Marjorie Barretto tells her children: "I will never speak ill of anyone of you no matter what."

Isang makahulugang post sa Instagram ang inilagay ni Marjorie Barretto isang araw pagkatapos ipalabas ang taped interview ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine sa Buzz ng Bayan. Sinabi ng dating actress-politician na hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikawawasak ng kanyang pamilya.


"I will protect you with all my might, and I will never speak ill of any one of you no matter what."

Bahagi ito ng pahayag ni Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account (@marjbarretto) kahapon, Mayo 12, isang araw matapos ang tell-all interview ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto sa Buzz ng Bayan.

Read: Claudine Barretto calls sister Gretchen "heartless"; claims Gretchen hurled below-the-belt insults at her

Nag-post si Marjorie ng larawan niya kasama ang kanyang apat na anak na sina Dani, Julia, Claui, at Leon.

Malaman at makahulugan ang mga naging pahayag ng dating aktres sa kanyang post pagdating sa pamilya:

"My children.. I promise to be the best Mom in the world for all of you, I will protect you with all my might, and I will never speak ill of any one of you no matter what. i will never do anything to cause division in our family, I will only promote peace when there will be misunderstandings. I will love each of you equally and unconditionally. Thank you Lord for my children... My life."

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang sigalot sa pamilya Barretto—kapatid laban sa kapatid, at mga anak laban sa kanilang mga magulang.

Sa taped interview ni Claudine sa Buzz ng Bayan noong Linggo, sinabi ng aktres na pinakagalit siya kay Marjorie "kasi pinag-away kami ni Gretchen."

Nasaktan din daw si Claudine nang tanggalin ni Marjorie ang karapatan niyang makita ang kanyang mga pamangkin.

"But she killed me the day na tinanggal niya yung karapatan ko to see my nieces na pinalaki ko... I would never ever do anything to hurt my nieces.”

Sinubukan din daw ni Claudine na makipag-ugnayan sa kanyang mga pamangkin tuwing may okasyon subalit nabigo siya.

Pinatay na rin daw ni Claudine si Marjorie sa buhay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN