Jennylyn Mercado on being kissed on the lips by Yasmien Kurdi: “Feeling ko rin, na nag-enjoy [siya].”

If she had to do another kissing scene with an actress, Jennylyn Mercado prefers to do it with Yasmien Kurdi. She explains, “Kumportable kasi, iba yung ano ka na, e... at ease kayo, di ba?”


Nagkaroon ng “kissing scene” sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi sa Kapuso drama series nila na Rhodora X.

“Oo! Sabi ko nga, ano ba ’to?

“Gumanun ako e, okay lang,” ang natatawang pagmumustra ni Jennylyn na itinikom niya ang kanyang bibig.

Eksena kasi iyon na kunwari ay nalunod si Rhodora (played by Jennylyn) at kailangan siyang i-revive ni Angela (Yasmien) sa pamamagitan ng CPR (cardiopulmonary resuscitation)

Dapat sana ay dadayain ang eksena pero hindi sinasadyang nagdampi ang mga labi ng dalawang aktres.

Unang beses daw iyon na nahalikan si Jennylyn sa labi ng kapwa niya babae.

“Oo, first time! First time,” natatawa niyang pag-amin.

Biniro namin si Jennylyn na mukhang sinadya ni Yasmien na magdampi ang kanilang mga labi.

“Feeling ko rin!”

“Feeling ko rin, na nag-enjoy [siya],” ang tumatawang pagtukoy pa rin niya sa matalik niyang kaibigang si Yasmien.

Kaya naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn (during her Rhodora X taping sa The Orchard sa Cavite noong Martes, May 6) kung papayag ba siya na gumanap na tomboy sa isang drama series o pelikula.

Mabilis niyang sagot, “Oo naman! Oo naman, okay lang.”

Kahit nga raw may kissing scene sa kapwa niya artistang babae ay ayos lang kay Jennylyn.

Si Yasmien na rin daw ang pipiliin niyang kapareha, kung sakali.

“Puwede, mas kumportable. Kumportable kasi, iba yung ano ka na, e... at ease kayo, di ba?”

May mga nagsasabing sa husay ni Jennylyn sa Rhodora X ay may posibilidad na mapansin ng mga award-giving bodies ang kanyang pag-arte.

“Sana, sana talaga,” panalangin niya.

Pero hindi naman daw umaasa si Jennylyn na manalo ng award next year.

“Hindi ako nag-e-expect ng kahit ano pero magiging thankful ako kung ma-a-appreciate nila,” pahabol pa nito.

THREE PERSONALITIES. Dahil tatlo ang karakter ni Jennylyn sa Rhodora X (bilang mabait na si Rhodora, salbaheng si Roxanne, at isip-batang si Rowena), biniro si Jennnylyn kung hindi ba siya “naaaning-aning” na kung minsan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan,” at natawa si Jennylyn.

“Hindi,” bawi niya.

“Sinisigurado ko na binababa ko muna lahat, kasi pag-uwi ko sa bahay ayoko nung makikita ng pamilya ko, ng anak ko na mabigat, ayoko ng ganun. Siyempre, bata ’yon.

“Gusto ko lang pagkatapos, pagka-‘Cut,’ cut na rin. Ayoko ng dinadala. Kasi yung iba hindi nakakabitaw, di ba?

“Mahirap e, kasi may anak ako baka matakot naman sa akin yung bata.”

Hindi raw niya pinapapanood kay Alex Jazz ang teleserye niya.

Rason niya, “Medyo ano siya (teleserye) e, medyo may pagka-violent nang konti.”

FRIENDSHIP WITH MARK. Sampung taon na ang loveteam nila ni Mark Herras na leading man rin niya sa Rhodora X.

“Oo, ang saya!" pagsang-ayon ni Jen.

At ngayon ay pareho na silang may anak.

Pero hindi pa raw niya nakikita si Ada, ang anak ni Mark.

“Sa picture lang,” dagdag pa niya.

Hindi raw nila masyadong napagkukuwentuhan ang tungkol sa anak ni Mark sa pagkabinata; hindi naman raw nagtatanong si Mark tungkol sa pagkakaroon ng anak.

“Hindi naman niya ako tinatanong, e. Pero okay lang. Kumbaga meron namang mommy na nagnu-nurture, na nag-aano,” sabi pa niya.

Nasa ina raw ang anak ni Mark.

Ano ang una niyang reaksyon noong nalaman niyang may anak na si Mark? Ito ba mismo ang nagsabi sa kanya?

Ayon kay Jen, “Hindi, napanood ko na lang sa TV.

“Okay lang.”

Hindi naman siya nagulat.

“Kumbaga okay lang. E, ganun talaga, nangyayari talaga ’yon,” pakli niya.

Ninang si Jennylyn sa binyag ng anak ni Mark ngayong May 14.

Ninong din si Mark ni Alex Jazz.

“Lahat sila, si Katrina [Halili], ninang siya ni Jazz, tapos kinuha rin akong ninang nung anak niya.

“Si Yasmien din,” masaya niyang kuwento.

Hindi raw naman naniniwala si Jennylyn sa tila “solian ng kandila” sa pagpapalitan nila bilang mga ninong at ninang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ba ’yon?” tanong niya.

Kahit sila ni Valerie Concepcion ay ninang ng anak ng bawat isa.

Tinanong naman si Jennylyn kung ano ang masasabi niya sa mga nagwi-wish pa rin na magkatuluyan ang Mark-Jen tandem?

“Kasi ’yon nga. Kasi parati ko namang ine-explain, parang yung friendship namin, iba.

“Kasi di ba, pag boyfriend-girlfriend hindi mo malalaman kung kailan matatapos, e. Hindi mo alam kung happy ending, so…

“Ang friendship forever ’yan so happy na ako dun, sa forever. Mas masarap ’yon,” paliwanag niya.

May ibang mag-ex na hindi nagiging magkaibigan, pero sila ni Mark ay magkaibigan hanggang ngayon.

“Hindi, kasi siyempre nung una, mga first few months talagang masama pa rin yung loob namin sa isa’t isa pero naayos din kami.

“Tapos decision e, decision ’yon ng bawat isa. Kung gusto ninyong maging magkaibigan o hindi na lang magpansinan forever,” paglinaw pa ni Jen.

Kapag may sweet and romantic moments sila ni Mark sa Rhodora X ay wala silang ilangan ni Mark.

“Kumportable kami, sobra, e. Pag ano naglolokohan kami, yung kunwari talagang… tuksuhan.”

ON PATRICK GARCIA. Sila rin daw ni Patrick Garcia (na ama ni Jazz) ay magkaibigan.

Sa tanong kung hinihiram ni Patrick si Jazz, hindi sumagot si Jennylyn at ngumiti lamang.

May nagbiro na baka busy si Patrick sa isa nitong anak sa karelasyon nitong non-showbiz girl.

Depensa ni Jen, “Hindi, basta ang importante happy, happy sila, happy kami.”

Kung hihiramin daw ni Patrick si Jazz ay walang problema kay Jennylyn.

May nagtanong naman kay Jennylyn, kung sakaling ikakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin at imbitahin siya, pupunta ba siya?

Tumawa si Jennylyn at hindi sumagot. Pero sa kapipilit, sinabi nitong…

“Ayoko nang pag-usapan.

“Hindi pa ba kayo nakaka-move-on?” at muli itong tumawa.

GEARING UP FOR MAJOR CONCERT. Samantala, inaayos na ang mga detalye para sa malaking concert ni Jennylyn sa October na malamang ay ganapin sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kailangan pa naming mag-sit down pero I think, ano, October, baka.”

Kung tatanungin siya, sino ang isang taong gustong-gusto niyang i-guest sa concert niya?

“Oo nga ano? Hmmm….

“Gusto ko kumpleto kami, StarStruck batch 1. Gusto ko kumpleto kami.

“’Yon lang, happy na ako dun.”

STARSTRUCK BATCHMATES REUNION. Ang inaasam-asam niyang reunion ay naganap kamakailan sa guesting ng karamihan sa StarStruck batch 1 para sa Basta Every Day Happy na bagong morning talk-variety show ng GMA hosted by Chef Boy Logro, Alessandra de Rossi, Gladys Reyes at Donita Rose.

Halos kumpleto sa naturang episode ang magbabarkada, kabilang sina Jennylyn, Mark, Yasmien, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Jade Lopez, Alvin Aragon, Anton dela Paz at Katrina Halili. Mapapanood ang masayang reunion sa nasabing show bukas, Lunes, May 12 alas-onse ng umaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN