PNoy says three versions of Janet Lim-Napoles’s list do not match; insists that the list must be verified first

President Benigno Aquino III admits he’s aware that some of his allies are allegedly included in Janet Lim-Napoles’ list of conspirators in the pork barrel scam. But he insists that Napoles’s list is still up for investigation due to certain discrepancies. "I was really taken aback by that changing of numbers. That seems to be such a very principal and material fact,” says PNoy when asked to describe the three versions of Napoles list.


Inihayag ni President Benigno "Noynoy" Aquino III na hindi magkakatugma ang tatlong listahan ng mga mambabatas na diumano’y sangkot sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, May 12, kinumpirma ni PNoy na una siyang binigyan ni Janet Lim-Napoles ng kopya ng naturang listahan noong panahong hindi pa handa ang itinuturong pork barrel mastermind na ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman.

Personal namang inabot ni Napoles kay Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima ang listahan ng mga mambabatas na katransaksiyon ng negosyante nang magkita sila sa Ospital ng Makati noong April 21.

Si Panfilo Lacson, dating senador at kasalukuyang rehabilitation czar, ang ikatlong may hawak ng listahan ng mga mambabatas na diumano’y sangkot sa pork barrel scam.

Ayon kay Lacson, ang asawa ni Janet na si Jimmy Napoles at dalawang anak ng negosyante ang lumapit sa dating senador upang iabot ang naturang listahan.

Sinabi ni PNoy na personal niyang nakita ang listahang napasakamay ni De Lima, habang nabanggit ni Lacson sa Presidente ang tungkol sa sarili nitong kopya noong minsang magpulong sila.

Aminado rin ang Presidente na mayroong mga mambabatas na kaalyado niya at mula sa oposisyon ang napasama sa naturang listahan.



NEED FOR VERIFICATION. "I was really taken aback by that changing of numbers. That seems to be such a very principal and material fact,” pahayag ni PNoy.

Nakapanayam ng GMA News si PNoy sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations Summit sa Myanmar noong Linggo, May 11.

Dito ay ipinaliwanag ng Presidente na hindi basta-basta puwedeng isapubliko ang naturang listahan hangga’t hindi naiimbestigahan kung bakit magkaiba ang impormasyong nagmula sa kampo ni Napoles.

Sa halip na mabigyang-linaw ang imbestigasyon sa pork barrel scam ay lalo itong magiging kumplikado kung mapaaga ang pagsasapubliko ng kontrobersiyal na listahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si PNoy ang tatanungin, mas mabuting ipaubaya ito sa Office of The Ombudsman na siyang bahalang magberipika nito.

Sabi pa ni PNoy, "I don’t want to talk to her.

“She can talk to the people who will be in a position to evaluate an evidence and that means primarily lawyers.”

21 SENATORS INCLUDED IN NAPOLES LIST. Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online, inihayag ni Lacson na mayroong siyam na kasalukuyang nanunungkulan bilang senador ang kasama sa listahan ng mambabatas na diumano’y nakatransaksiyon ni Napoles sa pork barrel scam.

Bukod dito ay mayroon pang siyam na senador na tapos na ang termino ang napabilang sa listahan ni Napoles.

Kasama rin diumano sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Bong Revilla, at Senator Jinggoy Estrada sa 21 past and present senators na kabilang sa listahan ni Napoles.

Inihayag din ni Lacson na mayroong dalawang cabinet officials sa ilalim ng administrasyon ni PNoy ang dawit sa listahan.

Pahayag ni Lacson sa isang press conference sa Diamond Hotel ngayong Lunes, May 12:

“May dalawang nasa administration ngayon na Cabinet officials [na nasa listahan]

“Nangyari yung alleged participation nila bago pa sila naging parte ng Gabinete.”

Ayon kay Lacson, ang dalawang natukoy na cabinet officials ay dating nanilbihan bilang kongresista.

Nakatakdang makipagpulong si Lacson kay De Lima ngayong linggo upang maikumpara ang kani-kanilang hawak na listahan ni Napoles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN