Film director Mike de Leon declines Lifetime Achievement Award from Gawad Urian

Ilan sa mga ‘di malilimutang obra na idinirek ni Mike de Leon sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino ay ang mga klasikong Kisapmata, Batch ‘81, Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakabakaba Ka Ba?, Sister Stella L., at Bayaning Third World.


May kumalat sa Internet mula sa isang blog na nag-quote sa batikang direktor na si Mike de Leon na sinasabing: “I just want to be alone. I’m no longer a director and I’m no longer public property.”

Ito ay patungkol sa igagawad na Lifetime Achievement Award sa kanya ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa gaganaping 37th Gawad Urian Awards sa June 17, 2014.

Ngunit walang kumpirmasyon kung ang pahayag na ito ay galing mismo sa respected at elusive master filmmaker.

Si Mike de Leon ay apo ng founder ng LVN Pictures na si Doña Narcisa de Leon, at ang yumao nitong ama na si Manuel de Leon ay isang ring batikang direktor.

Ilan sa mga ‘di malilimutang obra na idinirek ni Mike ay ang mga klasikong Kung Mangarap Ka’t Magising (1977), Kakabakaba Ka Ba? (1980), Kisapmata (1981), Batch ‘81 (1982), Sister Stella L (1984), at Bayaning Third World (2000).

Siya rin ay award-winning cinematographer. Kabilang sa classic films na hinawakan niya bilang director of photography ay Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) ni Lino Brocka at Aguila (1980) ni Eddie Romero.

Samantala, sa panayam ng InterAksyon website kay Cesar Hernando, kaibigan ni Direk Mike at production designer nito sa ilang mga pelikula, sinabi nitong hindi na-inform ang batikang direktor tungkol sa nasabing award bago pa man nagpa-presscon.

Noong May 10 din daw ang huling pag-uusap nila ni Direk Mike, at inamin ng huli na wala pa siyang natatanggap na tawag o sulat galing sa Urian o mga Manunuri.

“It seems he was the last one to know about the award as everybody was congratulating him.

"But just the same, I think he isn’t really interested in that award,” sabi ni Cesar sa kanyang interview.

THE ANNOUNCEMENT. Noong April 29 ng tanghali ay ginanap ang press launch ng 37th Gawad Urian Awards sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito pormal na inanunsiyo sa press ang kumpletong listahan ng official nominees sa iba’t ibang acting and technical categories.

Maliban sa listahan ng mga nominado, kasama sa press release na ipinamahagi ang announcement na ang master filmmaker na si Mike de Leon ang recipient ng Natatanging Gawad Urian, equivalent ng Lifetime Achievement Award na ibinibigay sa mga alagad ng sining na nakagawa ng malaking kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa open forum ng naturang presscon ay nagtanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ngayon lang napapayag ng mga Manunuri na lumantad ang reclusive na direktor para tanggapin ang highest honor na ito o noon pa nakasama ang pangalan ni Direk Mike sa kanilang listahan.

Sagot ni Ms. Gigi Alfonso-Javier, chairperson ng Manunuri ngayong taon, “I think, yung pagbibigay naman ng karangalan ay hindi kung tatanggapin o hindi.

"Kundi sa… I think, through the years, we have proven na kahit na ayaw nilang tanggapin ay ibinibigay namin… dahil we really feel na napakagaling niya, he deserves it.

“So, naiintindihan ko yung mga anticipations ng iba, like matagal nang hindi nakakausap kung minsan, marami, si Mike.

"Pero sana naman ay tanggapin niya.”

Dagdag ni Mario Hernando, isa ring Manunuri member at miyembro rin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), “Pero may mga sinabihan kami na sana paratingin kay Mike.

"‘Di lang kami sigurado kung talagang nakarating nga sa kanya.”

Wala bang formal letter na ibinigay kay Direk Mike?

Sagot ni Gigi, “We’re going to have a dinner with him very soon.

“At doon po ay kakausapin namin [siya], lahat-lahat, dahil marami pang susulatin ang mga miyembro ng mga Manunuri, mga artikulo."

Dagdag naman ni Mario, “Maybe it’s premature, pero babanggitin ko na rin. May ambitious project kami na recording of oral history of Philippine Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At hindi pupuwedeng ignore-in doon ang mga importanteng artists, like Mike de Leon.

“Sana pumayag siyang ma-interview rin siya for that.

"Pero matagal pa ito, kaya lang, yung ganoong scope and magnitude, hindi agad-agad.”

Ayon naman kay Ronald Arguelles, channel head ng Cinema One at ilang taon nang show producer ng Gawad Urian, “Alam na niya ngayon.

"Pinasabihan ko si Chuck [Gutierrez, film editor ng Voyage Studios] kasi they’re doing post-prod of Maynila.

"So, sinabihan na ni Chuck.”

Ang Gawad Urian ay gaganapin sa June 17, 2014, sa Studios 9 and 10 ng ABS-CBN, at may live telecast sa Cinema One Channel.

THE REFUSAL. Tatlong araw pagkatapos ng Urian presscon, May 2, nagpadala kami ng katanungan, via text message, kay Mario Hernando kung kumpirmado na bang darating sa awards night si Direk Mike.

“He declined. Don’t know how this will go. Will keep you posted,” sagot ni Mario sa text.

That week, tila may kumalat nga sa Facebook tungkol sa pagde-decline o pagtanggi ng award-winning director, kung kaya’t nagpaalam kami kay Mario na isusulat namin ang isyung ito. Pumayag naman siya.

Tanong namin: Ano ang dahilan ng pagtanggi ni Direk Mike sa nasabing award?

Sagot ni Mario, sa text pa rin, “His decline is not a surprise to everyone in the industry who knows him. Respect na lang his wish.”

Nag-text din kami sa isa pang Manunuri member at Startalk host na si Butch Francisco kung ano ang kanyang damdamin tungkol dito.

Tugon ni Butch sa text, “I will respect Direk Mike de Leon’s position and will abide by the group’s decision, except we have yet to arrive at one,”

Tinext din ng PEP si Ronald Arguelles kung ano ang personal niyang reaksiyon sa pagkumpirma ni Mario tungkol sa pagtanggi ni Direk Mike sa award.

“Told MPP [Manunuri ng Pelikulang Pilipino] that Mike’s decline was expected, and hopefully, they could still work this out,” sagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, May 3, nag-follow-up question kami kay Mario.

Inalam namin kung ang imbitasyon ba para sa paggawad kay Direk Mike ng nasabing karangalan ay sa pamamagitan nila sa loob ng Manunuri group o ang Cinema One group as the show producer.

Tinanong din namin si Mario kung magre-release ba ng official statement ang Urian o aayusin pa nila ang bagay na ito.

Tugo niya, “Sorry, ‘di ko alam. Baka winu-work out pa nila. Personally, I want a break from the issue muna...”

Nang sumunod na araw, May 4, nag-text kaming muli kay Ronald kung may update na ba kay Direk Mike o pinalitan na siya bilang recipient ng Natatanging Gawad Urian.

“Wala pa,” ang maikling tugon ni Ronald sa text.

The following day, May 5, may balitang tuloy na raw si Direk Mike.

Tinanong namin si Butch Francisco tungkol dito: Kung tuloy na si Direk Mike, ano kaya ang nangyari samantalang nag-decline ito last week?

Sagot ni Butch sa text, “Honestly, I haven’t been in touch with any of them, so I am just as curious as you are. Like I said, there’s another committee for that.”

Lumipas ang ilang araw, May 10, muli kaming humingi ng update kina Mario at Ronald tungkol sa isyu.

“Haven’t been in touch with the group. Will keep you posted,” sagot ni Mario.

Pero ang kasagutan ni Ronald ang medyo nakagulat sa amin, para sa development ng balita: “Urian will confer him the award. Tuloy pa rin. No change.”

Ang Cinema One ba ang nagko-convince kay Direk Mike tungkol sa award o ang MPP?

Ipinaalam namin kay Ronald na sina Mario at Butch ay “hindi aware” sa aspetong ito.

Sagot ni Ronald, “Not aware din po. Mike did not confirm.

"Wala pang meeting with Mike na nangyari.

“Last I heard, itutuloy pa rin ng MPP to confer the award to Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Most likely, Mike will not receive it as expected.”

Matatandaang noong nakaraang taon ay nilapitan din ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) president na si Briccio Santos si Direk Mike upang i-offer na sumama sa film festival ng Master Directors sa Sineng Pambansa, ngunit tumanggi rin ito.

Sa mahigit tatlong dekadang pagbibigay-parangal ng Urian taun-taon, narito ang ilan sa mga nakaraan nilang Natatanging Gawad Urian awardees:

Manuel de Leon, Gerry de Leon, Manuel Conde, Leopoldo Salcedo, Pancho Magalona, Mona Lisa, Dolphy, Nida Blanca, Eddie Romero, Fernando Poe Jr.

Ricky Lee, Gloria Romero, Jess Navarro (film editor), Eddie Garcia, Marichu Maceda (producer), Kidlat Tahimik (indie filmmaker), Peque Gallaga.

Sa huling tatlong taon, ang awardees nito ay sina Jose F. Lacaba (2010), Rody Lacap (2011), at Mila Del Sol (2012).

Ang pang-2013 recipient nga ay igagawad kay Direk Mike de Leon sa susunod na buwan—tanggapin man nito nang personal o hindi—ayon sa Urian show producer na si Ronald, base sa text nito sa PEP noong May 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN