Richard Yap ignores negative comments about Be Careful With My Heart

Richard Yap on the longevity of Be Careful With My Heart: "Ang benefits that come with the show is so big. It’s something that is really very overwhelming. You are helping so many people that you don’t know. So, we’re very happy with what’s going on, and it’s not going to end soon."


Ayaw patulan ni Richard Yap ang kumakalat na mga negatibong komento sa social networking sites tungkol sa morning teleserye nila ni Jodi Sta. Maria sa ABS-CBN, ang Be Careful With My Heart.

Ayon kasi sa iba, kung marami ang natutuwa sa show, may mga nababagot din sa katagalan bago isinilang ni Jodi ang kambal na anak nila ni Richard sa istorya.

“Yun nga, e, naiinis kasi sila dahil ang tagal daw, pero nanonood pa rin sila.

“Bakit sila naiinis, e, di huwag na sila manood!

"Pero nanonood sila kaya okey lang. Sige lang, mainis kayo!” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa exclusive party treat niya sa 15 winners na mga mommy na sumali sa Ice-Katchang Mother’s Day contest ng Wang Fu restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong Sabado, May 10.



BENEFICIAL. Ibinalita naman ni Richard na hanggang ngayon ay wala pang sinasabi ang management kung hanggang kailan sa ere ang Be Careful With My Heart.


Halos dalawang taon nang nasa ere ang programang ito ng ABS-CBN.

“As of now, wala pa. Hindi ko alam kung kailan talaga ang original schedule.

"Pero sabi nila, hanggang December daw,” pahayag ni Richard.

Kumusta ba ang rating ng show nila?

“Okey naman, minsan bumababa.

"Pero ngayon, nung nagkaroon ng kambal, tumaas ulit.

"So, nag-a-average, okey pa rin,” sabi niya.

Personally, gusto ba niyang humaba pa ang airing ng show nila?

Sagot ni Richard, “Since yung mga comment, kasi ang daming... the show have so many people…

"For us, it’s a blessing, and it’s also a blessing to the people who are watching.

"Kasi there was an article nga last week na nakakatulong siya sa ibang tao because nag-recover sila from their sickness.

“So, for us, it’s something that you cannot exchange for money.

"Ang benefits that come with the show is so big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s something that is really very overwhelming.

“You are helping so many people that you don’t know.

"So, we’re very happy with what’s going on, and it’s not going to end soon."

Natural lang daw ang put-downs tungkol sa show.

"Yun nga, we cannot please everyone.

"Yung mga negative, hamo na sila maging negative.

“‘Di ba kasi, kapag pinatulan mo yun, what will you get out of it?

"They will never see the positive things in life. Hayaan na natin.

"Kasi kapag may mga taong ganoon, that’s why their lives are like that because that’s how they think, e.”

REAL DADDY. Two weeks ago ay nag-debut ang panganay na anak ni Richard at ng asawa nitong si Melody.

How’s the celebration?

“Ayun, hindi nga ako nakasama sa dinner kasi nasa concert ako ni Daniel [Padilla]. Humabol na lang ako after dinner.

"Hindi naman siya nag-debut mismo, kasi she didn’t want... she wanted something else.”

Which is?

“Something else!" at natawa si Richard.

Kotse ba ito?

“A, oo. Pero sabi ko, magpraktis muna kasi nag-aaral pala siyang mag-drive.”

Pero bibilhan ba niya ang anak?

“We’ll see. Sabi ko, ’Gamitin mo muna yung kotse natin sa bahay.’”

Siya ba mismo ang magtuturo sa anak niyang mag-drive?

Sabi ni Richard, “Hindi. Pinaaral ko siya sa driving academy talaga.”

Ano ang pakiramdam ng anak na nag-debut?

“Well, of course, it’s another milestone in her life, in our lives also, and seeing her in college already.

"Nakaka-overwhelm din.

"Pero it’s exciting for us, it’s nice to know that napalaki mo na siya hanggang….

"Yun, magka-college na siya and, so far, she’s doing quite well.

"So, we’re quite happy.”

May plano ba sila ng misis niya na magkaroon din ng bagong baby, ’tulad nila ni Jodi sa Be Careful With My Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na siguro. At our age, parang ano na, paglabas ng baby, lolo na ako.

“Kasi yung kaibigan ko, may apo na.

"Kaedad ko yun, pero maaga talaga siya nag-asawa, 21, mga ganoon.”

UNWRITTEN RULES. Nakikipag-date na ba ang anak niya?

“She goes out with her friends and ina-allow naman namin, as long as alam namin kung sino ang kasama.”

May dumadalaw na ba sa bahay nila para manligaw?

“Oo, meron,” sambit ni Richard.

May requirements o restrictions ba siya sa guys na manliligaw sa anak niya?

“Wala naman. For me, as long as maayos naman sila, they come from a good family.

"Marunong gumalang, marunong sumunod sa rules.

"Unwritten rules naman ‘yan, e, they all know, ‘di ba?

"Basta yung friends naman niya nagpupunta sa bahay, nakikilala din namin.

"And then, isinasama rin namin kapag lumalabas kami.”

Guys included?

“Yes, guys included.”

Mahigpit din ba siyang ama?

“It depends, sa studies niya, first and foremost.

"Saka if they do something wrong. If not, I’ll just let them be.

"Kasi I know that kung paano ko sila pinalaki and I know na hindi naman sila gagawa ng kalokohan.”

SURPRISE PARTY. Samantala, sinorpresa naman si Richard ng employees and kitchen staff niya sa Wang Fu. Magbi-birthday kasi ang Kapamilya actor sa May 18.

Kumusta naman ang surprise greeting sa kanya ng staff niya?

“Actually, na-surprise talaga ako. Ang alam ko lang [for] Ice-Katchang yung party.

"Nagulat ako doon!” tuwang-tuwang sabi ni Richard.

Ilang taon na siya sa birthday niya?

“Forty-seven,” mabilis niyang sagot.

Ano ang birthday wish niya?

“A, peace to all mankind!" hagikhik nito.

Pero seryoso niyang sabi, “I don’t think I want to wish anything more for myself.

"I just hope that I will be continually bless so that you can also bless others in return.

"And be a channel of all the blessings that are coming our way and we can help others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s so many ways of helping kasi, e. Hindi lang financially and emotionally, it’s spiritually minsan.

"And I learn that now that I’m in this kind of work.

"So, nakakataba ng puso na we know that we’re able help others.”

Ano ang ginagawa niya to give back?

“Yes, we have a charity that we support. It’s a foundation na nagpapaaral ng mga bata.

"They do medical mission. They’re prayer warriors also kasi mga nuns sila.

"So, we help them financially so that they can help the other people who need help.

"And aside from that, may mga churches na ginagawa.

“Tumutulong din tayo doon and sa mga children with cancer also.

"So, those are things I usually I don’t like to publicize naman.

"Parang ano lang, basta makatulong nang pakonti-konti.

"Try our best what we have to.”

Nakuha na ba niya all the best things in life at 47?

Sagot niya, “I think so.

"I think even before that, okey na ako, kasi as long as I have my family with me, okey naman kami.

"As long as we have a house to live and masuportahan mo sila nang maayos, that’s the most important thing.

"So, everything else that comes our way is a blessing.”

BIRTHDAY CELEBRATION. Magkakaroon daw ng charity works si Richard para sa birthday celebration niya.

“A, yun nga, may mga pupuntahan kaming charity works.

"Kasama ko si Tim Yap and my management team. And siyempre, kasama rin family ko.

“Pero magdi-dinner kami with some friends siguro, magse-celebrate rin kami for all the people who helped us.”

Anong regalo ang gusto niyang matanggap sa birthday niya?

Sagot niya, “Wala naman, okey naman ako.”

Hindi ba Harley Davidson motorcycle?

Biglang natawa nang husto si Richard.

Last time kasing nainterbyu namin si Richard, nabanggit niyang gusto niyang magkaroon ng Harley Davidson. Mas mabuti raw kung kunin siyang endorser nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasam pa rin ba niyang magkaroon ng ganitong motorsiklo?

“A, sometimes. Pero ngayon, parang ayoko kasi ang init, e, parang ayaw ko nang mag-motor.

“‘Tsaka sobrang traffic. Pero meron akong helmet ng Harley, kasi may motor ako talaga dati.”



A MOVIE FOR RICHARD? Samantala, may film project daw si Richard na hindi matuluy-tuloy dahil hindi magkatugma-tugma ang schedule ng mga artista na kukuning kapareha niya.

Kaya ba niyang sabay na mag-shooting for the film and taping for his TV series?

Aniya, “Actually, kaya naman, pero yung schedule niya [female star] ang problema.”

May pini-peg na raw na leading lady for him but nothing’s definite yet.

“Oo, saka wala pa ring story na naiisip, yung mga artista pa lang,” sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN