Ariella Arida plans to embark on showbiz career; picks Piolo Pascual as her ideal leading man

Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida singles out Piolo Pascual as her ideal leading man. She says, “Kasi kaka-watch ko yung recent movie niya po, e. ’Tsaka ever since... nung right after naming manalo ng Binibini, nag-guest kami sa ASAP, sa kanya talaga ako unang nagpa-picture.”


Interesado si Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida na pasukin ang showbiz.

“Sana po. Kung bibigyan nila ako ng offer!” natawang sabi ng beauty queen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Project Beautiful You, ang pinakabagong advocacy ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management, sa Chef’s Noodle noong May 7.

Wala pa bang nag-aalok?

Sagot niya, “Ewan ko lang, kasi until now, we’re still under [Binibining Pilipinas Charities, Inc.].

"So, everything na ginagawa pa rin po namin, sa kanila pa rin po. Until October po."

Kapag natapos na ang kontrata niya sa BPCI, nais ni Ariella na mag-full blast sa showbiz.

“Yeah, I want to. Sabi ko nga sa sarili ko, since habang bata pa po ako, gusto kong i-grab lahat ng puwedeng opportunities.

“And then, sabi ko naman, kasi yung iba naman nagtatanong kung gusto kong bumalik sa job ko.

"Sabi ko, parang siguro ’pag matanda na ako, kasi anytime puwede naman po akong bumalik.”

Isang chemist si Ariella bago siya naging beauty queen.

“So, for me, sabi ko, parang nae-excite pa po ako sa kung anong puwedeng mangyari right now.

"Na parang kung may showbiz na offer, why not po? I’ll grab it.

“Basta kung ano po ang dumating.”

Sa ngayon ay mas matimbang daw kay Ariella ang showbiz at ang pagiging beauty queen kaysa sa dati niyang propesyon.

Baligtad naman sila ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup na ayaw pasukin ang showbiz at mas pinili ang kanyang pagiging arkitekto at ang pagpapakasal nito kay Lloyd Lee.

Si Ariella ay wala pa raw balak mag-asawa.

“Oh, my God, ang bata ko pa naman!” at tumawa si Ariella.

“Actually, siguro showbiz, business... iyon.”

STABLE RELATIONSHIP WITH ERVIC. Kinumusta rin ng PEP kay Ariella ang lalaking malapit sa kanya ngayon—si Ervic Vijandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, so far,” sagot niya.

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Ervic?

“Ganun pa rin po. Stable, stable!” tawa na naman niya.

“Basta okay po kami, like, walang pagbabago kung ano kami before na nagkakaintindihan, close, ganyan.

"Until now, okay naman po."

Artista ng GMA Network si Ervic. Regular itong napapanood sa Rhodora X.

Paano kung sa pag-aartista ni Ariella ay si Ervic agad ang kapareha niya?

“Mas okay po, at least mas kumportable kami sa isa’t isa, ’di ba po?” natatawang sabi ni Ariella.

Mas gusto ba ni Ariella kung ang karelasyon niya ay artista o hindi taga-showbiz?

Tugon niya, “Depende kung magkakasundo kami, pero ako naman, hindi ako tumitingin sa status kung artista o sinuman.

"Basta po yung ugali namin, magsu-swak and nagkakaintindihan, kahit sino po okay sa akin.”

SHOWBIZ IDOLS. Kapag artista na siya, bukod kay Ervic, sino ang una niyang gustong maging leading man?

“Si Piolo,” ang mabilis na sagot ni Ariella.

Bakit niya gusto si Piolo Pascual?

“Kasi kaka-watch ko yung recent movie niya po, e.

"’Tsaka ever since, nung right after naming manalo ng Binibini, nag-guest kami sa ASAP, sa kanya talaga ako unang nagpa-picture.

"‘Tapos tuwang-tuwa pa ako siya yung nag-serenade sa amin, so ayun po.”

Sa mga aktres naman ay humahanga siya sa husay bilang aktres ni Angel Aquino.

“’Tsaka yung beauty niya sobrang classic and timeless.”

Gusto rin daw niya si Anne Curtis.

“Natutuwa ako sa kanya kasi sobrang bubbly niya.

"And nung na-meet ko siya sa [It’s] Showtime, nag-hurado po ako, ayun, kung ano yung nakikita ko sa TV, ganun rin siya. Kahit sa personal po.”

Alam niya raw ang mga isyu tungkol kay Anne.

“Yeah, narinig ko po. Siguro ano naman yun, parang part ng pagiging tao natin.

"Parang feeling ko, lahat naman nagkakaganun din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECT BEAUTIFUL YOU. Isa si Ariella sa napiling maging endorser ng Project Beautiful You, ang bagong proyekto ng talent manager at beauty-pageant trainor na si Jonas Gaffud.

Ang Project Beautiful You “is an advocacy that trains young women in local pageants and school organizations around the country to be positive, confident, witty, graceful, and instrumental in uplifting each other.”

Layunin din nito “to enhance beauty and confidence of women, promote Filipina beauty and heritage, discuss and explore what real beauty is all about, initiate avenue where these women can have a concrete platform, for them to help each other, be of service to their communities, and create a positive impact among the youth.”

Bilang endorser, ayon kay Ariella, “Siguro mabu-voice out ko kung ano yung mga dapat talaga na...

"Kasi ngayon, ’di ba, pag sinabi kasi nilang beauty, parang na-stereotype na kailangan ganito, ganyan...

“Pero ang totoo naman talaga, nasa sa iyo yun kung paano mo titingnan ang isang... kung ano talaga ang ibig sabihin ng beauty.

“So, for me, ise-share ko for me what is really beauty, yung para sa akin.

“So, iyon po, sana kahit papaano, yung ma-voice out ko yung mga gusto kong sabihin at ma-share dun sa mga kabataan po and mga girls na nag-a-aspire na maging beauty queen.”

Para kay Ariella, ano ba ang kahulugan ng real beauty?

Ayon kay Ariella, “Sa akin kasi po, ang pinaka... yung lahat ng trainings na pinagdaanan ko dun, nakatulong na for me talaga, yung sarili mo ang nagdadala, e, kung gaano ka kaganda.

“Kasi ako, alam ko, physically, when I went to Miss Universe, hindi ako yung prettiest girl. Alam mo yun?

“Sabi ko nga sa sarili ko, yung tipong ’pag nakaupo ka, hindi ka magsasalita, parang hindi nila ikaw mararamdaman.

“Pero once na makita nila yung personality mo, kung sino ka, mas dun lumalabas, dun ka mas naa-appreciate ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya iyon po yung natutunan ko sa lahat ng trainings ko, especially nung lumaban na ako.

“Na, ‘Ay, totoo nga, hindi talaga physical lang yung beauty.’ Kasi dun na nagkakatalo.

“Parang when you get dun sa Miss Universe, lahat maganda, pero bakit ganito, may nakakapasok na ganito.

"Dun ko napatunayan na tumitingin sila sa personality and kung sino ka po talaga, as in kung sincere ka sa tao, sa co-candidates mo.

"And for me, ayun ang mas mahalaga, yung nasa loob mo po."

IMPRESSED WITH MJ’S TENACITY. Itinanghal na 3rd runner-up si Ariella sa Miss Universe 2013. Kaya hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong 2014 na si Mary Jean Lastimosa.

Sabi ni Ariella, “Ako naman, high hopes talaga na kayang-kaya po niya.

“Especially yung determination niya, oh my God! Kung ako nasa lugar niya, three times, hindi ko po kaya.”

Tatlong beses nang sumali si Mary Jean sa Binbining Pilipinas, at ngayong taon nga ay siya ang kinoronahang Miss Universe Philippines.

Patuloy ni Ariella, “Like, tinatanong ko nga yung sarili ko, ‘Kung natalo ba ako, sasali ba ako ulit?’

“Sabi ko, siguro hindi na lang. Magpu-focus na lang ako sa corporate world.

“Pero siya, yung determination niya, yung passion niya, kitang-kita niyo po talaga yung puso niya, ibinigay niya lahat dun.

"So ako, naniniwala ako na may mararating.

“Parang lahat ng iyon may mararating in the end.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN