguro kaya ko na-create ang Petra Mahalimuyak character dahil na rin sa quirky personality ko.

“Pero ’yon nga, gusto kong mabawasan na ang pagiging Petra at makilala naman nila ang tunay na Ashley,” saad niya.

GAME SHOW. Sa ngayon ay napapanood si Ashley sa Dobol or Samting, isang cable game show sa Viva Channel kung saan kasama niya ang Brapanese model host na si Fabio Ide.

Masaya namn si Ashley sa kabaliwan nila ni Fabio dahil “anything goes” sa game show nila.

Masaya niyang kuwento, “Kahit nasa kainitan kami at nasa gitna kami ng kalsada ng kung saang barangay, enjoy kami kasi masang-masa ang show at enjoy ang mga contestants namin na handpicked namin sa location ng show.

“Pareho pa naman kami ni Fabio na baliw kaya nagkasundo kami agad. Kaya anything goes sa show namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nagtatawanan kami ni Fabio, hindi po scripted iyon. Talagang natatawa kami.

“It’s either natatawa ako sa pag-Tagalog ni Fabio or may isang contestant na may ginawa na ikinagulat namin. Basta mapapanood nila na tawa lang kami nang tawa.”

INDIE FILMS. Handa na rin daw gumanap sa mga kakaibang film roles si Ashley. Hindi naman daw kailangan magpa-sexy siya agad.

“I did two films before. Yung A Secret Affair where I played one of the friends of Andi Eigenmann, and My Lady Boss where I played one of the office staff of Marian Rivera.

“Kung bigyan ako ng comedy, it’s okey kasi mailalabas ko ang pagiging natural comedian ko.

“Interested din ako to do mga indie films. I would like to work with young filmmakers and be part of their future films,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN