Alice Dixson shares anecdote about strict mom

In hindsight, Alice Dixson is thankful she was raised by strict parents. “Kasi, if my dad was not so protective, then siguro, iba yung movies na nagawa ko. So, if my parents weren’t around, siguro may mga nagawa akong eksenang hindi ko gusto... pagsisisihan ko.”


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bago nakipaghiwalay si Alice Dixson sa kanyang mister ng mahigit sampung taon na si Ronnie Miranda ay hindi sila pinalad na mabiyayaan ng anak.

Pero sa movie made for TV special ng TV5 para sa Mother’s Day, ang More Than Words na ipinalabas ngayong gabi, gumanap si Alice bilang ina ni Sarah Lahbati.

Sa ngayon ang mga karanasan ni Alice ay bilang anak pa lamang sa kanyang mga magulang, partikular na sa kanyang ina na sa kuwento ni Alice ay napaka-istrikto raw, lalo na noong kabataan pa niya.

Pero masasabing nagampanan naman ni Alice nang makatotohanan ang kanyang karakter na may problema sa pagsasalita at tinatawag na neurogenic stuttering.

Naikuwento ni Alice kung gaano ka-istrikto ang ina sa kanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City noong May 5.

“She’s a very strict Mom, so when I was 18 or 19, medyo nagre-rebelde ako.

“I remember the time. Oh, this is funny—puwede niyong isulat ‘to,” natatawang pag-alaala na niya.

“Meron akong curfew, midnight. I was with my friends, Faces [disco] pa yata ’yon.

“So, I was at the disco with my friends and my curfew was midnight or something.

“Mga 12:05 a.m. na and may nakita ako. There was this lady, walking, storming in and all of a sudden, somebody grabbed me. ’Yon pala, my mom!

“She pulled me out of the disco kasi, 12:05 a.m. na, lampas na sa curfew. That was the funny memory na naalala ko. Ganoon siya ka-strict!”

Mabuti at hindi siya nag-rebelde noon?

“Yeah, nag-rebelde rin ako. Kasi, she was a stage mom but looking back, she was a stage mom because of my dad.

“Looking back, I realized it was my dad’s instruction to make me bantay and my mom was just following,” pagbabalik-tanaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL FOR STRICT PARENTS. Nagpapasalamat din ba siya na ganoong ka-istrikto ang mommy niya o ang mga magulang niya?

Pag-aanalisa niya, “Yes and no.

“Kasi, if my dad was not so protective, then siguro, iba yung movies na nagawa ko.

“Mga eksenang I didn’t want to do kasi, noong bata ako, wala pa akong 18 yata, he would always be on the set with me.

“So, if my parents weren’t around, siguro may mga nagawa akong eksenang hindi ko gusto... pagsisisihan ko.

“But my only wish was that... Yung generation nila, hindi kasing open as the generation now. So anything, you can talk about anything.

“I wish siguro when I was younger, it would have been more like that.”

EXTENSION. Ang regular show ni Alice sa TV5 ngayon ay ang tawa-serye na Confessions of a Torpe kunsaan masaya si Alice dahil nag-extend pa sila.

Kuwento ni Alice, “We extended. Twice kaming nag-extend from one season to two weeks. Now, we extend for a month.

“Gelli [de Belen] is leaving for the States on Wednesday pero, tuluy-tuloy pa rin ang taping namin.

“At ang sabi nila, kung wala nang extension ulit, baka at the end of May, tapos na kaming mag-taping.”

Wala rin daw alam si Alice kung ang mga karakter nila ni Tupe (Ogie Alcasid) ang magkakatuluyan sa ending.

TAKING A BREAK. Simula nang bumalik ng bansa si Alice at gumawa sa TV5, halos nagkasunud-sunod na ang mga proyektong ginawa niya.

Pagkatapos ng Confessions of a Torpe, may naka-line-up na rin ba sa kanya agad na kasunod?

“Sa totoo lang, I want to take a little break.

“Kasi, since 2011 sunud-sunod ang series ko. So, I’d like to get a month off.

“In June, I might be doing something in the States for one of my endorsements.

“Might pa lang naman and maybe, I’ll be doing a series of shows in California so, June I will be busy. Sana June or July, may time off ako,” panalangin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mananatili naman siyang isang Kapatid?

“I’m Kapatid hanggang magsawa sila sa akin,” natatawa niyang sabi.

Sabi naman ni Alice, ang kontrata naman daw niya sa TV5 ay hanggang January 2015 pa.

DRAMA OR COMEDY? Puro drama ang ginagawa niya dati, ngayon lang siya gumawa ng tawa-serye. Mas gusto ba niyang tawa-serye ang susunod niyang gagawin o balik siya sa drama?

Aniya, “I really don’t know, kasi wala pa silang sinasabi sa akin.

“But they are saying, they are suggesting, kasi may following na ang Confessions… at saka, na-extend kami. We’re hoping, our team is hoping, na magkaroon kami ng part 2.”

CONFESSIONS OF A YOUNG FAN. Ang anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay isa raw sa regular na nanonood ng Confessions of a Torpe at kilalang-kilala raw siya nito bilang si Monique. At nang minsang isama nga raw ni Ogie sa taping ay tinatawag siyang Monique nito.

Patuloy pa ni Alice, “Yes, mahilig kasi siya sa airplane. And he said, ’Monique, look at my airplane.’

“Sine-share niya. Pero at first, medyo shy siya. Sabi ni Ogie, ’Palagi siyang nanonood ng show mo and crush ka niya.’ So, medyo quiet-quiet lang siya noong bago.

“Kinakausap ko, ayaw masyadong magsalita then later on, sine-share niya ang mga airplane niya hanggang later on, nagpaalam na sila ng Mommy niya kasi medyo late na.”

Biro naman namin kay Alice, wala talaga siyang kupas dahil kahit toddler pa lang na katulad ni Nate, nagkaka-crush na sa kanya.

Natatawang pahabol niya, “E, kasi, pinapanood niya ang daddy niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN