Alden Richards starts work on two movie projects after Carmela

Alden Richards reveals details about his forthcoming movie projects: “Baka po gagawin ko muna yung movie with Aljur [Abrenica]. And then may isa pa po akong movie na gagawin with Max Collins, LJ Reyes, and some foreign actors po. Heavy drama rin po ito. But I can’t give much details pa about it. Basta… it’s an indie film. Foreigner po ang producer nito... mga taga-Doha.”


Kahit sumakabilang-buhay na ang mommy ni Alden Richards, makahulugan pa rin daw para sa aktor ang pagselebra ng Mother’s Day.

Hindi umano natatapos o nawawala ang mensaheng hatid nito na nagpapahalaga sa kadakilaan ng mga ina.

“Of course not!” nangiting sambit ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, May 11.

“Siyempre andiyan pa rin naman yung lola ko. And then marami rin namang tumatayong parang second mom for me dito sa GMA.

“Pero siyempre, kahit wala na yung mom ko, tuluy-tuloy pa rin ang Mother’s Day ko with her. Hanggang ngayon.

“Kasi yung mom ko, wala lang siya ngayon physically. Pero andiyan pa rin siya in every sense.

“Spiritual… sa puso ko, sa isip ko, ando’n pa rin siya.”

CELEBRATING MOM’S DAY. Six years na ang nakakaraan mula noong pumanaw ang kanyang ina. Sa tuwing sasapit ang Mother’s Day, paano ang ginagawa niyang paggunita rito?

“Siyempre kahit papaano may flower arrangements sa bahay para sa urn niya. Kasi yung urn po ng mom ko, nasa bahay lang.

“So parang in that way, you honor the occasion for her.

“And then, kapag naman birthday niya, ganun din.

“So technically, wala lang siya. Pero yung celebration, tuluy-tuloy pa rin po,” saad niya.

NO EXTENSION FOR CARMELA. Last two weeks na lang ng airing ng Carmela, ang primetime series ng GMA kung saan leading man siya ng bida rito na si Marian Rivera. Marami sa avid viewers nito ang nagtatanong kung wala na raw bang magiging extension ang pagpapalabas nito?

Sagot niya, “Hindi ko po alam.

“Pero so far, iyon po… two weeks na lang at mag-i-end na ito.”

MOVIES. Meron na ba siyang kasunod na soap pagkatapos nito?

“Wala pa po, e.

“Baka po gagawin ko muna yung movie with Aljur [Abrenica],” pagtukoy niya sa pelikulang Cain At Abel na malapit na ngang magsimula ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then may isa pa po akong movie na gagawin with Max Collins, LJ Reyes, and some foreign actors po.

“Heavy drama rin po ito. But I can’t give much details pa about it.

“Basta… it’s an indie film. Foreigner po ang producer nito... mga taga-Doha,” kuwento pa niya.

VACATION. After Carmela, magiging busy pa rin pala siya dahil dalawang pelikulang magkasabay ang kaniyang gagawin.

“Yes po.

“And then pupunta po ako sa U.S. sa June. Meron po kaming show doon ni Marian [Rivera], Kuya Ogie [Alcasid] and Ate Regine [Velasquez] for a telecommunications brand.

“It’s gonna be in L.A. and San Francisco. So nag-ask po ako ng one-week extension na makapag-stay doon para at least before ako bumalik sa work e, nakapagbakasyon naman po ako.

“Mag-stay ako doon sa San Francisco for a short vacation with my aunt na sister ng dad ko.

“Matagal din na sunud-sunod ang trabaho ko. Kaya gusto kong makapag-break sandali tapos back to work na ulit,” pahabol pa ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN