Mark Herras claims Nadia Montenegro never borrowed money from him: “Ako pa, sa kuripot kong ito?”

Mark Herras denies lending money to ex-gilrfriend Ynna Asistio’s mom, Nadia Montenegro: “Hindi, never silang nangutang sa akin. Hindi talaga, hindi talaga. Hindi talaga. Hindi talaga, mamatay man ako, hindi talaga.”


Binigyan ni Mark Herras ng flowers at cake si Jennylyn Mercado dahil nakasampung taon na ang kanilang loveteam.

Ang loveteam nila ay nagsimula sa batch one ng StarStruck kung saan sila ang itinanghal bilang Ultimate Male and Female Survivor noong February 1, 2004 sa grand finals nito sa Araneta Coliseum.

Sinorpresa ni Mark si Jennylyn sa taping nila ng Rhodora X kamakailan.

“Nagulat si Jen!

“Ang alam namin ni Jen tenth year namin as a loveteam. Ang sabi ng fans, anniversary namin ’yon kung hindi naghiwalay,” at tumawa si Mark.

Dagdag niya, “Kasi ang anniversary ng relayson namin ni Jen ay April 29.”

At ng loveteam nila?

Pahabol niya, “Parang ganun na rin, parang ganun na rin, e.”

Sagot niya sa mga nagsasabi na parang mahal pa niya si Jennylyn, “Hindi, alam mo ang ganda kasi ng relasyon namin ngayon ni Jen sa trabaho, e.

“Sobrang wala kaming problema. ’Tsaka siguro dahil nga di ba nag-mature na rin kami talaga?

“’Tsaka dyusko naman, sampung taon na kaming magkasama sa Channel 7.”

Kaya nga kahit sa mga romantic moments nila sa Rhodora X ay obvious na hindi na sila nagkakailangan.

Pagsang-ayon niya, “Oo walang ilangan, sobrang kumportable.”

At ngayon ay pareho na silang may anak ni Jennylyn.

“At least okay kami,” lahad din ni Mark.

Totoo bang hindi niya sinabi kay Jennylyn na may anak na siya?

“Wala po akong sinabihan kahit sino, kahit si Buboy, hindi ko sinabihan,” pakli niya.

Si Buboy o Rainier Castillo ang best friend ni Mark.

Kahit ngayon ay hindi nila gaanong napag-uusapan ni Jennylyn ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

“Minsan, pero hindi talaga yung totally.”

Six months na ang anak ni Mark nitong May 7 at bibinyagan ito sa May 14.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark noong nakaraang Martes, May 6, sa taping ng Rhodora X sa The Orchard sa Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa ina nito ang bata, at regular na hinihiram ni Mark ang kanyang anak na ang pangalan ay Ada.

Sabi ni Mark, “Dahil po wala kaming taping nung Thursday, kinuha ko siya. Normally po every Sunday kasi yung nanay, e may trabaho di ba sa GMA?”

Every Sunday lang sila nagkikita kapag kinukuha niya si Ada sa ina nito.

“Sa ngayon po. Sa gabi pinapahatid ko siya,” banggit pa niya.

Hindi pa raw nagsasalita ang anak ni Mark.

“Pero ano na e, tumitili na, yung maingay na, lalo na pag nababagot. ’Tsaka marunong nang dumapa. Ang bilis, sobra!” natutuwa niyang pahayag.

Apelyido ni Mark ang dala ni Ada.

Marunong na raw siyang magtimpla ng gatas pero hindi pa niya nasusubukang magpalit ng lampin.

“Hindi ko pa nagagawa ’yon,” at tumawa si Mark.

ADA’S BAPTISM. Magbe-birhday si Jennylyn sa May 15. Ano ang ireregalo ni Mark dito?

“Hindi ko pa nga alam, e. Kasi magpapabinyag ako, e” at tumawa si Mark.

“Maraming gastos, e.”

Naikuwento pa ni Mark ang tanong sa kanya ng isa sa mga ninong ni Ada na si Enzo Pineda.

“’Paps, ano’ng kailangan ni Ada?’

“Ayaw niya ng cash. Sabi ko, ‘Ikaw, kahit ano lang. Ikaw na ang bahala.’

“Ang sabi niya pa nga, ‘Sige, ako na ang bahala sa pushcart!’

“Sabi ko, ‘Anong pushcart? Stroller!’

“Sabi niya, ‘Ay sorry, sorry wala akong alam sa baby, e!’

“Tapos si Alden [Richards] daw, sa binyag, kasi wala siya, meron daw siyang ipapadala kay Ada. Sabi ko cash na lang, sabi niya, ‘Ayaw ko nga, Kuya. Sa iyo lang mapupunta yun, e!’

“Si Yas [Yasmien Kurdi] nagpayo sa akin, dahil binyag naman ni Ada, huwag ko namang masyadong parang engrande.

“Ang paghahandaan ko yung first birthday niya.”

LASTING FRIENDSHIP. Ayon kay Jennylyn, sa interview rin ng PEP sa actress/singer, ay espesyal ang friendship nila ni Mark na mas nagtatagal kaysa sa relasyon nila bilang boyfriend/girlfiend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka kasi hindi namin alam kung kaya naming i-handle pag naging kami ulit, e.

“Alam mo ’yon?

“Kasi tulad niyan, okay kami na ganito, di ba? Kayang maging sweet, kayang magkulitan, kayang maglambingan. Baka pag hinaluan namin ng relationship as lovers baka masira na naman kami,” pag-amin niya.

May panghihinayan ba si Mark na hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon nila ni Jennylyn?

“Dati meron. Sa ngayon kasi, parang di ba, at least masaya kami.

“Kung talagang kami, in time... Like, ako ngayon, single ako, di ba?

“Tingnan natin, malay natin, di ba?

“Mahaba pa naman, e. Siguro mga next year,” at tumawa si Mark.

Masasabi ba na hoping siya?

“Hindi naman sa hoping, pero kung dun darating, hindi ko rin masabi siyempre.”

Walang karelasyon ngayon si Mark.

“Wala, wala ako sa mood!” biro nito.

Mula raw noong nagkaroon siya ng anak ay naiba ang mga bagay-bagay.

“Oo, sobrang naiba,” sabi niya.

May nagbiro na hindi na siya naghahanap ng babae.

“Hindi na, okay na ako sa banyo, e,” ang tawa nang tawang sinabi ni Mark.

ON YNNA ASISTIO. Kumusta naman sila ni Ynna Asistio na dati niyang karelasyon?

Ayon kay Mark, “Okay naman kami ni Ynna. Hindi pa kami nagkikita ulit.”

Si Nadia Montenegro na ina ni Ynna ay binati raw ni Mark noong birthday nito.

Sabi pa niya, “Nag-reply naman sila sa akin.”

Ayon pa kay Mark, “Nabasa niyo yung sa Twitter one time? Kasi may mga basher na naman na nangingialam sa kanila, so nagsalita lang talaga ako about the utang issue.

“Sabi ko tigilan na nila yung pamilya, kasi nananahimik na kami pare-pareho. Kasi, di ba, ang daming kupal talaga sa mundo!”

Wala raw utang sa kanya si Nadia.

“Wala ngang utang! Wala nga. Wala! Wala! Never, never, never.

“Ako pa, sa kuripot kong ito?

“Hindi, never silang nangutang sa akin. Hindi talaga, hindi talaga. Hindi talaga. Hindi talaga, mamatay man ako, hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga.

“Sa ano, yung dati, pag nagbabakasyon kami sa Subic, nakiki-share ako dun sa babayaran sa bahay, iyon lang. Grocery, ako bahala sa alak, parang ganun.

“Pero yung utang, hindi!”

Imbitado ba si Ynna sa binyag ng anak ni Mark?

“Siyempre naman, hindi naman. Nakaka-ano naman ’yon, parang nakakabastos naman para kay Ynna ’yon. Pero sa alam ko, tanggap naman niya si Ada.

“’Yon pa, e mahilig sa bata ’yon!”

Bagong cast member ng Rhodora X si Martin del Rosario. Kuwento ni Mark, nag-suggest daw si Yasmien na si Rainier Castillo ang kunin. May balitang magbabalik na si Rainier sa GMA-7.

“Sabi ko, ‘Yas, yung role nung Martin, tagapagtanggol mo. E, ang liit ni Buboy, e!’” ang natatawang kuwento ni Mark.

Kapag may mga bagong lipat na artista sa GMA, may nararamdaman ba siyang takot?

“Wala naman, wala naman. Actually, ever since naman never akong na-intimidate sa mga bagong pumapasok, sa mga baguhan.

“Sabihin natin, kunyari ’eto may bagong lumipat. Sabi nila, okay, guwapo, may talent, magaling umarte... kaya ko namang sabayan, e.

“Wow,” at tumawa si Mark.

“’Tsaka dyusko naman, sampung taon na ako sa showbiz, di ba?”

NO TO GAY ROLES. Rarampa na si Mark sa taong ito sa Cosmo Bash. Nangangahulugan ba na handa na rin siya sa mas daring na roles or projects?

Handa na ba siyang gumawa ng matitinding love scenes sa mga indie movies?

“Basta babae ang ka-partner,” diin niya.

Paano kapag badingan na pelikula, na may ka-love scene siya na kapwa niya lalaking artista?

“Ayoko!

“Siguro pag wala na ako mapaglagyan sa showbiz puwede, gagawin ko ’yon.

“Ayoko. Ayoko ng ganun. Siguro pag wala na akong career, sige!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN